40

3.4K 92 6
                                    

Chapter 40
"Grandpa!"

Tumakbo si France at niyakap ang matanda na nakaupo sa sofa. Nakatayo lang naman si Vladimir hindi malayo sa pinto at nakatingin kay France na natutuwa na sinabing nandoon sila ni Vladimir para maglaro.

Napatingin ang matanda kay Vladimir. Agad na ngumiti ang matanda kay Vladimir sinabi na lumapit ito.

Agad na may humawak sa balikat ng batang lalaki at tumingala siya. Grandma iyon ni France.

"Anak ka ni Sonia kaya naman parte ka na din ng pamilya namin. Huwag ka na mahiya. Pumasok ka at batiin mo lolo mo."

Kahit medyo nahihiya ay lumapit si Vladimir then niyakap siya ng matanda sinabi na masaya siya makilala ng matanda.

"Umupo kayo dito at may hinanda ako sa inyo. Kainin niyo habang mainit pa."

Kumuha si France then inabot kay Vladimir na agad kinuha at kinagat. Napatigil si Vladimir sinabi na masarap iyon.

"Favorite din iyan ni mommy Sonia. Kapag pumupunta siya dito agad siya humihingi ng tinapay na gawa ni lolo," pagmamalaki ni France kay Vladimir. Natawa ang matandang babae dahil parehong-pareho si Vladimir at Sonia na ginawang expression after matikman ang tinapay na gawa ng grandpa ni France.

Kumuha lang ng isa si France then inilagay niya na ang plate sa harapan ni Vladimir na mukhang nagustuhan ang tinapay.

"Anak talaga siya ni Sonia. Nakakalimutan na may ibang tao pa siya kasama kapag kumakain," ani ng matandang babae na natatawa. Nag-agree si France na umiinom ng juice. Natawa na lang din sina Sophia after makita na magana kumakain si Vladimir at bigla nila nakita si Sonia.

After kumain ni Vladimir out of habit kinuha ni France ang tissue sa table then inabot kay Vladimir tapos kumuha din ito ng hand sanitizer sa bag at binigyan din si Vladimir.

"How a good big brother," komento ng matandang lalaki. Napanguso si France sinabi na mas matanda sa kaniya si Vladimir sa months.

"Grandpa gusto ko ipakita kay Vlad iyong mga alaga ko na fish."

Natawa ang matanda sinabi na huwag magtatagal doon dahil malamig. May isa kasi na room sa mansion kung nasaan ang mga collection ni France na mga isda. Gusto iyon ngayon ipakita ni France kay Vladimir.

"Bumaba kayo dito after 2 hours. Mag-shopping tayo," ani ng matandang babae. Gusto niya ibili ng mga toys ang dalawang bata at new outfits.

Dinala ni France si Vladimir sa mukhang basement then binuksan ang iisang pintuan na nandoon.

Namangha si Vladimir after makita ang maraming aquarium at mukhang swimming pool sa gitna.

"Ang ganda," natutuwa na sambit ni Vladimir. Sinabi ni France na ang iba doon ay galing pa sa ibang bansa at rare species.

Lumuhod si Vladimir malapit sa gutter ng pool at tinanong kung anong klaseng isda na nasa pool na iyon.

Meron salamin na nagtatakip sa pool at mukhang malalim iyon dahil hindi nga makita ni Vladimir ang pinakailalim.

"Piranha," ani ni France. Napalayo si Vladimir sa pool at nanlalaki ang mata na tiningnan si France na tumatawa.

"Just joking. Walang nakalagay diyan. Design lang iyan ng room," ani ni France na natatawa at tinapakan ang salamin.

Tumayo sa gitna si France then inabot ang kamay kay Vladimir na agad naman kinuha ng batang lalaki. Inaya ni France si Vladimir sa gitna.

Then doon nakita ni Vladimir na nag-iiba ang kulay ng pool  bawat tapak nila ni France.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon