Chapter 20

31.1K 686 41
                                    

"Pwede bang ako ulit ang susundo kuya Alec?" desperadang tanong ko dito.

Halos tatlong linggo na din simula ng umalis ito para sa isa nanamang touranament sa ibang bansa. Hindi kagaya ng dati ay mas mabilis ang pagbalik niya ngayon. Wala mang surprise party ay gusto ko naman siya surpresahin para sa pagsundo ko.

"Baby, Wala naman tayong surprise party sa kanya ngayon, tsaka malaki na ang kuya Axus mo marunong ng umuwi mag-isa yon" natatawang sabi niya sa akin.

Napanguso ako kasabay ng pagbagsak ng aking magkabilang balikat. "Sige po, uuwi na ako" paalam ko sa kanya. Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa.

"Sasabihin ko sa kanyang puntahan ka kaagad, pagdating niya" paninigurado niya sa akin. Tipid na lang akong tumango.

Nagayos kaagad ako ng aking sarili pagkauwi ko sa amin. Kumapit ako sa sinabi ni Kuya Alec na papapuntahin niya kaagad ito sa amin pagdating. Kailangan maganda ako. Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi ng mas lalong dumidilim sa labas. Walang Kuya Axus na dumating.

"Pagod siguro" pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Maaga akong gumising kinauamgahan para pumasok sa opisina. Kahit di ko nakasanayan ay maaga akong gumising kinabukasan, Lunes na lunes at balik na ulit ako sa pagiging Secretary niya, siguro naman sa oras na ito masabi ko na din sa kanya yung ipinayo sa akin ni lola...Na Sundin ko ang bagay na nagpapasaya sa akin, Kakalimutan ko ang lahat katulad na lamang nung nangyari nung anduon pa si ate denise, pero matagal na iyon, tama si kuya Axus matagal na iyon.

Sa ngayon...susundin ko na kung ano yung makapagpapasaya sa akin, Yun ay ang mahalin na din siya, ang maging totoo na sa sarili ko, Alam kong mali, pero tama talaga si lola, Walang ibang pwedeng magdikta kung ano ang ikasasaya ko kundi ako mismo.

"Good mo..." naputol ang pagbati ko habang papasok ako ng opisina ng makitang anduon si Tita Pia.

"Good morning, Elaine..." nakangiting bati nito sa akin. Tumayo pa at hinalikan ako sa pisngi.

Alanganin akong ngumiti sa kanya. "Good morning, Tita..."

Napabaling ako sa nakaupong si Kuya Axus sa may couch, seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya naman napayuko na lamang ako.

"Masyado ka bang pinapahirapan ng Kuya Axus mo dito? buti naman at hindi na kayo mukhang aso't pusa kung magaway ngayon" naaaliw na tanong pa niya.

Nginitian ko na lamang siya dahil duon pero agad siyang napabaling ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Kuya Axus.

"Tita..." bati ng isang babaeng ngayon ko lang nakita. .

Matangkad siya ng kaunti kaysa sa akin, morena ang isang ito at may kulay ang buhok. Kahit nakangiti ay mataas pa din ang kanyang kilay. "Bernadette Hija. I'm so happy nakarating ka" yakap ni Tita Pia dito.

"Ofcourse Tita, alam niyo naman pong hindi ko kayo matatanggihan" nakangiting sabi pa niya dito. Napanguso na lamang ako.

"Oh, I want you to meet my son Axus. Kakambal siya ni Alec, hindi ba nakwento ko na sayo" pagpapakilala ni Tita.

Nainis ako ng napako ang tingin nito kay Kuya Axus, kulang na lang hubaran niya ah. Bwiset!

"Axus..." pagpapakilala naman ni Kuya Axus at naglahad pa ng kamay.

Mabilis iyong tinanggap ng babaeng may kulay ang buhok. Matagal ng uso iyon sa amin nung highschool.

"Bernadette..." malanding pagpapakilala naman nito.

"Oh...and this is Elaine. Pamangkin ko" pagpapakilala din sa akin ni Tita Pia.

"Hi" maarteng puna niya sa akin at bahagyang kinaway ang kamay.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now