Chapter 5

85.5K 1.9K 129
                                    

Flashback)

"Don't tell me. Wala ka pa ding, Ni crush man lang diyan!" hindi makapaniwalang tanong ko sa aking bestfriend na si Samantha. Nagkaroon kami ng chance na magvideo call ng magkaroon kami ng break sa school. Matagal na din simula ng lumipad sila patungo sa ibang bansa at duon na muna nanirahan.

Kita ko kung paano siya magkagat labi dahil sa nararamdamang hiya. Inirapan ko ang screen, kahit hindi na siya sumagot ay alam ko na Wala!

"Duh! Samantha, Wag mo sabihing tomboy ka!" sigaw ko sa kanya. Wala naming kaso sa aki iyon, pero dahil bestfriends kami, sana naman ay sabihin niya. Napansin ko ang paglingon sa akin ng mga schoolmates ko dahil sa pagtaas ng aking boss, mga chismosa!

Napairap ako sa kawalan at muling ibinalik ang tingin sa screen. Kita ko ang paglaki ng mat anito, nagulat din sa aking sinabi sa kanya. "Tomboy ka, Samantha?" mas mahinahong tanong ko na sa kanya ngayon. Ayoko naman na matakot siyang umamin sa akin, tatanggapin ko naman siya dahil bestfriend ko siya. Mahal ko siya.

Nang makabawi ay napanguso ito at napairap. "Ano ka ba?" nakangising sabi niya. Nagtaas ako ng kilay.

"Eh ano!?" tanong ko pa, medyo iritado na.

"Wala..." malumanay na sagot nito.

Ilang minutong naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Mariin ko siyang pinagmasdan. Nanatili siyang nakayuko, hindi makatingin sa akin habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

Ilang beses bumuka ang kanyang bibig, parang may gusting sabihin ngunit hindi niya masabi, parang naihiya.

Napabuntong hininga ako. Sa tagal naming magkaibigan ay ngayon pa ba siya mahihiya sa akin? O alam ko na ang gusto niyang sabihin at gusto ko lang na manggaling ulit iyon sa kanya, mismo.

"Spill it, Sam"

Pahapyaw pa itong tumingin sa akin at tsaka yumuko uli. Halos magdikit na ang baba at dibdib niya dahil dito. "Uhm...ka-kamusta na si Kuya Luke?" nahihiyang tanong niya. Mas lalo kong nakumpirma na tama ako ng halos mamula ang kanyang buong mukha. Sinasabi ko na ng aba! Si Kuya Luke ko pa din ang gusto niya.

Malakas akong napahalakhak. Wala nanamang pakialam sa mga tao sa aking paligid. "Kuya Luke?" mapanuyang tanong ko sa kanya. At talagang nagawa pa niyang tawaging Kuya ang crush niya.

Mas lalo siyang namula dahil sa kahihiyan. "Ang ingay mo, Elaine!" sita niya sa akin. Napanguso ako, ano naman kung maingay ako? Wala naman ang Kuya Luke ko dito, at halata naman na siya, matagal na.

Panay ang suway niya sa aking mula sa kabilang linya. Inirapan ko siya at muling tumawa. Nagbanta din na papatayin ang tawag pero hindi naman niya nagawa.

"Bahala ka na nga diyan. Pumasok na at may klase pa!" pagtataboy niya sa akin. Napanguso ako, ito naman masyadong mahiyain. Boto naman ako sa kanya para sa Kuya ko. Ang kaso ay may girlfriend ito.

Nginisian ko siya. "Eto namang si Ate Samantha! Soon to be sister in law!" Pangaasar ko sa kanya na naging dahilan ng paglaki ng mga mata niya.

"Uy! Kinilig siya!" panunukso ko. Para na akong baliw dito sa kinauupuan ko. Masyado talaga akong bully pagdating sa kanya.

"Hmp. Ewan ko sayo!" pagmamaktol nito at hindi na nakapaghintay pa at tuluyan ng pinatay ang tawag.

Natatawa kong kinuha ang aking phone sa bag at kaagad siyang itinext.

To: Bestfriend Sam

Hoy! Wag ka ngang maginarte diyan. Sasampalin kita ng tsinelas pag nagkita tayo.

Mas lalo akong natawa dahil narealize kong hindi lang pala ako bully pagdating sa kanya, brutal din ako.

A Sweet Mistake (HFS #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें