29

3.3K 87 3
                                    

Chapter 29
Pumunta ako sa hall nang 100% sure ang confident pero 'nong mabasa ko ang whole script at ang story— bigla ko gusto umatras.

Hindi sa dahil hindi ko kaya kung hindi dahil sa tinatakbo ng story. Dala ang script lumabas ako ng room— 2 hours pa naman bago mag-start kaya hinahayaan muna kami ng ilang staff na lumabas ng hall.

Nakaupo ako sa bench at maya-maya dumating si Fabian na buhat si France at nag-aalala na nakatingin sa akin.

"What is it honey? Bakit namumutla ka?"

Hinawakan ni Fabian ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pinakita sa kaniya ang script.

"Gusto ko lang ia-ask about sa script. It's okay for you na makuha ko ang female lead tapos—"

"Hindi," putol ni Fabian na kinatigil ko. Maya-maya lumambot ang expression ni Fabian sinabi na hindi iyon okay sa kanya as a husband.

"Pero ito ang buhay mo Sonia. Ito ang passion at malaking opportunity ito sa pagbabalik mo. You need this," bulong ni Fabian. Napahawak ako ng mahigpit sa script then tiningnan iyon.

Natawa si Fabian then niyakap ako na kinabilis ng tibok ng puso ko.

"Masaya ako dahil tinawagan mo ako agad at tinanong ako about sa opinion ko sa script."

Napasimangot ako at sinabi na asawa ko si Fabian. Malamang mahalaga sa akin opinyon niya.

Lalo na at— sa second season ay mas maraming scene si Victor at kasama ako.

"Anyway, need mo ba ng help?" tanong ni Fabian. Tiningnan niya ako.

Napangiti ako at tumango. Pinaupo niya ako sa bench after niya sabihan si France na huwag malikod.

Sabi ko ayaw ko ng atensyon at mag-stay lang si Fabian sa kotse ngunit mukhang imposible na iyon dahil may mga trainee ang dumaan. Meron din mga nag-audition na agad lumapit at tinanong kung pwede magpa-picture kay Fabian.

"Pasensya na pero tinutulungan ko ngayon ang wife ko i-review scrip," tanggi ni Fabian. Tiningnan ako ng mukhang mga baguhan na artista. Inirapan ako ng mga ito tapos umalis— imbis maasar ay natawa lang ako.

"What that's for. Bakit ka nila inirapan mommy," ani ni France na ngayon ay masama ang tingin na sinundan ang mga babae na naglalakad palayo.

"It's okay France," ani ko then natawa after makita na nakatingin din si Fabian na tila tinatandaan ang mukha ng mga ito.

Nagsimula na ulit ako magsaulo ng script. Bawat linya ng mga iyon ay tinandaan ko at scene.

After 30 minutes huminga ako ng malalim at sinabihan si Fabian na mag-start na sila. Napatigil si Fabian at nagulat na tinanong ako kung nasaulo ko.

"Yeah, start na tayo," nakangiti na sambit ko.

HINDI makapaniwala si Fabian na nasaulo ni Sonia ang script almost half ng drama sa loob ng 30minutes. Nagkibit-balikat kalaunan si Fabian at pangiti-ngiti na bumulong ng that's my wife.

Nakaupo si France si bench habang pinanonood ngayon ang parents niya ba nakatayo sa harapan niya.

Mga 3 minutes nag-prepare si Fabian at Sonia. Nakatingin ang dalawa sa magkaibang direksyon.

"Florence, paano mo ito nagawa?"

Umupo si Sonia sa sahig, umiiyak at galit na tiningnan si Fabian na bahagya natulala.

"Hindi lang ikaw ang nawalan ng anak! Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa nangyari! Bakit ako ang pilit mo sinisisi! Ako lang ba ang nagkulang!"

Nakabawi si Fabian sa bahagya na pagkagulat at naiyukom ang kamao.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon