44

3K 70 3
                                    

Chapter 44
Ipinalabas din ng mga ito na si Sonia ang unang nagloko. Lumayas na lang ito sa mansion at hindi nagpakita. Inakala na nilang patay ito.

Dumilim ang anyo ni Sonia ngunit hindi ito nag-abala pa na magsalita at hinintay matapos ang pagsasalita ng lawyer.

Pinatotoo ito ng ilang katulong na matagal na sa mansion ng mga Valencia. May ilan din sa mga ito na mga dating kaibigan ni Sonia.

Sinabi ng mga ito na may problema ang babae sa temperament. Masayado ito obssesed sarili.

"Hindi na kami nagtataka kung nagkaroon talaga siya ng mental issues."

"Ama ako ni Vladimir. Legal ang kasal namin ni Themarie at mabibigyan ko siya ng buong pamilya," ani ni Victor. Pinakita ng lawyer ang marriage ang contract at sinabi ang date ng kasal at kung saan.

Nailing na lang si Sonia. Sa bansa kung saan kinasal si Themarie at Victor legal ang divorce and as usual may connection doon ang mga Valencia. Madali-dali silang nakapag-divorce ni Victor at mabilis ang process dahil sa connection ng mga ito. Paano niya nalaman? Sa bansa na din iyon sila kinasal ni Victor at parehong sa judge.

Ipinagmalaki din ni Victor ang agency na pagmamay-ari nila at companies. Tumingin si Sonia sa kabilang bahagi ng silid.

Hindi siya interesado sa mga pagba-brag nito. Maya-maya lang ay tinawag na ang lawyer nila which is kaibigan ng ina ni Fabian.

Magaling ito na lawyer at nanggaling pa sa ibang bansa. Sabi ng lawyer ay madali lang ang kaso na iyon lalo na at may alas sila.

"Hindi na ako magpatumpik-tumpik pa your honor. Lahat  ng sinabi nila ay kasinungalingan."

Napatayo ang lawyer at  sinamaan ng tingin ang lalaki. Ngumiti ng matamis ang lawyer.

"How about tawagin natin ang dating family doctor ng mga Valencia at kontakin ang director ng mental hospital which is sa hospital kung saan nagtrabaho ang doctor na nag-abot ng fake documents sa korte na naglalaman ng infor about sa mental state ng biological mother ni Vladimir Valencia?"

Namutla ang todo ang psycharatist na nagsabi nga na tinest niya si Sonia at na-confirmed na mentally unstable ang babae.

Pumasok ang dating family doctor ng mga Valencia. Napamura ng mahina si Victor after makita ang family doctor.

Hindi maganda ang kondisyon ng matanda at namayat ito ng todo. Nanlaki ang mata ni Vladimir after makita ang matanda.

Pumunta sa unahan ang matanda at umupo sa bakante na upuan. Tumingin siya kay Vladimir at bahagya ngumiti.

"Ako ang halos 13 years na family doctor ng mga Valencia at nagbigay na false test result kay Miss Sonia," ani ng doctor. Napatigil si Victor then tiningnan ang ina. Nanatiling walang emosyon ang ginang.

"Sinabi ko na wala ng pag-asa na bumalik pa sa dati ang balat ni Miss Sonia sa utos na din ng madam ng mga Valencia."

Na-shock ang mga tao sa loob then may nilabas na recorder ang matanda. Doon narinig nila ang boses ng madam, ang doctor at boses ni Sonia na umiiyak.

Tinanong ng lawyer bakit umalis ang matanda sa mansion ng mga Valencia.

"Kasi hindi na nakaya ng konsensya ko ang nangyari at nalaman ko. Pinalayas nila si Miss Sonia at physically na nakita ko sinasaktan ni Miss Themarie ang anak ni Miss Sonia. Ako— ako ang gumagamot ng mga pasa at sugat ng batang lalaki. Araw-araw sinasaktan ni Miss Themarie ang bata at nagsimula iyon 'nong 6 years old pa lang si young master," ani ng doctor. Napatigil ang judge at napasinghap ang mga tao sa loob. Sumigaw si Themarie at sinabi na hindi totoo iyon.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon