Chapter 21

27.8K 575 14
                                    

"Ok na ba?" tanong ko sa kanya.

"Konti pa, ang sarap eh" malambing na paghirit pa niya.

Pinagbutihan ko ang paghihilot sa kanyang sintido. Ayoko pa nga sana kasi naman eh! yung pwesto namin, kailan ba talagang nakakandong ako sa kanya? pwede namang nakatayo na lang sa likod niya ah!

"Oh, yan ok na ba?" tanong ko ulit kaya naman mula sa pagkakapikit ay napadilat siya.

"Grabe ka naman, sabihin mo kung ayaw mo" madramang sabi pa niya kaya naman napanguso ako.

"Hindi naman sa ganun. Eh kasi naman andami ko pang gagawin eh, ang dami mo kayang pinapagawa sa akin!" sumbat ko sa kanya.

Ang dalawang kamay niyang nakapulupot sa aking bewang ay lalo pa niyang hinigpitan dahilan para mas mapalapit ako sa kanya, humawak ako sa braso niya bilang supporta.

"So nagrereklamo ka?" taas kilay na tanong niya.

"Ay hindi, ang saya saya nga oh!" mapanuyang sabi ko pa sa kanya. Natawa ito, hanggang sa mapahiyaw ako ng pisilin niya ang ilong ko.

"Aray ko naman!" tumawa lang siya kaya naman tiningnan ko siya ng masama.

"Nakakainis ka" nanggagalaiting sabi ko dahil ang ayoko sa lahat ay yung pinipisil yung ilong ko. Nakakainis iyon.

Tinaasan lang ako nito ng kilay na para bang lalo pa siyang nangaasar. "Mahal mo naman, di ba? di ba mahal mo ako?" giit na tanong niya.

Tumaas ang isang sulok ng aking labi. Napanguso ako at umaktong nagiisip pa. Hind I ko siya bibigyan ng madaling sagot.

"Teka iisipin ko muna ha..." pangaasar ko sa kanya. Sinadya ko talagang tagalan. Pero sa totoo lang ay hindi ko naman talaga sasagutin ang tanong niya. Napapangiti ako pero pinipigilan ko lang, napansin ko kasing sumimangot na ang mukha nito sa paghihintay.

"Antagal naman..." naiinis na sabi niya.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Ay grabe. Hindi makapaghintay?" asar ko sa kanya pero ganuon pa din ang itsura niya.

"Kung ako ang tatanungin ng ganyan, mabilis ko lang masasagot. Di ko na kailangang pagisipan pa" seryoso at may bahid ng pagsumbat na paliwanag niya.

"O sige nga!" balik na hamon ko.

"Mahal mo ako?" taas noong tanong ko sa kanya.

"Oo" mabilis na sagot nito.

"Talaga?" pangungulit ko.

"Oo nga"

"Talagang talaga?"

"Oo nga sabi eh" parang batang nagmamaktol na sagot niya pa din.

"Talagang talagang talaga?" natatawang hirit ko pa ulit.

"Oo nga! ang kulit naman eh" nakasimangot na sagot niya pa.

Napatawa ako dahil duon. Ang cute talaga nito lalo na pag nagagalit.

"Isa pang pangungulit mo, Elaine. Humanda ka sa akin" pagbabanta niya.

Napahalakhak talaga ako dahil duon. Pero nakasimangot pa din ito.

"Asar talo...Hmp"

Nagulat ako ng bigla nitong kinabig ang batok ko at mabilis na hinalikan ang aking labi. Gumalaw ang kanyang labi at malaya nitong inangkin ang bawat sulok duon. Halos hindi ko masundan ang paggalaw nuon, may kakaibang galaw na ngayon ko lang nalaman. Sinubukan kong gayahin pero masyado na siyang eksperto na hindi na ata kailangan ang effort ko.

Napadaing ako ng halos mawalan ako ng hangin sa katawan. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay napatitig din ako sa kanya. Ang sarap niyang humalik. Dahan dahang bumaba ang tingin ko sa namumula niyang labi. Dahil iyon sa halik.

A Sweet Mistake (HFS #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat