Chapter 23

29.5K 551 17
                                    

"Magaling na nga ako"

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Tamad siyang umiling at mas lalong isiniksik ang mukha sa aking leeg. "Hindi pa, baka mabinat ka"

"Ang sabihin mo, gusto mo lang akong tsansingan" pangaasar ko sa kanya na tinawanan niya lang. Pilit ko siyang hinarap at nakitang nakapikit pa din siya. Marahil ay inaantok pa din talaga dahil sa pagaalaga niya sa akin kagabi.

Napanguso na lang ako at hindi na ulit siya pinilit na gumising. Bumaba ang tingin ko sa aking kamay na nakapatong sa kanyang dibdib. Napangisi ako ng maisipan kong paglaruan ang kanyang nipples.

"Baby, stop playing with my nipples" humahalakhak na sabi niya kaya naman lalo ko pang pinag-igihan.

"Damn baby stop it, may nabubuhay sa baba" banta niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata at kaagad akong bumitaw sa kanya. "Bastos mo talaga!" hiyaw ko. Muli kong pinilit na makabangon. Mabuti na lamang at pinakawalan niya na ako. Nang tuluyang makatayo ay kaagad ko siyang sinimangutan. Mas lalo siyang ngumisi at nagtaas pa ng kilay.

"Bakit nakabusangot ka nanaman diyan? Umagang umaga" asar niya sa akin habang kumakain kami ng breakfast.

"Ano bang pake mo?"

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Tss. Don't play with your food baby, kumain ka na" suway niya sa akin.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, muling bumigat ang aking dibdib ng maalala ko ang aking naging panaginip kagabi.

"One week na tayo bukas" mahinang sabi ko habang sa pagkain nakatingin.

Narinig ko ang pag ngisi niya. "Yes"

"Pwede bang magcelebrate tayo bukas ng weeksary natin?" nahihiyang tanong ko sa kanya at pahapyaw siyang tiningnan.

Sandaling tumaas ang isang kilay niya. "As you wish, Baby" imbes na matuwa sa kanyang isinagot ay napabuga na lang ako ng hininga. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

Kumunot ang kanyang noo. "What's bothering you?" nagaalalang tanong niya sa akin. Nang hindi kaagad ako nakasagot ay tumayo na siya at lumapit sa akin, hinila ako patayo at tsaka ako niyakap.

"Tell me please, ayoko ng nagkakaganyan ka"

Mas lalong bumigat ang aking dibdib, kahit pa ramdam ko ang seguridad sa kanyang boses. "Natatakot na ako, Kuya Axus" sumbong ko.

"Don't be. Kasama mo ako, hindi kita iiwan" pagaalo niya sa akin.

Uminit ang gilid ng aking magkabilang mata. "Hanggang kailan ba to? Hanggang kailan ba tayo?" natatakot na tanong ko. Ang isiping panandalian lang ang lahat ng ito ay sobrang bigat sa dibdib.

Ikinulong niya sa kanyang magkabilang palad ang aking pisngi. "Hanggang sa mahal kita, hanggang sa mahal mo ako, ganun yun baby...o kahit ako na lang yung nagmamahal sayo wala akong pake basta hindi tayo maghihiwalay. Naiintindihan mo?" paninigurado niya sa akin.

"Pe...pero paano kung..." hindi ko na naituloy ang tanong ko ng mabilis niya akong pinigilan.

"Wala ng pero, All you need to do is to trust me and stay with me, ako na ang bahala sa lahat" paliwanag niya sa akin.

Nangangamba pa din ako tungkol sa relasyon namin. Kahit ganuon ay natuloy kami sa pagce-celebrate kinaumagahan. Nahihiya nga ako sa kanya dahil parang normal ang lahat pero ako itong kung ano ano na ang naiisip.

Sa isang italian restaurant sa may mall of asia kami nagpunta. Kahit papaano ay nawawala ang mga naiiisip ko dahil sa mga kwento niya. Dahil sa presencya niya, dahil ramdam kong totoo ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Kahit mali.

A Sweet Mistake (HFS #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora