17

3.8K 121 8
                                    

Chapter 17
NASA isang shop ngayon si Sonia at nabili ng bread. Once a week saktong thursday nagbubukas ang shop na iyon. Masarap ang bread na iyon favorite niya at gusto niya i-share kina Fabian at France kaya naman dumaan siya doon before sunduin si France.

Marami siya binili since namis niya talaga ang tinapay na iyon. Noong nakabili na siya palabas na siya ng shop nang isa sa mga staff ang ayaw papasukin ang isang matanda.

May dala itong garbage bag at medyo madumi kasuotan. Napagkamalan itong pulubi.

"Bibili nga kasi ako. May pera ako," ani ng matanda. Pinagpilitan ng staff na makaka-attract ng atensyon ang matanda at baka malasin shop nila.

Napairap na lang si Sonia dahil doon. Buti na lang talaga nakasuot siya ng facemask at hood 'nong pumunta doon sigurado hindi din siya makakapasok.

Lumapit si Sonia sa matanda na tinulak na palabas ng staff. Bakas sa mukha ng matandang lalaki ang lungkot.

"Lolo, sa inyo na lang ito pinamili ko. Bibili na lang ako ulit," ani ni Sonia at inabot iyong paper bag sa matanda na may laman na maraming tinapay.

"Talagang ayos lang na kuhanin ko ito? Sigurado matutuwa wife ko nito," ani ng matanda. Napangiti na lang ang babae at tumango-tango. Sinabi na masarap talaga tinapay nila doon. Nilapit pa nito ang bibig sa tenga ng matanda sinabi na kahit panget ang ugali ng ilang staff. Natawa lang ang matanda dahil doon.

Aalis na si Sonia nang pigilan ito ng matanda at binibigyan  ng pera si Sonia.

"Hindi na lolo. Marami pera fiancee ko," biro ng babae at kumindat. Naglakad na ang babae papasok ng shop. Pipila ulit ng napakahaba ang babae para sa tinapay.

Napalingon ang matanda sa driver ni Fabian na nakatayo sa harapan ng sasakyan at nanlalaki ang mata na nakatingin sa matandang lalaki na kausap kanina ng madam niya.

Inilapit ng matanda ang isang daliri sa labi sinabi na huwag maingay.

Paika-ika na umalis ang matanda buhat ang garbage bag at yakap ang paper bag paalis ng shop. Tumawid ito sa kalsada then tumungo sa entrance ng hotel malapit lang sa shop.

Yumuko ang ilang tao na nakasuit na nagbabantay sa entrance ng hotel after pumasok ang matanda at ilang staff na nasa lobby.

Pumasok ang matanda sa elevator then bumaba sa pinakamataas na palapag ng hotel.

May nagbukas ng pinto at dumiretso ang matanda sa office.

"Honey, bakit ganiyan na naman suot mo? Isa pa sinabi ko na hindi mo na kailangan kuhanin ang mga rent ng cash monthly."

Isang napakagandang babae na may asul na mga mata ang inalis ang suot niya na salamin at diretsong tiningnan ang matanda na binaba ang hawak na garbage bag.

Punong-puno iyon ng pera. Natutuwa lumapit ang matanda at naglapag ng paper bag sa table.

"Ito lang naman kasi gawain ko. Nabo-bored na ako sa mansion at ayaw mo naman ako pagtrabahuhin," ani ng lalaki tapos pinakita iyong tinapay.

"Kasi hindi mo na kailangan. Naibibigay ko naman mga needs mo? Para saan pa ang work?"

Kinuha nito ang tinapay na hawak ng asawa at kinain.

"Anyway, may mabait na babae ako nakita sa shop. Binigay niya sa akin iyan dahil ayaw ako papasukin ng ilang new staff mo sa shop," ani ng matanda na may ngiti sa labi. Napatigil ang babae at inangat ang tingin sa asawa.

"What do you mean? Pinalayas ka ng staff ko sa shop?"

Nawalan ng kulay ang asul na mga mata ng babae after marinig sinabi ng asawa nito. Agad ba winagayway ng matanda ang kamay niya sinabi na madumi siya pumunta doon tapos may hawak na garbage bag.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon