Chapter 28

25.2K 558 18
                                    

Malaki ang mga ngiti na isinalubong sa akin ng mga Tito at Tita ko. "You're really good at singing, Hija" nakangiting puri sa akin ni Tita Nathalie.

"Thank you po" nahihiyang sagot ko.

"May boyfriend ka na ba Hija?" biglang tanong ni Tita Pia.

Dahil sa kanyang tanong ay nakuha namin ang atensyon ng mga ito. Lahat sila ay naghihintay sa aking isasagot sa kanila. "Meron na po" nagaalangan pero matapang kong sagot.

Hinawakan ako ni Daddy sa braso para pigilan ako. "Wag kang magbiro ng ganyan, Elaine. Baka mapatay ko yang boyfriend mo" nakangiting sabi nito na Wari mo'y nagbibiro siya. Napatawa ang mga ito, akala siguro nila ay biro ang iyon ni Daddy.

"Kawawa naman pala ang boyfriend mo kung ganuon. Isama mo pa ang mga pinsan mong masyadong protective pagdating sayo" natatawang sabi ni Tita Pia.

Hindi ako nakapagsalita. Ano kayang gagawin niya pagnalaman niyang si Kuya Axus ang tinutukoy ko. Tumahimik na lang din si Daddy kahit alam kong galit din siya. Pero iyon naman talaga ang totoo, ayokong dagdagan pa ang mga kasinungalingan ko. Bumalik ang lahat at sinunod ang program. Nang muli kong tiningnan ang lamesa ng mga pinsan ko ay nakita kong nakabalik na siya duon.

"Ok, All the single ladies uut there..."

"Hija sumali ka" pagtulak sa akin ni Tita Yanna, gusto niyang sumali ako duon at makiagaw ng bulaklak ni Yvonne.

Ngintian ko lang siya. Wala akong planong sumali duon. Nakikitawa na lang ako sa mga babaeng pilit na hinihila ng emcee patungo sa gitna. Nabigla ako ng makita kong sinadya pa talaga ako ni Yvonne sa aming lamesa para pasalihin ako.

"Akala mo makakaligtas ka ha" natatawang sabi niya sa akin.

Tumulong pang mga Tita ko para itulak ako patayo. Nagiwas ng tingin si Daddy, dahil duon ay naisip kong baka ayos lang sa kanya na sumali ako. Tipid na ngiti lang ang binigay sa akin ni Mommy. Panay ang reklamo ko kay Yvonne, sa akin daw kasi niya ibabato iyon.

"Bawal pa yang si Elaine" sita ni kKuya Nathan ng madaan kami sa lamesa nila. Napatingin ako kay Kuya Axus pero nagiwas lang siya ng tingin sa akin. Wala siyang pakialam.

"Saluhin mo ha." asar ni Yvonne sa akin ng patabihin niya ako sa mga babae, inirapan ko siya. Alam niyang ayaw ko.

Handang handa ang mga babaeng gustong makuha ang bulaklak. They don't need to worry, hindi ako makikiagaw sa kanila. Nagkasigawan na ng ihagis na ni Yvonne ang bulaklak. Sinigaw niya ang pangalan ko, nataranta ako dahil duon hanggang sa manlaki ang aking mga mata, parang nag slowmo ang lahat at sa isang iglap ay hawak ko na ang bulaklak.

"Yes!" sigaw niya na akala mo siya ang nanalo.

Nakatingin ang lahat sa akin dahil ako ang nakasalo. Umiiling na bumalik sa kanikanilang upuan ang mga babae. Tumatalon talong lumapit si Yvonne sa akin, tuwang tuwa siya dahil ako ang nakakuha.

"Ikaw na ang susunod na ikakasal" sabi niya bago ako kinindatan.

"Hala ayoko. Sayo na to" sabi ko ulit at tinangkang ibabalik sa kanyang ang bulaklak niya ng hinila niya ako kung saan habang tumatawa.

"Wag kang magulo. Ihahagis na din ni Cyrus yung garter. Tingnan natin kung sino ang kapartner mo" kinikiligkilig na sabi pa niya at duon ko lang nakita ang pagtayo ng mga lalaki.

"Ano ba yan walang thrill. But don't worry baby kukuhanin namin ang garter na yun para walang makahawak sayong lalaki" pagmamayabang ni Kuya Nathan.

Panay ang reklamo ni Yvonne sa naging plano ng aming mga pinsan. Hindi talaga nila hahayaan na may ibang lalaki. Ang gusto nila ay isa sa kanila ang manalo. Nasa gitna na sina Kuya Clark, Nathan at Marcus. Napapailing na lang ang mga magulang namin dahil sa pagiging protective nila sa akin. Alam na kaagad kung ano ang plano nila. Walang ibang lalaki.

A Sweet Mistake (HFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon