Chapter 36

26.4K 644 41
                                    

Hinampas ko siya sa dibdib. "Isusumbong na talaga kita sa mga Kuya ko!" pananakot ko sa kanya.

Ngumisi siya. Akala niya! Marami pa akong Kuya sa Manila at ipabubogbog ko talaga siya!

"Edi magsumbong ka, basta ba wala ng kwintas" pagmamayabang nito. Napapadyak na lamang ako sa inis. Bwiset! Nang hapon ding iyon ay sinama niya ako sa kanilang Villa para pahirapan.

"I swear! Pag nahuli ko tong manok mo, kakatayin ko to!" hingal na pananakot ko sa kanya.

Kanina pa ako paikot ikot habang hinahabol ang bwiset na si Chabako na. May oras na mahahawakan ko na siya ang kaso ay hindi naman ako marunong kaya nabibitwan ko dahil na din sa takot na tukain ako.

Ilang pagtakbo pa ay tumigil na din ako, mas lalo akong nanghina at halos mahirapan sa paghinga dahil sa pagod. "Pagod na pagod na ako, hindi ko na kaya..." reklamo ko kay Keizer habang nagpupunas ng pawis.

Nagtaas siya ng kilay sa akin, nanghahamon pa din. "Susuko ka na? Hindi na ba mahalaga itong kwintas mo?" tanong pa niya.

Napanguso ako at inirapan siya, habol ko pa din ang aking paghinga. "Mahalaga sa akin yan, pero pwede bang mamaya na, pahinga muna!"

Lumapit ako sa may lamesa kung saan siya prenteng nakaupo. Nakita ko ang isang baso ng malamig na juice at kaagad kong kinuha iyon at tinungga.

"Hindi yan para sayo" si Keizer. Hindi ko siya pinansin, inisang tungga ko lamang iyon at matamis na ngumiti sa kanya pagkatapos.

"Bastos ka talagang babae ka, that's my drink"puna niya sa akin. Nagtaas ako ng kilay. Nagpamewang ako sa kanyang harapan.

"Chossy pa to! Ayaw mo nun, indirect kiss tayo" pangaasar ko sa kanya kahit labag iyon sa aking loob. Nakakasuka!

Mula sa preskong pagkakaupo ay napatayo ito at mayabang na humarap sa akin. "Bakit indirect kiss pa? Bakit hindi nalang natin totohanin?" nakangising hamon nito. Naramdaman ko nanaman ang pagtangkang paghapit niya sa aking bewang ng inunahan ko na siya at mabilis na dumapo ang palad ko sa kanyang pisngi na ikinagulat niya.

"How dare you?" galit na utas niya sa akin.

Inipon ko ang lahat ng tapang ko, hindi ko siya kinaya. Ang dilim ng kanyang mga tingin sa akin.

"Eh kasi naman kung makahigit ka diyan, nakakabastos na..." mataray na sabi ko sabay hawi sa bangs ko kahit wala naman. Taas noo akong nakatingin sa kung saan. Ayokong salubungin ang tingin niya.

"You damn brat." Madiin at nanggigigil na sambit nito.

Napatingin ako sa kanya ng makita kong kinuha niya sa kanyang bulsa ang aking kwintas. Napangiti ako sa pagaakalang ibibigay niya na iyon sa akin. Naglahad pa ako ng kamay pero nagtagal ang tingin niya duon.

"Su Mina, Huh?" basa niya sa nakaukit dito.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Akin na yan..." utos ko.

Nangkit ang kanyang mga mata ng muli niya akong hinarap. "May nag mamayari na pala sayo huh...sino namang tangang lalaki ang napikot mo?" Pangaasar pa niya.

Naglaglag ang aking panga. Ang lalaking ito! "Damn you! Hindi siya tanga!" Hiyaw ko dito sabay hampas sa braso niya.

Lalo itong nainis dahil sa aking ginawa. "Nakaka-gago ka na ah!" hiyaw nito sa akin at itinaas ang kamay niya. Nagulat ako at napapikit sa pagaakalang baka sampalin ako nito pero lalong nanlaki ang mata ko ng binato niya sa kung saan ang kwintas ko.

"Bakit mo ginawa yon?!" hindi makapaniwalang sigaw ko.

Patakbo akong lumusong sa may fish pond kung saan nahulog ang kwintas. Napakawalang hiya talaga ng lalaking ito! Halos mabasa na din ang damit ko kakakapa sa ilalim ng tubig medyo mababaw lang naman ito pero maputik ang ilalim.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now