Chapter 14

32.5K 662 26
                                    

Dumiretso ako sa aking villa at siniguradong nakalock ang pintuan. Nanlumo ako ng bumalik sa akin lahat ng nangyari. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at sumubsob sa aking unan. What the fuck is that Elaine? Masyado kang nagpadala sa emosyon mo. Mas lalo mo lang pinalala ang lahat.

Marahan kong hinila ang kumot ko at binalot ang aking katawan. Ramdam ko pa din hanggang ngayon ang mga haplos niya sa akin.

Bakit ko siya hinayaang gawin iyon sa akin? Hindi sapat na mahal ko siya. Magpinsan kami.

Paulit ulit kong tinanong ang aking sarili. Napaka tanga ko. Dahil sa pagiyak ay dahan dahan na akong kinain ng antok.

Nagising ako dahil sa katok sa aking pintuan.

"Elaine..." tawag ni Yvonne.

Hindi lang ang boses niya ang aking narinig. "Hey Elaine, Gumising ka na diyan! Hindi tayo pumunta dito para matulog!" si Carol.

Mabigat ang katawan ko ng tumayo ako para pagbuksan sila ng pinto. Walang pasubali silang pumasok at dumiretso sa aking kama. Tamad ko silang tiningnan at napakamot na lang sa aking ulo. Babalik sana ako sa pagkakahiga ng pinigilan nila ako.

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Yvonne.

Hindi ako sumagot. "Mag swimming na tayo" yaya ni Carol sa akin. Kita ko ang pagaalala sa kanyang boses. Alam kong alam niyang may problema ako.

"Kayo na lang" pagtanggi ko. .

Hindi sila nakinig. Hinila nila ako papasok sa may bathroom. "Yvonne, kunin mo ang swimsuit niya. Ako na ang magbibihis dito" si Carol.

Mabilis siyang sinunod ni Yvonne kaya naman nalayo ito sa amin. Hindi na ako nanlaban pa. "Ano ba talaga ang problema?" tanong ni Carol sa akin.

Nagiwas ako ng tingin sa kanya. "Wala" tamad na sagot ko sa kanya. Napahinto siya sa pagtatanong ulit ng sumulpot na si Yvonne sa aming tabi dala ang isa sa mga swimsuit ko.

"Ako na ang bahala dito" determinadong sabi ni Carol. Hinayaan kami ni Yvonne, nanatili siya sa labas at naghihintay sa amin. Isinara ni Carol ang pintuan at tsaka ako muling hinarap. Napahawak ako sa may sink para kumuha ng suporta, hanggang ngayon ay nanlalambot pa din ang aking mga tuhod.

"Hubad na" utos ni Carol.

"Lumabas ka" sabi ko. Inirapan niya ako. Wala siyang balak na iwan ako hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot.

"Pareho naman tayong babae!" giit niya sa akin. Hindi na ako nagmatigas pa, tamad akong naghubad para makapagpalit ng swimsuit. Nagulat ako ng marahas na hinila ni Carol ang aking braso. Ang kanyang mga mata ay nanatili sa aking dibdib.

"Kiss marks?" hindi makapaniwalang sambit niya.

"Saan mo nakuha yan?" tanong niya.

Bigla akong nanlamig. Mabilis kong kinuha ang hinubad kong sando at itinakip iyon sa aking katawan. "Wala ito..."

Hindi naputol ang titig niya sa akin. Alam kong may gusto siyang sabihin pero walang ni isang salita na gustong lumubas sa kanyang bibig.

"Mag tshirt ka na lang" pinal na sabi niya bago siya lumabas duon.

Nagulat pa si Yvonne ng makitang nakatshirt ako pagkalabas ko ng banyo. "Oh? Bakit?"

Pinilit kong ngumisi sa kanya. "Ayong magpaitim" palusot ko. Inirapan niya ako at napanguso. Panay ang reklamo niya habang palabas kami.

Maingay galing sa videoke ang cottage namin. Magulo din ang aming mga pinsan, may kung anong kalokohan nanaman sigurong ginagawa. Sinalubong ako ng tingin ni Kuya Alec.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now