01

16.8K 170 4
                                    

Chapter 01
3rd Person's POV
"No! Let me go! Hindi ikaw ang mommy ko!"

Nagkagulo ang mga doctor matapos magwala ang isang batang lalaki. Agad na dumating ang isang lalaki at kinuha ang bata.

"Sonia, anong ginagawa mo. Hindi ba sinabi ko na huwag mo na muna lapitan si Vladimir at huwag ka magpapakita," ani ng lalaki habang buhat ang anak na lalaki at pinapatahan. Nakaluhod naman ang isang babae na sunog ang kalahati ng mukha at halos hindi na ito makilala dahil sa matinding pagkakasunog ng mukha ng babae.

Iba ang tingin na iyon ng asawa. Kahit kailan hindi siya tiningnan ng ganoon ng asawa sa ilang taong pagsasama nila.

"Victor, nais ko lang makita ang anak ko. Tingnan kung ayos lang siya at walang galos," naiiyak na sambit ng ginang. Dumilim ang mukha ng lalaki.

"Tingnan? Sa tiyura mo na iyan? Hindi ka na nakilala ni Vladimir! Hindi mo ba nakikita nanginginig ang bata!" sigaw ni Victor Napatigil si Sonia at pilit na tumayo.

"Bakit ka nagagalit? Parang kasalanan ko pa na ganito ang nangyari sa mukha ko? Hindi ba ikaw may kasalanan nitong lahat!" sigaw ni Sonia. Napatigil si Sonia matapos dumating ang pamilya ni Victor.

"Tama ba naririnig ko? Sinisisi mo si Victor?" tanong ng matanda. Sa ganda at   sa pagiging sopistikada nito hindi mapaghahalataang nasa 80s na ito.

Taas noo ito lumapit kasama ang mga kapatid ni Victor na puno ng pandidiri na nakatingin sa kaniya.

"My goodness Victor. Hinayaan mong makita ng pamangkin ko ang mukha ni Sonia? Hindi pa nga lumalabas ang result ng therapy ni Vlad tapos magkakaroon na naman siya ng bagong trauma," ani ni Victoria. Ang kakambal ni Victor. Nakatakip ang bibig ng babae habang buong pamamaliit na nakatingin sa kaniya.

Una pa lang ayaw na sa kaniya ng pamilya ni Victor dahil hindi nga siya pinanganak na mayaman. Lumaki siya sa orphanage. Lagi ng mga ito na sinasabi na bukod sa ganda ay wala na siyang binatbat.

"Ganda na nga lang meron ka sinira mo pa," ani ng nakakatandang kapatid ni Victor na si Vincent. Ilang beses siya nitong pinagtangkain na gahasain noong nakatira siya sa mansion ng mga Valencia ngunit ayaw siya paniwalaan ni Victor dahil nga pastor ito.

Inutusan ni Victor ang mga doctor na dalhin na si Sonia pabalik ng room nito at huwag na muna palabasin habang hindi pa lumalabas ang result. Walang sinabi si Victor sa kabila ng mga panghahamak ng pamilya nito sa kaniya.

Nahawakan ni Sonia ng mahigpit ang isang braso at naiiyak na sumunod sa mga doctor. Narinig niya pa na sinabi ng ina ni Victor na i-divorce na siya.

Makalipaa ang halos dalawang linggo matapos ang aksidente lumabas na hindi na maaring magamot ang mga sugat ni Sonia. Kahit pa dalhin ito sa ibang bansa at magparetoke siya ay hindi na pwede. Parang gumuho ang mundo ni Sonia matapos marinig iyon.

Napahawak si Sonia sa mukha niya. Hindi pwede— habang buhay na siya katatakutan ng anak niya, hindi na siya makakabalik sa dati niyang career.

"Doc, wala na ba talagang paraan?" tanong ni Victor. Kahit siya ay worried na din hindi dahil nag-aalala siya kay Sonia. Pagtatawanan siya ng mga kabarkada niya at kapag nalaman ito ng publiko ay makakatanggap siya ng mga pambabatikos.

Umiling na lang ang doctor at ini-explain kung bakit. Dahil sa tuluyan ng nawala sa sarili si Sonia wala na siyang narinig pa bukod sa ginagawang pambabato ng mga salita ng pamilya ni Victor katulad ng kasalanan niya lahat ng iyon.

Sinabunutan ni Sonia ang buhok at tinago ang mukha sa nga tuhod. Ano na lang ang gagawin niya.

Ilang buwan lang ang lumipas ay bumalik na sila ng mansion. Nagulat siya matapos noong pagpasok niya sa kwarto nila ni Victor ini-locked iyon mula sa labas.

"Victor! Anong ibig sabihin nito!" siagw ni Sonia at kinalampag ang pinto.

"Hindi ka pwede makita ng mga tao Sonia. Nakakahiya— isa pa kapag nakita ka ulit ni Vladimir baka mas lalong lumala ang kondisyon niya. Mas magandang manatili ka na lang diyan," ani ni Victor mula sa kabilang pinto.

Parang nawasak ang puso ni Sonia matapos marinig iyon. Nanginginig na napaluhod si Sonia. Anong ginagawa ni Victor sa kaniya at anong ibig nito sabihin na manatili siya doon.

Halos araw-araw nagmamakaawa si Sonia na ilabas siya doon. Minsan naririnig niya si Vladimir sa labas tapos may hindi kilalang babae ang nagsasalita at sinabing huwag lalapit doon dahil may monster. Anak niya iyon. Nagpatuloy sa pagsigaw si Sonia at sinabing palabasin na siya doon.

Hanggang sa nagsawa na siya matapos ma-realize na tinalikuran na talaga siya ng asawa.

Pilit na lang siyang nakuntento sa patingin-tingin sa labas ng bintana kung saan nakikita niya ang gate at nakikita niya ang anak.

Nakikita niya din si Victor kasama si Themarie ang bestfriend ni Sonia. Walang magawa si Sonia kung hindi magitgit habang pinanonood si Victor at Themarie na tumatawa habang naglalakad papasok ng mansion nila ni Victor.

Ang bilis lumipas ng dalawang taon at parang kahapon lang din ganoon kasaya si Victor habang kasama siya.

Unti-unti bumalik ang mga ala-ala niya kasama si Victor. Iyong highschool pa sila which is siya ang campus queen at campus king si Victor.

Iyong tipong maraming naiinggit sa kanilang tao hanggang sa ikasal nga sila.      Umere pa nga ang love story nilang dalawa dahil mala-fairytale nga iyon hanggang sa ikasal nga silang dalawa.

Naniniwala siya noon sa fairytale. Siya ang prinsesa at si Victor ang prinsipe. Katulad ng sa mga fairytale book kapag nasa kasal na may nakasulat ng end— sa ganoon din nagtapos ang kwento nila ni Victor dahil hindi na siya prinsesa ngayon.

Pagkatapos ng kasal nila, isilang si Vladimir ay nanlamig na sa kaniya si Victor. Doon na-realize ni Sonia na sa book lang may happy ending. Sa book lang may happy ever after.

Napahawak ng mahigpit si Sonia sa isang braso niya habang nakatingin sa kawalan.

Wala na si Victor. Hindi naman siya engot para hindi ma-realize kung anong pinupunta doon ni Themarie at bakit lagi magkasama ang dalawa.

Kahit pa alam niya hindi pa din niya matanggap. Paulit-ulit niya pa din sinasaksak sa isip na hindi ganoon tao si Victor. Nandoon lang si Themarie para i-comfort si Victor dahil malungkot ito dahil wala siya.

"Sinong niloko ko? Kinulong ako ni Victor— dito mismo."

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon