Chapter 11

38.8K 715 43
                                    

"Isang van na lang tayo. Parating na yung hiace nila Clark" anunsyo ni kuya Nathan habang naghihintay kami sa harap ng bahay nila Kuya Axus.

Kasama kaming lahat, bukod kay Ate Hannah na hindi pa din nakakauwi galing sa America. Nakatayo ako sa gilid ng maleta ko habang naghihintay. Puting vneck tshirt at itim na short at nike rubber shoes ang suot ko. Inaantok pa ako dahil alasingko pa lang ng umaga. Kailangan naming umalis ng maaga para daw masulit namin ang tatlong araw at dalawang gabi naming bakasyon.

Sa private resort sa Batangas ni Kuya Kervy, kaibigan ni Kuya Luke ang pupuntahan namin.

"Oh ayan na pala. Let's go" si Kuya Nathan ng dumating na ang kanina pa naming hinihintay.

Humanap ako ng pwesto dahil gusto ko pang matulog. Sa may bintana ako tumabi para makasandal.

"Inaantok ka pa?" nakangiting tanong ni Kuya Alec ng tumabi siya sa akin.

Nakanguso akong tumango tango. Nagulat ako ng hinawakan niya ang ulo ko para dalhin sa balikat niya. "There..." nakangiting sabi niya.

Nginitian ko siya at niyakap, Mas comfortable nga kung sa kanya ako sasandal. Siguradong makakatulog ako ng maayos nito.

"Fuck ang tagal ni Axus..." singhal ni Kuya Clark. Ito na lang kasi ang hinihintay namin.

Napatawa si Kuya Alec dahil dito. "Alam mo naman si Mommy. Baka nga ayaw pang pakawalan iyon"

Inayos ko ang earphone ko at handa na talaga sa mahabang byahe. Bago ko pa man iyon mapasok sa aking tenga ay napasigaw na sila.

"Sa wakas!"

"Assholes" inis sa sabi ni Kuya Axus. Iginala niya ang paningin sa buong van. Huminto iyon ng makita niya ako.

"Bakit nandiyan ka?" masungit na tanong niya kay Kuya Alec.

"Pake mo?" natatawang bato sa kanya ni Kuya Alec.

Bumaling muli siya sa akin at mas lalong kumunot ang noo niya ng makitang nakasandal ako dito.

"Ano Axus, may mararating ba tayo diyan sa pagtayo mo?" tamad at iritadong tanong ni Marcus na nasa likuran namin.

Inirapan siya ni Kuya Axus at tumabi na kay Kuya Alec. Si Yvonne at Cyrus ang nasa unahang upuan pagkatapos ng driver. Kami naman ang nasa pangalawa, si Kuya Nathan, Clark at Marcus ang nasa likod namin.

"You can sleep now, Baby..." malambing na sabi ni Kuya Alec sa akin at hinawakan pa ang ulo ko bago ko ilagay ang earphones ko.

"Baby, tss" hindi nakaligtas na bulong ni Kuya Axus.

Hindi ko na lamang siya pinansin, dahil maaga akong nagising ay mabilis din akong nakatulog. Nasa kalagitnaan ako ng tulog ng maramdaman kong may naglalaro sa aking mga daliri. Labag man sa aking loob ay dumilat ako para makita ang ginagawa ni Kuya Alec. Ngunit halos mapatalon ako sa aking kinauupuan ng makita kong si Kuya Axus iyon. What the hell!

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong niya ng makita niyang nakadilat na ako.

Umayo ako ng upo at iginala ang aking paningin sa loob ng van. Tulog silang lahat. Nakita kong nasa pwesto niya na kanina si Kuya Alec. Muntik na akong mapamura ng hilahin ako nito pasandal ulit sa kanya.

"Aray ko naman .Makasubsob lang..." iritadong sabi ko.

Hind pa siya nakuntento at itinaas niya pa ang kanyang kamay para maakbayan ako dahilan para hindi na ako makawala sa pagkakasubsob sa kanya.

"Bakit ka nandito? si Kuya Alec dito ah..." tanong ko.

"Nag stop over kanina. Eh, kasalanan ko bang tulog mantika ka? Ako na ang sumalo sayo kahit mabigat ka" pagyayabang niya.

Dahil sa inis ay agad ko siyang hinampas sa may bandang tiyan. "Ouch naman. Yung abs ko" natatawang sabi niya sa akin.

"Abs your face!" inis na singhal ko sa kanya pero kontrolado lang dahil natutulog pa ang iba,

"Tigilan mo nga yang daliri ko" pagmamaldita ko sa kanya at hinila ang kamay kong hinahawakan niya.

Imbes na sumagot ay pinakita pa niya sa akin ang cellphone niya. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang ako ang wallpaper niya. Picture ko iyon habang natutulog ako at nakasandal sa kanya.

"Epal to. Burahin mo nga yan..." inis na suway ko.

"Ayoko nga. ang cute mo kaya dito" natatawang sabi niya at nilakihan pa yung mukha ko.

"Epal to. ang pangit pangit ko diyan" pagpupumiglas ko at sinubukang abutin ang cellphone niya pero patuloy niya itong inilalayo sa akin.

Sa sobrang gusto kong maabot ang phone niya ay hindi ko namalayang malapit na pala ang mukha ko sa kanya. Nang bumaling siya sa akin ay muntik pang magtama ang aming mga ilong. Imbes na lumayo ay mas lalo pa siyang lumapit sa akin kaya naman naramdaman ko ang hininga niya sa aking pisngi.

" Hindi ka naman naging pangit. Sa ganda mo yang, kahit bagong gising..." nakangising sabi niya, bumaba ang tingin niya sa aking labi. Bayolente akong napalunok.

Hindi ko namalayang nakaawang na pala ang labi ko. Kung hindi pa niya sinabi ay hindi ko pa maisasara. "Close your mouth baby, it's tempting..."

Napaayos ako ng upo ng marinig ko ang sinadyang pagubo mula sa likuran.

"Ang ingay. Respect, please" reklamo ni Marcus, pero alam ko. May ibang kahulugan iyon.

Kumunot ang noo ni Kuya Axus pero hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Napakagat labi na lamang siya.

"Fuck your respect" mapangasar na sabi niya tsaka tuluyang pumikit.

Hindi na ako nakaidlip pagkatapos nuon. Matapos ang ilan pang sandali ay isa isa na ding nagising ang mga pinsan ko. Si Kuya Axus na lang ngayon ang tulog.

Naging malakas ang tawanan nila Kuya Clark at Kuya Nathan dahil sa pinaguusapan. "Fuck! Ang ingay!" rekalmo ni Kuya Axus at nanlaki ang aking mga mata ng yumakap siya sa akin at halos sumubsob sa aking leeg.

Sinubukan siyang abutin ni Kuya Nathan pata batukan. "Gising na!" pangaasar pa niya dito.

"Ayoko" parang batang reklamo nito. Nanigas ako sa kinauupuan ko at sa may binatana na lang bumaling ng maramdaman ko ang paghinga niya sa aking leeg. Muling bumalik ang mga ito sa kanilang tawanan.

"Hoy Axus. Wag kang maniac. Pinsan mo yang si Elaine, wag mong puntiryahin yang boobs niyan" natatawang asar sa kanya ni Kuya Clark. Alam kong biro lang nila iyon pero halos pagpawisan na ako ng butil.

Hindi ko na sana papansinin ngunit nagsalita ang walanghiya. "Baka meron..." pangaasar niya sa akin kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin siya.

Nangibabaw ang tunog nuon sa buong van kaya naman natahimik silang lahat. Napabangon siya at napahawak sa kanyang pisngi. Halos dumikit ako sa may bintana wag lang magtama kahit anong parte ng aming katawan.

"Bastos ka!" mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Fuck you Axus. Tingnan mo yang ginawa mo" suway ni Kuya Alec.

"Bakit? Wala naman talaga ah!" laban niya.

Naikuyom ko ang aking kamao. Gusto ko siyang saktan ulit, nakakainis talaga!

"Bakla ka! Babae lang ang nilalabanan mo. Parang hindi ka lalaki!" asik ko sa kanya. Nag-igitng ang kanyang panga.

"Eh ikaw, Para kang di babae. Wala kang dibdib" laban niya sa akin. Mapangasar talaga.

"Tama na yan..." suway ng mga ito.

Napatingin ako sa harap, Nagaalalang tumingin si Yvonne sa akin. Habol ko ang aking hininga na para bang hinahabol ako ng kabayo, I Can't take this anymore.

"Ikaw! Wala kang bayag!" sigaw ko sa kanya.

Gigil kong sigaw, hanggang sa mabasag ang katahimikan ng malakas na nagtawanan ang aming mga pinsan.

Hindi naputol ang tingin niya sa akin. Mas lalo pa nga iyong tumalim. "Baka kainin mo yang sinabi mo. Papatunayan ko yan sayo, kung kinakailangan" madiin at may pagbabantang sabi niya. 

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now