Chapter 37

27.6K 602 50
                                    

Elaine Jimenez

"Dalian mo diyan" utos ni Keizer habang preskong nakaupo sa malilim na lugar, sa may papag sa ilalim ng puno ng Acacia.

"Nakakadiri talaga!" Nandidiring reklamo ko.

"Magtigil ka nga diyan! Parang putik lang, napakaarte nito" sumbat niya sa akin.

"Gago ka ba! Ikaw kaya magtanim dito!" Sigaw ko sa kanya.

Nasa may gilid ako ng palayan, nakalusong sa putikan at nagtatanim ng palay. Hindi naman ako marunog nito basta ang sabi niya ay itusok ko lang daw sa may lupa sa ilalim. Isa nanaman ito sa mga paraan niya para patawarin niya ako. Hindi sapat ang sorry ko sa kanya, ang sama talaga ng lalaking ito!

"Sensitive pa naman yung balat ko..." reklamo ko.

"Bilisan mo na diyan at papalitan mo pa yung tubig sa fish pond namin. Kawawa naman yung mga alaga kong isda" pahayag pa niya.

Napairap ako dahil sa kanyang sinabi. "Wow naman, buti pa sa mga alaga mo nagaalala kang baka mamatay na. Samantalang sa akin hindi ka man lang naawa, tirik na tirik yung araw oh!" Turo ko sa itaas habang patuloy na nagrereklamo.

"Ayaw mo nun? Pagbalik mo ng Manila, morena ka na...tsaka bakit naman ako magaalala sayo? Alaga ba kita? Akin ka ba?" mapangasar na tanong niya sa akin.

Tumaas ang isang sulok ng aking labi. "Para namang gusto kong magpaalaga sayo!" asik ko sa kanya. Ang feeling!

"What I mean is, pwede naman ito mamaya pag malilim na. Bakit ba kailangang ngayon pa...tsaka wag mo ng papalitan yung tubig sa fish pond, hindi naman mamamatay yung mga isda mo duon. Bakit? Ang isda ba sa dagat namamatay? Pinapalitan ba ng tubig yun?" Pagdadahilan ko sa kanya.

Laglag ang panga niya dahil sa pangangatwiran ko. Nagtaas ako ng kilay, hindi niya naisip iyon. Ako lang ang nakaisip nun!

"Stupid idiot, malamang dagat yun. Gumagalaw ang tubig dun. Nagaral ka ba?"

"Wow! Gumagalaw daw!" Sarcastic kong sabi, sabay irap.

"Pagpatuloy mo na nga yan. Nakakahawa yang kabobohan mo" natatawang sabi pa niya sabay suot ng shades niya.

"Akala mo naman kung sinong gwapo. Bwiset!" Nanggigigil na saad ko.

Panay ang reklamo ko habang pinagpapatuloy ang ginagawa. Bilang sa daliri sa kamay ang mga naitanim ko. Napatigl ako ng marinig ang pagsigaw ni Lyndilou. Lumapit siya sa pinsan at nakabuntot nanaman ang kanyang kaibigang si Justine sa kanya. Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

"Kuya, Punta tayo sa fiesta sa kabilang bayan. Wala namang magawa dito sa Villa eh. Sige na please..." pakiusap ni Lyndilou.

"I'll see, kakausapin ko mamaya si Manong Jess para pasamahan kayo..." tamad na sagot nito.

"Eh Kuya, gusto ko kasama ka..." pagpupumilit nito.

"Kasama mo naman si Justine, kayo na lang dalawa...tsaka may ginagawa pa kami ni Elaine dito eh" sagot niya dito at kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagturo niya sa akin.

Nakasimangot akong lumingon sa kanya, kaagad namang nagulat ang dalawa ng makita ako. Hindi ata nila ako napansin kanina.

"Anong ginagawa mo diyan? Elaine..." gulat na tanong ni Lyndilou. Halata naman, pero hindi lang siguro talaga siya makapaniwala na ginagawa ko ito.

"Naglalaro lang" nakangising sabi ko. Sa likod ay napangisi din ang walanghiyang si Keizer.

"May gagawin ka pa ba pagkatapos niyan Elaine?" Tanong niya.

A Sweet Mistake (HFS #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz