Chapter 17

29.3K 640 13
                                    

"Oorder ka ba o magpapakalunod ka na lang sa Abs ko?" mapangasar na tanong niya sa akin. Proud na proud siya dahil napuri ko ang abs niya. Feelingero! Inismiran ko na lang siya at inirapan, Kung may pera lang talaga ako ngayon, hindi talaga ako sasabay sa kanya!

"Uhm..." tumingin ako sa may counter, nasa Jollibee kasi kami ngayon dahil tinanong niya ako kung saan ko gustong kumain, edi syempre dito ko tinuro.

"Isang chicken with spaghetti, Samahan mo na din ng fries...Ay, tapos chocolate sundae kasi masarap isawsaw yung fries dun, Tsaka pa-large na din ng pineapple juice ha!" masiglang sabi ko sa crew na nasa may counter. Matamis ang ngisi ko ng bumaling ako sa katabi kong si Kuya Axus.

Nanatili lang ang titig niya sa akin. Nilapitan ko siya at siniko pa. "Tsaka Kuya damihan mo na din yung fries ha! Para naman may makain pa tayo sa opisina habang nagtratrabaho" nakangiting paliwanag ko sa kanya. Tamad siyang tumango sa akin bago din niya sinabi dito ang order niya.

"2 pcs. Chicken with extra rice pa-large ng coke" tamad na sabi nito at agad inilabas ang wallet niya at dumukot ng isang libo.

Napatunganga ako sa kanyang ginawa. "Ako ang kukuha ng order?" tanong ko ng tumalikod siya sa akin at talagang hahayaan niya akong maghintay sa may counter.

"Ano mo ba ako?" tamad na tanong niya pa din.

Nanlaki ang aking mga mata. "Aba malay ko!" giit ko sa kanya. Napadaing ako ng pitikin niya ang aking noo.

"Boss mo ako diba? Ikaw ang maghintay diyan. Libre ko na nga sayo yan, hindi ko ibabawas sa sahod mo" sabi pa niya sa akin na tila mo'y kailangan ko pang magpasalamat sa kanya.

Simimangot ako at humalukipkip na humarap sa may counter kung saan hinahanda na ng crew ang mga order namin. "Keyboard pa lang naman eh..." pagmamaktol ko.

Hindi natuloy ang pagalis niya. Bayolente siyang napakamot sa kanyang batok. "Tumahimik ka na diyan at maghintay ng order, panay ka reklamo"

"Kasi naman, sinong hindi magrereklamo sayo kung..." iritado ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Ano?" mapangasar na tanong niya.

Inirapan ko siya. "Wala, Yabang mo!" inis na sabi ko. Tuluyan siyang umalis, hindi talaga nagpapigil.

"Parang masarap din ang Burger ah..." pakikipagusap ko sa aking sarili.

Panay ang tingin ko sa menu, nagiisip pa kung ano ang pwede kong maidagdag. Mauubos ko ata ang isang libo ni Kuya Axus. Sus! Barya lang naman ito sa kanya.

Kumunot ang noo ko ng medyo may nararamdaman ako sa may bandang pwetan ko. Napalingon ako sa katabi ko at nakitang mga teenager na lalaki itong naghaharutan.

"Excuse me..." pagmamaldita ko sa kanila.

"Sorry po Miss" sabay sabay nilang sabi.

Tinaasan ko na lang sila ng kilay at tinutok uli ang buong atensyon ko sa Menu. Nagulat na lamang ako ng may maramdaman nanaman akong malaking bulto sa aking gilid. Nang tinagalain ko siya ay napahawak na lang ako sa aking batok dahil sa tangkad niya.

"Ouch, Ang batok ko" reklamo ko.

Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa aking batok. Hinila niya ako palayo sa pila. "Ako na dito, umupo ka na duon" halos itulak pa niya ako kaya naman nagtaka ako. May dagdag pa nga akong order eh!

"Oh, kala ko ba ikaw ang boss?" nakangising tanong ko. Nanatili ang tamad niyang tingin sa akin.

Panay ang ngisi ko habang pinapanuod siyang naghihintay duon sa may counter habang presko akong nakaupo. Nanatili siyang nakabusangot habang naglalakad siya palapit sa akin dala dala ang tray ng aming pagkain.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now