Chapter 39

30.9K 752 62
                                    

Mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Kahit nanlalabo ang aking paningin ay wala na akong iba pang nagawa kundi ang titigan siya.

"Baby..." ulit na tawag niya sa akin.

Sa pagtawag niyang iyon ay tsaka lang ako nagkaroon ng lakas na tumayo at kaagad na yumakap sa kanya. Halos itapon ko ang sarili ko sa kanya dahilan kung bakit muntik na kaming natumbang dalawa.

"Kuya Axus..." umiiyak na tawag ko sa kanya at mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

Ginantihan niya ang higpit ng aking yakap. Naramdaman ko din ang kamay niya sa aking likuran na pilit akong pinapatahan. "Shh...anong problema?" Nagaalalang tanong nito.

Nang hindi siya mahusto ay sandali siyang humiwalay sa akin para magkaharap kami. "Bakit ka umiiyak, may nangyari ba?" Muling tanong niya.

Hindi pa din ako nakasagot, kaya naman mas lalo kong nakita ang desperasyon sa kanyang mukha na malaman kung bakit akong umiiyak. Gusto ko mang magsumbong sa kanya ay hindi ko magawa, ayokong magalit siya sa Mommy niya sa oras na sabihin ko ang ginawa nito sa akin.

"Wala ito...na miss lang talaga kita" pagsisinungaling ko na sinamahan pa ng ilang mararahas na pagiling.

Marahan niyang pinunasan ang mga luha sa aking mata at sa pisngi. Ramdam ko ang lambing sa bawat paghaplos ng kanyang hinlalaki sa aking balat. "Then, stop crying...nagaalala ako sayo" malambing na suway niya sa akin.

Sinubukan kong huminahon, ngunit kahit ganuon ay hindi pa din nagpaawat ang aking mga luha sa pagtulo. Halo halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon, sakit, awa sa aking sarili at saya dahil nandito na siya. Parang sasabog ang aking dibdib, hindi ko alam kung paano imanage ang ganitong klaseng emosyon. Nag sabay sabay.

Muli niya akong niyakap ng hindi pa din ako natigil sa pagiyak. Panay ang bulong niya na tumahan na ako ngunit dahil sa lambing ng kanyang boses ay mas lalo lang akong naiiyak.

"I said, Stop crying!" Medyo mataas na boses na sabi niya dahilan para matakot at matahimik ako.

Lumaki ang mata ko sa gulat, agad niyang napansin iyon kaya naman mabilis na lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mabilis niya akong hinila muli para yakapin.

"Shh...I'm sorry. Alam mo namang ayokong nakikita kang ganyan. Nasasaktan ako baby, sa bawat oras na umiiyak ka hindi ako mapalagay, lagi na lang akong natataranta, parang gusto kong manakit. Gusto kong saktan yung nagpaiyak sayo." paliwanag niya sa akin, ramdam ko ang frustration sa kanyang boses.

Kaya, tama lang na wag kong ipaalam sa kanya ang nangyari. Ayokong magalit siya sa Mommy niya. Ayokong maging dahilan ng pagaaway nila.

"I'm sorry, Kuya Axus..." paumanhin ko.

Mariin siyang pumikit at napailing. Tila nagsisisi sa pagtaas ng boses niya sa akin. Paulit ulit niya akong hinalikan sa ulo habang pinapaulanan ng bulong ng mga matatamis na salita.

"I love you..." sabi pa niya.

Pinilit kong ngumiti sa kanyang harapan. "I love you too..." pagkasabi ko nuon ay kaagad niya akong inatake ng halik. Nagpaubaya na lamang ako at sinabayan ang galaw ng kanyang labi.

"Damn baby...I miss you" sabi niya sa gitna ng kanyang mga halik sa akin.

"I miss you too"

Naramadaman ko ang pagbaba ng magkabilang kamay niya sa aking bewang. Dahil duon ay naramadaman ko ang pagtaas ng aking mga balahibo. Pareho kaming halos maubusan ng hangin dahil sa malalim niyang paghalik.

Napakapit akong mabuti ng lumipat ang mga kamay niya sa aking pangupo. Inangat niya ako at kaagad ko din namang nakuha ang gusto niyang mangyari, mabilis kong pinulupot ang aking mga binti sa kanyang bewang.

A Sweet Mistake (HFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon