30

3.6K 90 3
                                    

Chapter 30
Napataas ang kilay ko kay Themarie sinabi na huwag niya ako igaya sa kanila ni Victor.

"Nakapasok ako sa audition at nag-act ako fair and square," ani ko at ngumiti ng matamis. Tinanong ko si Themarie kung ginawa din ba iyon ni Themarie.

"Themarie, tama na. Hindi tayo nandito para makipag-away," ani ni Victor. Naitikom ni Themarie ang mga labi at nanlilisik ang mga mata na tiningnan si Sonia.

Bumuga ng hangin si Victor tapos tiningnan ako. Sinabi ni Victor na malapit na ang birthday ni Vladimir.

"As part ng kasunduan para sa trial pwede mo makita si Vladimir at—"

"Si Vladimir. Magbi-birtthday siya kasama namin," putol ni Fabian na kinatingin ko.

"What!" sigaw ni Victor na agad tumutol.

"Biological mother ni Vladimir si Sonia at under progress pa din ang trial. Pwede makita ni Sonia ang bata anytime as an agreement," ani ni Fabian. Naiyukom ni Victor ang kamao.

"Baka nakakalimutan na as long as underage si Vladimir lahat ng rights ay na kay Sonia. Hindi mo pwede dalhin sa korte ang reason na takot si Vladimir kay Sonia dahil sa mukha niya."

Inakbayan ako ni Fabian. Paunti-unti na nawawala ang pangingitim ng kalahati ng mukha ko. Kung sakali pwede ko lagyan iyon ng make up for Vladimir.

"Susunduin ko si Vladimir before ang birthday niya," ani ni Fabian at ngumiti bago ako inaya paalis na doon kasama si France.

Narinig ko napamura si Victor pagdadabog ni Themarie. Tiningnan ko si Fabian at tinanong paano napapayag ni Fabian ang court na makasama ko ang anak ko.

"Nangako ako hindi ba? Gagawin ko lahat para makuha at makasama natin ang anak mo," ani ni Fabian at hinaplos ang buhok ko.

"Sa susunod mas matagal mo na siya makakasama," dagdag ni Fabian na kinangiti ko. Pinagbuksan muna ako ni Fabian ng pinto before niya ipinasok si France sa backseat.

"Gusto ko katabi mom!" reklmo ni France. Nilingon ko si Fabian at sinabing dalhin doon si France.

"No, pagod ka."

Tinuro ni Fabian si France then sinabihan ito na hayaan magpahinga ako.

"Big boy ka na hindi ka na dapat nagpapabuhat," ani ni Fabian. Nilingon ko si France na agad nag-cross arm then umismid.

"Baby, huwag mo pansinin si dad. Upo ka dito," ani ko then tinapik ang hita ko. Umiling-iling si France then sinabi na big boy na siya.

"Ayoko maging big boy ka agad baby. Wala na yayakapin si mommy kapag naging big boy ka," ani ko. Napatigil si France then agad na lumipat ng upuan then umupo sa lap ko.

Pagkapasok ni Fabian sa sasakyan naniningkit ang mga mata nito nakatingin sa akin.

"Hindi ba masyado mo ini-spoil si France," ani ni Fabian then bahagya yumuko at hinila seatbelt ko. Ito na nagkabit sa akin dahil nakaupo si France sa lap ko.

"Hindi ko ini-spoil si France. Love ko lang si France kaya gusto ko siya bigyan ng big hug."

Niyakap ko si France then tumawa. Narinig ko humagikhik si France at niyakap ako pabalik. Nailing na lang si Fabian at natatawa na nag-demand na gusto niya din ng big hug pag-uwi.

Nagbibiro na sinabi kong ayaw ko. Hindi bata si Fabian.

Pinaandar ni Fabian ang kotse nang palabas na kami sa gate may sumulpot na sasakyan. Sa pagpreno ni Fabian napatili ako at agad na nayakap si France.

"Fuck!"

Pagmulat ko ng mata nakita ko na nakahara ang isang braso ni Fabian sa amin dalawa ni France.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon