Chapter 38

30.1K 743 62
                                    

Para akong nakakita ng multo. Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Kahit may kalayuan ay nakita ko pa din ang kanyang mukha. Wala siyang pinagbago sa mga nagdaang taon.

"Anong problema?" nagaalalang tanong ni Keizer ng mapansin niya ang aking pagkabato.

Hindi ko siya masagot. Takot ang aking nararamdaman sa ngayon. Natatakot akong makita niya ako, takot na baka sumbatan niya ako sa nangyari sa kanila ni Kuya Axus nuon dahil sa akin. At higit sa lahat, takot ako na makita siya ni Kuya Axus at bumalik ang nararamdaman niya para dito.

"Uuwi na ako" nauutal na paalam ko kay Keizer. Wala sa sarili ko siyang tinalikuran. Rumagasa sa akin ang mga salitang sinabi ko sa kanya nuon.

"I saw your bitch"

"My what?

"Your bitch, Kuya Axus! Your cheap girlfriend!"

"Watch your mouth, Elaine! Girlfriend ko ang pinaguusapan natin dito"

Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Keizer. "Anong nagyayari? Anong problema? Nagaalalang tanong niya pa sa akin.

Kagaya kanin aya hindi ko pa din siya pinansin. Masyadong okupado ang pagiisip ko. Ang mga nangyari nuon ay muling bumalik sa akin. Halos bumigat ang dibdib ko dahil duon.

"Hiwalayan mo na siya, Kuya Axus...Wag kang magpakatanga!"

"Shut up ,Elaine! Baka makalimutan kong babae ka at pinsan kita"

"Mas pinipili mo siya kesa sa akin? Pinsan mo ako Kuya Axus! "

"Exactly. You're just my cousin..."

"Denise is my life"

Paano kung si Ate Denise pa din?

Naputol ang pagiisip ko ng biglang may humila sa aking braso dahilan para matigilan ako. Hinarap ako ni Keizer sa kanya, punong puno ng pagtataka ang kanyang mga mata.

"Anong problema?" Tanong niya sa akin.

Marahan akong umiling. "Wala..."

Hindi niya pinansin iyon. Hindi siya naniwala. "Tell me, may hindi ka ba nagustuhan? Ano?" frustrated na tanong niya sa akin. Kung makapagtanong siya ay para bang wala siyang ibang gusto kundi ang i-please ako.

Mariin akong pumikit para pakalmahin ang aking sarili. "Wala akong problema, pagod na kasi ako at magaayos pa, para sa pagluwas ko bukas. Kaya naman mas mabuti pa sigurong mauna na akong umuwi sa inyo" paalam ko sa kanya.

Muli kong nilagpasan si Keizer. Buong akala ko ay hahayaan niya na ako. Hanggang sa marinig ko ang kanyang boses sa aking likuran. May kausap siya sa kanyang cellphone. Hindi ko maintindihan iyon, kaya naman sandali akong napatigil sa paglakad at hinarap siya.

"Hindi mo ako kailangang ihatid" sabi ko sa kanya.

Pumungay ang kanyang mga mata. "Ihahatid kita. Kung gusto mong maglakad, maglalakad ako kasama ka" laban pa niya sa akin kaya naman sandaling napaauwang ang aking bibig.

"Kailangan ka dito ng pinsan mo" giit ko. Ayokong maging pabigat pa sa kanya at alalahanin pa niya. Sinabi niya sa akin na may iba na siyang inutusan para sa mga ito. Marahan akong umiling at napabuntong hininga.

Pagod siyang ngumiti sa akin. "You don't need to tell me, what to do Elaine"

"Please, hayaan mo na lang akong umuwi magisa" pakiusap ko. "Promise Keizer, hayaan mo na .

Tumikhim siya. Halatang hindi magpapatalo. "Sasamahan kita hanggang sa bahay niyo. Maayos ka naming kinuha duon kaya gusto ko, maayos ka ding babalik" seryosong sabi niya.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now