Chapter 18

32.7K 711 28
                                    

Wala sa sariling umakyat at pumulupot sa kanyang leeg ang aking magkabilang kamay. Kaagad akong nakaramdaman ng pagkadismaya ng pinutol niya ang halik. Marahan niyang hinawakan ang aking mga braso at ibinaba iyon mula sa pagkakakapit ko sa kanya.

Mas laong pumungay ang kanyang mga mata. "I'll give you time. Just don't reject me yet. I'll give you time to think about this...about us" malambing na sabi niya sa akin bago ako napapikit ng halikan niya ako sa noo.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi at napayuko na lamang. Naramdaman ko ang hawak niya sa aking baba para pagtagpuin muli ang aming mga tingin. "Don't bite your lips. It's tempting..." nakangisng sabi niya sa akin kahit pa ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.

"Natatakot ako, Kuya Axus" sumbong ko sa kanya.

Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. Ang gusto niyang sagot ay nakuha na niya ng hayaan ko siyang halikan ako. Hindi ko na kailangan pang magsalita, alam na niya iyon.

"Wala pa tayo sa tunay na laban. Pero wala akong aatrasan, sabihin mo lang sa aking mahala mo din ako" paninigurado niya sa akin. Titig na titig siya sa aking mga mata na kahit pagkurap ay hindi ko na din magawa.

"I'll fight for you. I'll fight for us" madiing sabi pa niya. Hindi na ako nakasagot pagkatapos nuon. Nagbigay na ako ng sign sa kanya na pareho kami ng nararamdaman. Pero hindi ko pa kayang maging vocal sa ngayon. Ayokong magmadali.

Hindi ko na nakita ang babae ng sumunod na araw. Ako na din ang kinakausap niya sa tuwing may kailangan siya. Kumunot ang noo ko habang abala ako sa pagtitipa sa harap ng aking laptop ng may maramdaman akong tumulo down there. Kaagad akong kinutuban na it's the time of the month again, at hindi man lang ako nakapaghanda. Naging busy ako sa trabaho na nakaligtaan ko pa iyon.

"Shit. Wala akong dalang napkin!" reklamo ko ng mapatunayan kong tama ang hinala ko ng magtungo ako sa comfort room.

Mas lalo akong namorblema dahil sa suot kong puting pencil cut skirt. Ngayon pa talaga? Ngyaon pa talaga sumabay!

Pagbalik ko sa opisina ni Kuya Axus ay naabutan ko siyang may kausap sa kanyang phone. Kumunot ang noo niya habang nagpapaalam sa kausap. Nakita niya marahil ang busangot kong pagmumukha.

"Anong nangyari sayo?" tanong niya.

Nanatili akong nakatayo sa gilid ng pintuan. Takot akong umupo dahil baka matagusan pa ako. Mas mahihirapan ako nuon.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Anong problema? Sabihin mo sa akin" pilit niya.

Napanguso ako kasabay ng paginit ng aking magkabilang pisngi. At sa kanya ko pa talaga sasabihin ito? "Meron ako" sumbong ko sa kanya.

Tumaas ang kanyang isang kilay. "Anong meron?" naguguluhang tanong niya. Napairap ako sa kawlan, hayan na at naguumpisa na akong mairita. "Basta!" iritadong sabi ko pa.

Gulat siya dahil sa biglaang pagburst out ko. Sandali niya akong tinitigan, nakita ko pa kung paano niya iginala ang tingin niya sa aking kabuuan. "You mean...period?"

Napabuntong hininga ako. Huli na, kailangan ko ng umamin. At wala naman na akong iba pang mahihingan ng tulong. "Yup" tamad na sagot ko sa kanya at inirapan pa siya.

Kita ko kung paano tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Pumalumbaba pa siya sa kanyang lamesa at nagtaas ng kilay sa akin. Ginawa nanaman niyang katatawanan ito! "Anong pwede kong gawin, para makatulong?" hindi pa niya siguradong tanong.

Inipon ko lahat ng lakas ng loob. "Wala akong napkin" diretsahang sabi ko sa kanya. Dapat proud!

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat. Ngayon lang nakarinig ng napkin?!

A Sweet Mistake (HFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon