Chapter 22

27.7K 532 8
                                    

"No, Tita. Wag na po kayong mag alala diyan, ako na po ang bahala kay Elaine" sagot ni Kuya Axus kay Mommy na nasa kabilang linya.

Balot ako ng kumot habang nakaupo sa may sofa. Suot ko din ang damit niya kaya naman parang nakaduster nanaman ako. Mabilis akong nakaramdam ng panginginig, nang salatin nito ang noo at leeg ko ay duon niya nakumpirma na nilalagnat na ako. Bata pa lang ay mabilis na talaga akong dapuan ng sakit.

"Yes Tita Eli, nasa condo ko siya..." patuloy na pagkausap niya kay Mommy.

Siguradong hindi nanaman iyon mapakali. Panay ang tawag niya kay Kuya Axus at hindi na natapos sa mga bilin niya. Hindi ko na inintindi pa ang pinaguusapan nila ng mas lalong bumigat ang aking ulo.

Pilit kong inuubos yung mainit na gatas na tinimpla ni Kuya Axus para sa akin. Gusto ko na kasi sanang matulog pero hindi niya ako pinayagan na matulog ng hindi pa kumakain.

Pero ang mga traydor kong mata ayaw magpaawat sa pagsipat sa buo niyang katawan. Nakatayo siya sa may gitna ng sala habang ang isang kamay ay nakapamewang at ang isa ay may hawak ng cellphone na nakatapat sa kanyang tenga. My goodness naman kasi. Naka-gray na pajama lang siya at topless. Minumura na din ako ng abs niya tsaka yung V line na kumakaway sa akin.

"Shit..." daing ko ng mapaso ako ng gatas na iniinom ko ng bigla itong tumingin sa akin.

Kumunot ang noo niya ng tumgin sa akin. "Copy Tita, Just enjoy your vacation with Tito, Ako na po ang bahala kay Elaine dito. Yes po...Bye" paalam niya dito.

Nagiwas ako ng tingin ng mas lalong lumalim ang tingin niya sa akin. Lumapit siya kaya naman nagiwas na ako ng tingin.

"May sakit ka na nga't lahat, pinagnanasahan mo pa din ako" pangaasar niya.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Hala, Grabe ka naman..." depensa ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan ng tumabi siya sa akin.

"Kailangan mo pa ding kumain ng dinner" malambing na sabi niya bago pumulupot ang braso niya sa aking bewang.

"Ayoko kumain, baka masuka ako"

"Pero iinom ka ng gamot. Kailangang may laman ang sikmura mo" laban pa din niya.

Tipid akong ngumiti at tumango. "Pwedeng kahit sandwich na lang? Ayoko kasi talagang kumain ng kanin" pakiusap ko. Mabigat ang aking pakiramdam at kung pipilitin kong kumain ng rice ay masusuka ako.

"Alrigh., Igagawa kita" pagsuko niya tsaka ako hinalikan sa pisngi bago tumayo at dumiretso sa kusina.

Pinilit kong inabot ang phone kong nakapatong sa may center table ng umilaw ito. Nakita kong message iyon galing kay Marcus. Sinabi niyang nagpunta siya sa bahay ngunit wala ako duon.

Imbes na sumagot ay hinayaan ko na lang. Hindi ko din naman masabi sa kanya ang totoo, tsaka na lang ako magpapaliwanag pag nagkita na kami.

"Ito na ang sandwich kumain ka na" biglang sulpot ni Kuya Axus dala ang sandwich na ginawa niya.

"Thank y..." napatigil ako sa pagsasalita ng makitang puno ng kung ano anong gulay ang sandwich niya.

"Ayoko niyan. Lalo akong masusuka niyan" reklamo ko at pilit na inilalayo ang pagkaing iniaabot niya sa akin. Dumilim ang kanyang mukha, nagawa pa din niyang umupo sa aking tabi kahit na ganun.

"No, kainin mo yan" matigas na utos niya.

"Ayoko." pagmamatigas ko.

"Kainin mo Elaine. Hindi ka makakatulog pag hindi mo inubos yan" pananakot niya.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Edi wag matulog, problema ba yon? basta hindi ko kakainin yan" sagot ko sa pananakot niya. Akala naman niya matatakot ako.

A Sweet Mistake (HFS #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang