Season 2 -Chapter 45

33.7K 695 34
                                    

Tinitigan niya lamang ako at hindi man lang sumagot. "Miss na miss na kita, Kuya Axus..." pumiyok na sabi ko.

Ayoko sanang maging ganito sa harapan niya. Ayokong ipakitang nasasaktan ako, pero hindi ko na kaya. Miss na miss ko na siya at ayoko ng ganito kami. Sa huli ay wala siyang ginawa, umalis siya duon ng walang imik at iniwan ako. Marahil, sobra siyang nasaktan sa ginawa ko sa kanya nuon, baka nga wala na talagang siyang pakialam sa akin. Kahit umiyak ako sa kanyang harapan ay wala ng epekto.

Ininda ko ang sakit hanggang sa wala na akong maramdaman. Pero hindi ako titigil, susubok akong muli. Gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako. Iniwan ko siya nuon para sa aming dalawa.

"Ang tagal mo namang kumilos, Kuya!" frustrated na sabi ko sa aking kapatid.

Sabay kaming naglunch ng araw na ito. Kanina pa ako lakad ng lakad sa kanyang harapan. Kanina pa din siya nagrereklamo na nahihilo na siya sa aking ginagawa.

"Can't you wait? I'm making a step, Elaine. Will you please calm down" suway niya sa akin.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Oh my! Suzy and Lucas is so cute! Nanggigigil na ako sa mga iyon. Ang cute nila" nanggigigil na sabi ko pa.

Napatingin ito sa picture nila Samantha at nung kambal na kanina ay ipinakita din niya sa akin.

"It's five long years Kuya. Paano mo natiis yun?" inis na tanong ko sa kanya. Bakit niya hinayaang magtagal ng ganuon?

Napabuntong hininga siya. "Two years pa lang ng makita ko sila"

Lumapit ako sa kanyang lamesa at mas lalo siyang tiningnan ng mariin. "Eh bakit nga, Hindi ka gumawa kaagad ng paraan?" mariing tanong ko dahil sa stress.

"I'm just buying time, Elaine. Akala mo ba madali sa akin iyon!? Gustong gusto ko na silang kuhanin. Pero I need to do it in the right time. Ayokong pwersahin si Samantha, Gusto kong malaman niyang pinahahalagahan ko na siya, na I do respect her descisions" paliwanag niya sa akin kaya naman hindi na ako nakaimik pa.

Napangiti ito sa pagkatulala ko. "Isara mo yang bibig mo. Pasalamat ka walang langaw dito sa opisina ko" natatawang suway niya.

Napanguso na lang ako at mabilis na lumapit at yumakap kay Kuya. "Nakakainis ka Kuya! Kamukha mo yung kambal! Lalo na si Lucas! Inalagaan ko din naman si Sam ah!" pagmamaktol ko.

"Pasalamat ka nga at hindi mo naging kamukha. Edi kung nagkataon nahawahan mo pa ng kapangitan ang mga anak ko." pangaasar niya sa akin.

"Yabang mo!" asik ko sa kanya.

Matapos kong manggulo sa opisina ni Kuya Luke ay nagulat ako ng makita ko si Marcus. Napatingin ako sa relo ko at nakitang magaalasdos pa lamang ng hapon, ang usapan namin ay alas kwatro dahil ganuong oras ang labas ko.

"Ang aga mo naman..." puna ko sa kanya.

Tamad itong tumingin sa akin habang nakapasok ang magkabilang kamay sa bulsa. "Wag kang maarte diyan, dalian mong magtrabaho at hihintayin kita dito" pagsusungit niya na ikinanguso ko.

Hindi tuloy ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa presencya ni Marcus. Pagdadaan kasi ako sa harapan niya ay sinisimangutan ako nito. Para bang ipinapamukha niya sa aking inip na inip na siya at ako ay may kasalana nuon. Sinabihan ko naman siya na alas kwatro, siya itong maagang pumunta.

"Tara na..." nakangiting sabi ko sa kanya pagkatapos ng trabaho ko at pwede na akong umalis.

Umirap ito sa akin at tumingin sa kanyang orasan. "Malaki ang itutubo ko sa uutangin mo" pangaasar pa niya.

Nanlaki ang aking mga mata. "Aba! Baka gusto mong tubuan ng kulogo sa mukha!" Suway ko sa kanya.

Tinaasan ako nito ng kilay. "Tara na nga, kanina pa nasasayang ang oras ko dito" pagsusuplado pa din niya at nauna ng naglakad.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now