Chapter 24

27.3K 576 45
                                    

"Sa dinamirami ng babae, Si Elaine pa talaga!? pinsan mo! Hayop ka!" galit na sigaw ni Kuya Alec. Panay din ang sigaw at pagmamakaawa ko sa kanila, sunod sunod ang ginawa niyang suntok kay Kuya Axus na hindi naman nito nilabanan.

"Kuya Clark, bitawan mo po ako please..." umiiyak na pakiusap ko dito. Mahigpit ang hawak niya sa aking, pilit akong nilalayo sa magkapatid. Galit siya at ramdam ko iyon sa hawak niya sa akin, hindi din niya ako pinansin sa aking pakiusap.

"Kuya Alec, tama na po" umiiyak na pakiusap ko.

"Napakawalang hiya mo." gigil na sigaw niya dito. Hindi nila pinansin ang iyak ko. Kay Kuya Axus nila ibinunton ang lahat ng sisi at hindi ako makakapayag duon.

"Kahit patayin mo ako sa bugbog. Mahal ko si Elaine." matapang na pagamin niya sa mga ito. Nagawa niya iyon kahit halatang hirap dahil sa iniindang sakit.

"Aba't putangina naman pala talaga ito eh!" Hiyaw ni Kuya Clark ng hindi na din siya nakapagpigil.

Marahan niya akong binitawan. Lumapit siya sa magkapatid at sinuntok din si Kuya Axus. Hindi siya nakuntento sa isa dahil mabilis niyang sinundan ng ilan pa. Hindi ko na kinaya ang aking mga nakikita kaya naman tumakbo na din ako palapit sa kanila. Lumuhod ako para daluhan si Kuya Axus na hindi na magawang tumayo. Inunan ko ang ulo niya sa aking binti at niyakap siya.

"Please. Tama na po" umiiyak na pakiusap ko sa dalawa na nanatiling nakatayo sa aming harapan. Pareho nilang hinahabol ang kanilang mga pag hinga dahil sa galit.

"Kuya Axus..." nagaalalang tawag ko sa kanya, hinigpitan niya lang lalo ang yakap sa akin.

"Ayos lang ako baby, tahan na" pagaalo niya sa akin kahit alam kong sobrang nasasaktan siya. Nagawa pa nga niyang abutin ang pisngi ko para punasan ang aking mga luha.

"Putangina hindi ko na alam ang gagawin ko" singhal ni Kuya Alec. Halos mapahilamos siya sa kanyang mga palad.

"Hindi pwedeng malaman ito, malaking gulo ito para sa pamilya natin" dagdag ni Kuya Clark. Parehong nagtatangis ang kanilang mga bagang dahil sa galit.

"K...kuya Alec" tawag ko.

Matalim niya akong binalingan. "Shut up Elaine!" galit na singhal niya sa akin. Mas lalo akong natakot. Ngayon lang kasi niya ako sinigawan ng ganito.

"Wag mong sigawan si Elaine!" galit na utas ni Kuya Axus sa kanya. Mabilis ko siyang hinawakan sa braso. Hindi kami pwedeng makipagsabayan ngayon, nahuli kami. May kasalanan kami.

Nginisian lamang siya nito. "Nakakadiri kayo" walang kagatol gatol na sabi niya dahil sa pandidiri.

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo" matapang na sabi ni Kuya Axus.

Muling nagtangis ang bagang nito. "Sarap na sarap kang makipaghalikan. Putangina ka, sa pinsan mo!" sigaw ni Kuya Alec.

"Kuya Alec, mahal ko po si Kuya Axus" pagamin ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Kuya Axus sa akin.

Natawa ito dahil sa aking sinabi. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Elaine."

"Alam ko po. Mahal ko po siya" paninindigan ko.

Bayolenteng napabuntong hininga ito. Nanghihinang napaupo na lang si Kuya Clark habang mariing nakapikit at hinihilot ang kanyang sintido.

"Axus always want to be challenged. He just want to explore somethings, nage-enjoy siya pag ginagawa niya yung mga bagay na alam niyang bawal. That's it, Elaine." madiing paliwanag niya na para bang gusto niyang itatak iyon sa aking isip.

"That's not true." si Kuya Axus. Hindi siya pinansin ni Kuya Alec, ang atensyon nito ay nanatili sa akin. Ako ang gusto niyang kausapin, ako ang gusto niyang gumawa ng desisyon para sa amin.

A Sweet Mistake (HFS #1)рдЬрд╣рд╛рдБ рдХрд╣рд╛рдирд┐рдпрд╛рдБ рд░рд╣рддреА рд╣реИрдВред рдЕрднреА рдЦреЛрдЬреЗрдВ