25

3.8K 97 5
                                    

Chapter 25
Nag-cause iyon ng gulo sa venue kaya may mga lumapit na staff. Ipinaliwanag ni Fabian na ayos lang ang lahat.

Nilingon ni Sonia si Amara na nanginginig at hiyang-hiya habang nakayuko.

"I think may spare pa ako na dalang dress sa sasakyan. Mukhang kasya iyon sa iyo."

Napatigil si Amara at napatingin kay Sonia. Nahihiya si Amara na tumanggi. Itinaas ni Sonia ang daliri.

"Paano ka naging actress ng wala ka man lang kahit anong confident. Matuto ka mag-yes once na may nag-offer sa iyo ng kahit na ano. Tandaan mo na kapag nasa industry ka kung gusto mo umangat lahat ng makita mo na legal na opportunity grab it."

Napatigil si Amara after marinig iyon. Palihim na napangiti si Fabian at Sophia.

Nilingon ni Sonia si Fabian at tinanong kung pwede ni Fabian kuhanin iyong dress sa niya na nasa compartment na hinanda ni Sophia kanina.

"Okay," ani ni Fabian at naglakad paalis. Ibinilin ni Sonia si France kay Lance.

"Baby, dito ka lang ah? Babalik din si mommy. Hindi kita pwede dalhin sa restroom ng girls."

Tumawa si France at sumagot ng okay. Natawa sina Lance sinabi na hindi nila iiwan doon si France.

Inaya ni Sonia si Amara sa restroom ng girls na agad naman sumunod.

"Nakakahiya," ani ni Amara na nakayuko. Tinanong ni Sophia bakit hindi 'man lang nag-effort si Amara kahit mag-rent ng dress para sa party.

"Wala— wala ako idea sa theme. Sabi lang ni Ms Themarie. Formal party lang iyon. Hindi naman need mag-ayos dahil mga artista lang din invited."

Sigurado si Sonia na iyon ang first party ni Amara. Napabuga na lang ng hangin si Sonia sa idea na sigurado siya mas marami kaaway ito sa industriya na iyon.

Nakuha agad nito mg female lead role sa ilang try lang. Marami naiinggit at siguradong isa doon si Themarie.

Maya-maya lang dumating na si Fabian. Inabot niya iyon kay Sophia na naghihintay lang sa labas ng restroom.

"Soniaaa~"

Pumasok si Sophia dala ang isang paper bag. Kinuha iyon ni Sonia then iniabot kay Amara. May heels na din iyon at ilang accessories.

Nag-thank you si Amara bago pumasok sa isa sa mga cubicle.

"Bakit may ganoon ka sa compartment?" tanong ni Sophia. Napalingon si Sonia at natawa sinabing out of habit.

Ngayon sinabi iyon ni Sonia naaalala ni Sophia na dati nga na actress si Sonia.

Noong actress pa si Sonia lagi full schedule niya at bilang actress pinakamahalaga sa kanila ang appearance. Hindi pwedeng makipag-meet or mag-attend siya sa isang party na same ang outfit.

Maya-maya lumabas si Amara. Napa-wow pareho si Sonia at Sophia. Napakaganda kasi ni Amara after nito masuotan ng magandang damit.

"So? Make up naman tapos hairstyle," ani ni Sonia at pumalakpak. Biglang nangilid ang luha ni Amara na kinatigil ng dalawang babae.

"Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa inyo. May mga mababait pa din pala na katulad niyo."

Lumambot ang expression ni Sonia. Sa tingin niya mukhang nahihirapan talaga ang babae maka-survive kaya kahit ganoon kaliit na bagay ay nagpapaiyak kay Amara.

"Huwag ka umiyak. Nagi-start pa lang ang party. Lalagyan ka pa namin ng make up."

Itinikom ng babae ang bibig at todo pigil nga sa pag-iyak. Doon biglang tumawa sina Sophia at Sonia. Bigla tuloy sila nagkaroon ng nakakabatang kapatid

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon