Chapter 30

27.9K 615 22
                                    

Nabato ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Gusto kong tumakbo palayo sa kanila ngunit gusto ko ding makakuha pa ng sagot. Isa isa ko silang tiningnan, ngunit kagaya ko ay gulat din ang aking mga pinsan.

"Tita, Ano po bang pinagsasabi niyo?" naguguluhang tanong ni Kuya Clark sa kanya.

Hindi na nakasagot pa si Tita Pia ng mabilis na nagsalita si Lola."Shut up, Pia. Wala kang karapatang magsalita ng ganyan lalo na't walang paalam kina Lance at Eli. Hindii mo dapat sila pinangungunahan at kahit anong pa ang sabihin mo, Apo ko si Elaine, walang magbabago dun" galit na sabi ni Lola dito na nagpatahimik sa lahat.

"Elaine..." tawag sa akin ni Kuya Luke, mahigpit niya akong niyakap.

"Kuya naguguluhan ako..." sumbong ko.

"Wag kang magisip ng kung ano. Magkapatid tayo" pagaalo niya sa akin.

Marahan akong umiling at kumalas ng yakap. "Kuya, diba hindi totoo yung sinabi ni Tita Pia? diba Kuya!?" pilit ko sa kanya. Gusto kong sabihin niya sa aking nagsisinungaling lang si Tita. Na gusto niya lang akong saktan.

Mas lalo akong nasaktan ng hindi siya nakapagsalita. "Kuya, Kuya Luke diba!? Nagbibiro lang si Tita" humagulgol na pilit ko pa sa kanya. Nalukot na ang kanyang damit dahil sa aking pagkakahawak sa kanya.

"Sino ba talaga ako Kuya? Ano ba ako?" umiiyak na tanong ko, Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Apo, Elaine. Wag mo ng isipin ang narinig mo. Hindi na importante iyon Hija, ang mahalaga ngayon mahal ka namin, naiintindihan mo ba iyon Elaine? Jimenez ka..." sabi ni Lola at tinangka akong hawakan pero lumayo ako. Gumuhit ang sakit sa kanyang mukha dahil sa aking ginawa.

"Ang gulo...pano yon?" natatarantang sambit ko. Habol ko ang aking paghinga habang nakatingin sa kanilang lahat. Sa isang iglap nawalan ako ng pangalan, nawalan ako ng pamilya.

"Elaine..." nagaalalang tawag sa akin ng mga pinsan ko.

Napatingin ako sa kanila at ganuon na lamang ang sakit na naramdaman ko ng isiping hindi sila sa akin. Hindi ko sila mga pinsan. Hindi kami magkadugo. Naiiba ako sa kanila. Si Kuya Clark, Kuya Nathan, Kuya Sebastian at Marcus. I don't deserve them. Napahagulgol na lamang ako sa sakit at napatakip ng kamay sa aking mukha.

"Look at what you've done Pia. Hindi kita pinalaking walanghiya" galit na sambit ni Lola dito.

"I'm doing the right thing here, Mama" laban ni Tita.

Nagkagulo sila at mabilis na lumapit kay Lola ng mapahawak na ito sa kanyang dibdib. "Hurting someone is never a right thing, Pia!" madiing sabi ni Lola.

Mapait ng ngumiti si Tita Pia. Hindi makapaniwala sa sinabi ng Ina. "So you mean, keeping the truth is right Mama?" hamon niya dito. Hindi nakapagsalita si Lola dahil dito, kinuha ni Tita ang pagkakataon na iyon para magpatuloy.

"Elaine has the right to know, May isip na siya, she can decide on her own..." paliwanag ni Tita sa kanilang lahat.

"May karapatan siyang malaman na matagal na siyang hinahanap ng totoong pamilya niya. Ma, bakit ba hindi niyo maisip iyon? May totoo siyang pamilya at pagbalibaliktarin man ang mundo hindi tayo iyon"

Lalo akong nasaktan sa kanyang mga sinabi. Yung pamilyang kinalakihan ko, yung pamilyang minahal at minahal ako, yung pamilyang ginawa akong prinsesa, Hindi akin...Hindi tunay na akin.

"Matagal na iyon! Hindi na kailangang malaman ni Elaine ito. I'm so dissapointed to you. Hindi ko inaasahan na ganyan magiging mapurol ang paguutak mo" sumbat sa kanya ni Lola.

"You push me to this, Mama! Kung sana hindi mo sila hinyaan ni Axus, hindi sana magiging ganito ang reaction ko. " mangiyak ngiyak na pagdadahilan ni Tita Pia sa kanya.

A Sweet Mistake (HFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon