Chapter 26

22.5K 505 7
                                    

Bumangon ako at mabilis na nagayos. Kailagan kong makausap si Kuya Axus, magpapaliwanag ako. Hindi napansin nila Kuya Alec ang paglabas ko, pareho silang nasa kusina at wala na akong panahon na magpaalam pa sa kanila dahil sigurado namang pipigilan lang nila ako. Tatlong kanto mula dito ang condo niya kaya naman halos takbuhin ko na lang iyon, ni hindi na din ako makapagisip ng maayos.

Ramdam ko ang pagikot ng aking paningin dahil na din sa pagod, puyat at gutom. Hindi ko iyon inalintana. Pagkarating duon ay kaagad akong sumakay sa elevator, isinandal ko ang ulo ko duon ng mas lalong sumakit ang aking ulo. Pagbukas ng pinto ng elevator ay tatakbo na sana ako ng mapahinto ako ng nakita o siya.

"Kuya Axus..." naiiyak na tawag ko sa kanya. Nanatili ang titig niya sa akin, walang emosyon.

"What are you doing here?" tamad na tanong niya. Ramdam kong ayaw niyang makipagusap sa akin ngayon. Sinubukan ko siyang lapitan at hawakan ngunit hindi niya ako hinayaan na gawin iyon. Mas lalo akong nanlumo.

"Maniwala ka sa akin please, hindi ko ginusto na magkaganito." pakiusap ko.

Hindi ulit siya nagsalita at mukhang walang balak. Lumapit ako ulit at niyakap na siya. "Hindi ko alam kung anong sinabi nila sayo, pero maniwala ka naman. Pupunta ako, mahal kita Kuya Axus, mahal mo ako di ba?" umiiyak na tanong ko sa kanya, kung mahala niya talaga ako dapat ako ang paniwalaan niya.

Mas lalong humigpit ang yakap ko ng maramdaman ko ang pagtaas ng kanyang kamay. Buong akala ko ay gaganti siya ng yakap sa akin ngunit nagkamali ako. Marahan niya akong inilayo sa kanya. Nasaktan ako dahil duon, hindi ko naisip na ganito pala iyon kasakit.

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso at hinila patungo sa kanyang condo unit. Hindi na ako nanlaban at nagpahila na lang. Padobog niyang binuksan at isinara ang pinto. Sa may sala ay binitawan niya ako paupo sa may sofa.

"You gave this" matigas na sabi niya sabay bato ng isang sulat.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang puting papel "Wala akong binibigay na ganito" dipensa ko.

Napangisi ito. "Then who?" hamon niya sa akin.

"Sila Kuya Alec" sagot ko. Hindi ko magawang isipin na nagawa pa nila ito para lang sirain kami ng tuluyan. Ang kaninang ngisi ay nahaluan ng pagiling.

"Paano magiging sila yun? Nakasulat din diyan ang tungkol kay Denise. hindi nila alam yun Elaine. Tayong tatlo lang" nanggagalaiting paliwanag niya.

Nilukot ko ang sulat at tinapon sa kung saan. Matapang ko siyang hinarap, hindi ako makapaniwala na hindi siya naniniwala sa akin. "May ganyan man o wala dapat sa akin ka naniniwala Kuya Axus" sumbat ko sa kanya.

"May ganyan man o wala, galit pa din ako sayo Elaine" laban niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata. "Ba...bakit?"

Marahan siyang umiling. Ang tigas ng kanyang ekspresyon ay dahan dahang nawala. "Tama nga siguro sila, we better stop this. Takot ka na baka mahuli tayo. Takot akong iwanan mo ako, parehon tayong takot. Pareho tayong walang tiwala sa isa't isa" paliwanag niya sa akin.

"Sumusuko ka na ba?" naiiyak na tanong ko. Takot ako, Oo. Pero lalaban naman ako kasama siya kung kinakailangan.

"I'm just doing the right thing" sagot niya.

"Pero sabi mo dati, Hindi ka susuko. Sabi mo pa nga di ba? Sabi mo kahit ikaw na lang ang nagmamahal sa akin hindi tayo matatapos." pagpapaalala ko sa kanya.

Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata. "Let's have space" pagsuko niya.

"Damn it! hindi na ikaw ang Kuya Axus na kilala ko. Ano bang nangyayari sayo?" paghyhysterical ko.

A Sweet Mistake (HFS #1)Where stories live. Discover now