56

2.8K 91 5
                                    

Chapter 56
Noong ipapasok na ni Victor si Sonia sa sasakyan may humawak sa batok ni Victor at bigla ito hinila.

Nabalya si Victor sa sahig na kinamura ng lalaki. Napatigil si Sonia at lumingon sa lalaki na nagbalya kay Victor sa sahig.

May kahabaan ang buhok nito at puno ng tattoo. Familiar ang amoy nito na may pinagsamang amoy ng kalawang at lumang kahoy.

"Anong—"

"Ang lakas naman ng loob mo na kidnap-pin ang sister in law ko sa sarili nilang mansion," ani ni Francis. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Victor after niya makita si Francis at titigan siya nito sa mata.

Sa isip ni Sonia pareho sila ng naging reaksyon 'nong makita niya si Francis 'nong unang besee. Bukod kasi sa kamukha ito ni Fabian kakaiba ang dating ni Francis. Tila kaya ka nito patayin sa titig lang.

Sumugod si Victor ngunit agad siya naiiwasan ni Francis at noong nagkaroon ng pagkakataon si Francis hinawakan niya sa ulo si Victor at hinampas ang ulo sa pinto ng sasakyan.

Napatakip ng bibig si Sonia after mawalan ng malay si Victor.

"Anong tinatayo mo diyan? Hindi ka ba tatawag ng pulis?"

Napatingin si Francis  kay Sonia  na napatalon 'nong magtama ang mata nila.

"Ah—ahh oo tatawag ako ng pulis!"

Lakad-takbo na umalis si Sonia patungo sa loob ng mansion. Nakarinig ng pag-ingit si Francis kaya napatingin siya sa pang-apat na sasakyan— may nakita siya bulto doon na papalapit sa direksyon nila.

Hawak ni Fabian ang ulo at tinanong kung anong nangyari. Naaninag niya si Francis  na kasalukuyang tinatapakan ang ulo ni Victor na walang malay.

"Masyado ka weak. Muntikan na ma-kidnap ang asawa mo," ani ni Francis. Tila bumalik lahat ng senses ni Fabian after marinig iyon.

"Nasaan si Sonia!"

Nagsimula si Fabian na mag-panic. Sinabi ni Francis na nasa loob ng mansion na si Sonia at tumatawag ng pulis.

"Lahat ba ng mga Valencia may tama sa utak?" ani ni Francis at sinipa ang ulo ni Victor bago nakapamulsahan na kinuha iyong tubo na hinampas ni Victor kay Fabian kaya ito nawalan ng malay.

"Fabian!"

Tumatakbo na lumapit si Sonia kay Fabian na agad siya niyakap. Napamura na lang si Fabian aat hinawakan ang pisngi ng asawa. Tinanong ito kung ayos lang ito.

Naiiyak na tumango si Sonia at sumiksik sa asawa. Takot na takot siya kanina. Nilingon ni Sonia si Francis na nakatingin sa kanila at tila nandidiri.

Binigyan siya ni Sonia ng ngiti at nagpasalamat sa pagligtas sa kanila.

"Wag ka mag-thank you. Napadaan lang talaga ako kaya ako nandito at ang ingay mo kanina," ani ni Francis. Lumambot ang expression ni Fabian at hinilikan sa sentido si Sonia. Tinanong ang babae kung nasaktan ba ito.

Maya-maya dumating na ang mga pulis at dinampot si Victor. Binigay din ni Fabian ang cctv na nasa parking lot sa mga pulis para maging ebidensya.

Sa mga sumunod na araw sa paglabas ng about sa mga Valencia. Lumabas na din ang mga biktima ng mga Valencia isa na doon ang pamilya ng driver na namatay din sa aksidente na nangyari kay Themarie.

Nalaman kasi ng pamilya ng driver na nakipagkasundo ang driver sa mga Valencia para akuin ang kasalanan at mamatay kapalit ng malaking halaga.

Binigay naman ang pera ngunit nandoon ang galit at hinagpis  ng pamilya ng driver.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon