Chapter 7

76.7K 916 204
                                    

Hindi maalis ang tingin ko kay Kuya Alec sa takot na mas masabi siyang kinatatakutan ko. Bibigyan din ba niya ito ng kahulugan?

"Ano nanaman ito, Axus?" galit na tanong niya dito.

"Away nanaman ba sunod nito?" tanong niya sa kapatid at inilang hakbang lang ang pagitan namin. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya.

Hinubad niya ang suot na itim na jacket. "Isuot mo ito, Elaine" nagaalalang sabi niya at siya pa mismo ang nagsuot nuon sa akin.

Nang matapos ay muli niyang sinamaan ng tingin si Kuya Axus. "Pwede ba, hindi na kayo bata para maglaro ng basaan. Tingnan mo ang itsura niya" pangaral nito.

Tamad na nakinig si Kuya Axus, kambal sila pero kung pangaralan siya ni Kuya Alec ay parang mas matanda ito sa kanya.

"Ang slow mo..." tamad na sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Iritadong bumaling sa kanya si Kuya Alec, mula sa akin. "Anong sabi mo?"

"You're to dumb. Stupid" mas madiing sabi na ngayon ni Kuya Axus.

Nalaglag ang panga ko habang pinapanuod silang dalawa.

"You shut up"

Muling napairap si Kuya Axus sa banta ng kapatid. Matalim ko siyang tiningnan para sana patigilin ngunit hindi siya tumingin sa akin, ramdam ko ang pagiwas niya ng tingin.

May ibinulong pa siyang hindi ko naman nakuha bago niya kami tinalikuran at dumiretso sa may kwarto.

"Ok ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Kuya Alec.

Wala sa sarili akong tumango sa kanyang tanong sa akin. Sobra sobra ang kabang nararamdaman ko ngayon. Ano bang nangyayari kay Kuya Axus? Bakit kinakabahan ako sa ikinikilos niya?

Bago pa siya makapagsalita ulit ay tumunog na ang kanyang phone. Nagpaalam siya sa akin at sinagot iyon. Marahan kong sinuklay ang aking basang buhok na dumikit na sa aking noo at pisngi. Napatingin ako kay Kuya Alec na seryosong nakikipagusap sa kung sino sa kabilang linya.

Nagulat ako ng muli ko nanamang naramdaman ang init ni Kuya Axus ng tumabi siya sa akin. Inilahad niya ang puting tshirt. "Hubarin mo yan. Ayokong nagsusuot ka ng damit ng ibang lalaki" galit na sabi niya sa akin kaya naman kumunot ang aking noo.

Tiningnan ko siya ng masama. Bwiset siya, Pahamak! Padabog ko iyong kinuha. Nagmartsa ako papasok sa kwarto para makapagpalit.

"Shut up. Pupunta ako sa condo ni Nathan mamaya. Naiapagpaalam ko na din si Elaine. Iuwi mo muna siya para makapagpalit ng damit bago kayo dumiretso duon" si Kuya Alec. Tipid akong ngumiti sa kanya ng bumaling siya sa akin.

"I need to go. May meeting pa ako" malambing na paalam niya sa akin. Hinalikan niya ako sa aking noo.

"See you later"

"Ingat po. See you later" malambing na paalam ko kay Kuya Alec tsaka ko siya niyakap, tumingkayad pa ako para lang makahalik sa kanyang pisngi.

Tahimik naming pinanuod ang pagalis ni Kuya Alec. Parang hinangin ang tiyan ko ng mag sink in sa akin na kaming dalawa nanaman ni Kuya Axus ang maiiwan dito.

Paano kaya kung hindi dumating si Kuya Alec kanina? Saan mapupunta yung pagiging malapit namin?

"Pumasok ka na lang ulit duon sa loob. Ako na ang tatapos nito" utos niya sa akin.

Inrapan ko na lamang siya at padabog na naglakad pabalik sa kwarto. Pero medyo na papangiwi pa din ako sa sakit ng aking tuhod. Paniguradong magkakapasa iyon. "Pahalik halik pa kasi nakakabanas!" inis na bulong ko habang naglalakad.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now