Chapter 4

78.4K 1.9K 127
                                    

Hindi nawala ang magkabilang kamay ko sa aking tenga. Sobrang lakas ng hiyawan kasabay ng malakas ding tunong ng mga sasakyan. Napairap na lamang ako sa kawalan ng makita ko ang ilang baner para kay Kuya Axus. Anong tong pinag sasabi ni Marcus na walang magchecheer sa kanya eh halos malamon na nga kaming tatlo ng sigaw ng kanyang mga taga hanga.

Napapailing na lamang ako habang pinapanuod si Yvonne na tumatalon talon at napapapalakpak pa. "Ang saya!" tili niya. Mas lalo pa akong nainis ng hampasin niya ang aking braso dahil sa sobrang galak niya.

Muli nanamang nakuha ni Marcus ang atensyon ko dahil sa pagmamaktol nito. "Shit, naunahan siya! Last na ikot na lang eh!"

Kumunot din ang aking noo. Tahimik ako kanina dahil kita ko naman kung paano siya nangunguna. Dahil Nakita kong tama nga si Marcus at pangalawa na lamang siya ngayon ay biglang nabuhay ang aking dugo. Siya dapat ang Manalo, hindi ako makakapayag na pangalawa lang siya ngayon. Ngayon lang ulit ako nakanuod kaya naman dapat ay Manalo siya. Aba! Pagpakitang gilis naman siya.

"Shit! Fuckshit! Unahan mo yan, wag kang tatanga tanga!" hiyaw ko. Alam kong hindi naman niya maririnig iyon pero damn, galingan mo! Dahil sa sobrang frustration ay mas nangibabaw na ang boses ko. Kita ko ang mga tingin sa aking ng mga tao pero wala akong pakialam!

Nalaglag din ang panga ng aking mga pinsan na nagulat dahil sa aking biglaang pagburst out. Hinayaan ko na lang sana ulit, ngunit ng tumingin ako sa race track ay Nakita kong halos pumangatlo na siya. Damn, this is not good.

"Bullshit. Kuya Axus, anong katangahan yan?" sigaw ko pa at muli nanaman iyong umalingawngaw dahilan kung bakit halos humagalpak na din ng tawa ang aking mga pinsan.

"Damn Girl. I-motivate, Hindi sumbatan ng katangahan!" humahalakhak na sabi ni Marcus. Inirapan ko na lang siya at nagfocus sa game. Nakakainis!

Matapos ang laban ay mas lalo akong nabadtrip. He only got the second place. I don't think that he deserves it. He deserves to be the champion. Ang taas pa naman ng tingin ko sa kanya. I thought he'll be extra today dahil nandito ako. Hindi naman pala! Inggrata ka Elaine.

Muling umalingawngaw ang mga sigaw ko kanina dahil sa video na pinapanuod nilang tatlo. Napairap na lamang ako sa kanila at tahimik na sumimsim sa aking orange juice.

"Shit! Fuckshit! Unahan mo yan, wag kang tatanga tanga!"

"Bullshit. Kuya Axus, anong katangahan yan?"

Tuwang tuwa si Marcus dahil sa video. Akala siguro niya nakakatuwa iyon, gayong ang isa sa kanila ay masama na ang tingin sa akin. Napanguso na lamang ako at bahagyang nagiwas ng tingin kay Kuya Axus, ako nanaman ang may kasalanan? Sa wari.

Nagtiim bagang siya habang matalim pa din ang tingin sa akin. "You curse Elaine?" seryosong tanong niya sa akin.

Bayolente akong napalunok dahil sa takot pero pinilit kong maging matapang. "Ofcourse. Tao din naman ako ah..." inosenteng sabi ko.

Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. "Kung ganyan lang din naman ang gagawin mo, everytime na sasama ka dito. Wag ka ng sasama ulit" masungit na sabi pa niya sa akin. Aba! Magsasalita pa sana ako para ipagtanggol ang aking sarili ng kaagad na siyang tumayo at nagwalk out. What the hell, siya pa talaga ang may ganang magwalkout.

Sumama tuloy ang tingin ko kay Marcus. "Bakit mo pa kasi pinakita!?" inis na sumbat ko sa kanya.

Di ito nakasagot kaagad. "Ganito na lang. Sundan mo na lang at mag sorry ka" suwestyon niya.

Nanlaki ang aking mga mata. "Ang kapal naman ng mukha niya! Ako pa ang magso-sorry? Pasalamat nga siya dahil sumama pa ako dito!" himutok ko.

Napatigil ako ng kaagad nanlaki ang mga mata nito at tumingin sa aking likuran. "Kuya...Axus" tawag niya dito na nautal pa. bigal nanaman akong kinabahan.

A Sweet Mistake (HFS #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz