Chapter 6

88.5K 1.2K 714
                                    

Flashback)

"Edi mauna na nga kayo!" iritadong sabi at pagtataboy ko sa aking mga pinsan.

Halfday lang kami ngayon dahil exam at sa kasamaang palad ay nagyaya ng umuwi sina Marcus at Yvonne.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang umuwi?" tanong ni Yvonne sa akin at iritado na din.

"Eh kasi nga. Basta, Ayoko pa eh!" pagmamaktol ko.

Nanliit ang mga mata ni Yvonne ng tumingin siya sa akin. "Siguro may crush ka na ano? Don't tell me stalker mode ka!" akusa niya sa akin habang pinanlalakihan ako ng mata.

Hindi ko pa naipagtatanggol ang sarili ko ng marinig ko na ang pagtikhim ni Marcu. "Totoo bai yon? Elaine" tanong niya sa akin, seryoso ang tingin niya sa akin at parang nanghahamon pa. "Isusumbong kita kila Kuya Alec" pananakot pa niya.

Halos lumuwa ang aking mga mata. Hanggang sa ako naman ang nagtaas ng kilay sa kanya. "Sinabi ko bang meron? May sinabi baa ko?" masungit na laban ko sa kanya. Hindi naman ako nagsalita ah.

Tumaas ang kanyang isang kilay. "You don't need to answer Yvonnne's question. Halata naman sayo na meron" madiing laban din niya.

"Eh basta, Mauna na kayong umuwi. Wala akong crush or something ok!?" paniniguro ko sa kanila at nagsimulang magpalinga linga.

Ang alam ko ilang minute na lang ay matatapos na ang exam nila Kuya Axus. Siya talaga ang hinihintay ko. Napagusapan kasi naming ililibre niya ako. Nangako siya sa akin ng minsang magsumbong ako sa kanya na pinagtulungan nanaman ako ng mga pinsan ko.

"Edi sasamahan ka naming maghintay dito" pinal na sabi ni Marcus at comportableng umupo sa aking tabi.

Nanlaki ang aking mga mata. "Wag na!"

Tumigas ang kanyang ekspresyon. "Gusto ko eh. Bakit ba!?" madiing sabi nito habang nanlalaki ang mga mata.

Halos magpapadyak ako sa aking kinauupuan. "Wag na nga eh!" pagpupumilit ko.

Sasagot pa sana siya ng biglang may kamay na nagtakip sa aking mga mata. Kahit hindi na siya magsalita ay alam ko na kung sino iyon. Amoy pa lang niya kilalang kilala ko na.

Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko para hawakan ang kamay niyang nakatakip sa aking mga mata. Kakaibang kuryente ang hatid nuon sa aking buong katawan. Tila ang mga paruparu sa aking tiyan ay nagging dragon. Tila ba gusting kumawala at magbuga ng apoy dahilan kung bakit naramdaman ko kung paano uminit ang aking magkabilang pisngi.

"Kuya Axus" medyo nahihiyang sabi ko pa.

"Galing ah!" natatawang sabi niya tsaka inalis ang pagkakatakip niya sa aking mata at ginulo ang buhok ko.

"Hay naku. Kuya Axus, Kanina pa namin niyayayang umuwi si Elaine. Ayaw niya, pagsabihan mo nga yan! Feeling ko may crush na yan!" pagsusumbong ni Yvonne dito.

Gustong gusto kong dumipensa at umiling pero pagtingala ko sa kanya ay agad sumalubong sa akin ang mapupungay niyang mga mata. Para bang may dala iyong hipnotismo at kulang na lang ay tumango ako sa kanyang harapan.

Nakita ko kung paano nalukot ang mukha nito. "May iba ka pang hinihintay, Bukod sa akin?" sumbat nito na may bahid ng kalungkutan.

Mariin at sunod sunod na iling ang ginawa ko. "Ikaw ang hinihintay niya? Kuya Axus" gulat na tanong ni Yvonne.

"Oo. Magsisine kami, ililibre ko siya. Palagi niyo na lang kasing inaaway itong si Elaine ko" pagpapaliwanag niya naikinagulat namin.

Wala sa sarili akong napakagat labi. Elaine niya? Ako? Sa kanya ako? Gusto kong mapatili sa sobrang saya. Pinigilan ko lang ang aking sarili.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now