51

3.7K 78 2
                                    

Chapter 51
Napagpasyahan namin ni Fabian na manatili doon muna sa loob. Habang nakaupo doon sari-saring mga bulungan ang naririnig ko.

Nakita ko kung paano paunti-unti sumama ang timpla ng mukha ng mommy ni Victor habang pilit na hindi pinapansin ang bulungan ng mga bisita sa loob.

Napangisi na lang ako like iyon ang isa sa dahilan bakit ako pumunta doon. Ilagay ang mga Valencia sa lugar nila.

'So? Totoo ang balita na naghiwalay si miss Sonia at sir Victor dahil sa third party?'

'Oo girl and guess what? Kaya nasa kulungan si miss Themarie that day dahil kinasuhan siya ng mga Martinez ng child abuse. Sinasaktan ni miss Themarie iyong anak ni sir Victor at miss Sonia.'

'Gosh, ang sama. Hindi ba nakatira iyong bata sa puder ng mga Valencia.'

'Ewan ko lang kung sa akin ginawa iyon naku. Kahit sa araw ng i-reincarnate sila isusumpa ko mga kaluluwa nila.'

Nanatili lang ako sa lugar na iyon at maya-maya lang dumating ang isa sa taong hinihintay ko sa lugar na iyon.

May mga kasama itong bodyguard at may mga dalang bulaklak. Napangiti ako at hinawakan ang kamay ni Fabian na nakapulupot sa bewang ko.

Napatingin sa akin si Fabian at nilingon ko siya. Bahagya yumuko si Fabian at inilapit sa akin ang tenga niya.

"Nakita mo 'yong matanda na lumapit kay Mrs Valencia?" tanong ko. Bahagya tumingin si Fabian sa direksyon ng dalawang matanda na kasalukuyang nag-uusap. May paiyak-iyak pa siyempre si Mrs Valencia.

"Bestfriend iyan ni Mrs Valencia and guess what? May secret relationship sila nila Victor," ani ko. Napatigil si Fabian then lumingon sa akin.

Ang ending nagkalapit mukha namin na dalawa at napatigil ako. Bahagya nag-skip ang paghinga ko dahil doon nahihiya ako na lumayo at tumikhim.

Gosh, anyway natawa ako bigla at nagkomento na himalang wala alam si Fabian doon.

"Nag-hire ako ng mga tao hindi para alamin ang private life ng mga Valencia kung hindi alamin lahat ng about sa iyo kaya no idea talaga ako."

Napatingin ako kay Fabian and sinabi nito na mas bumaba pa nga ang tingin niya kay Victor.

"Same, ngayon may paunti-unti ako nalalaman kay Victor nandidiri ako sa idea na isa ako sa mga naging babae niya," ani ko at humalumbaba. Tiningnan ko si Jennifer Lilac na nakatitig kay Victor na kausap ang ilan pa na bisita.

Gusto ko masuka dahil doon. Maya-maya sabay na dumating sina Vincent at Victoria na agad napatigil after mahagip ng mga mata nila ang pwesto namin ni Fabian.

"Nakakatawa talaga mga reaksyon nila palagi. Hindi nila ako dinissapoint," ani ko at nakangiti ng matamis na kumaway sa dalawa.

"Sabi mo dalawa? Sino pa iyong isa na hinihintay mo?" ani ni Fabian. Napatingin ako sa asawa ko at ngumiti ng matamis.

"Wait mo lang. Parating na sila," ani ko then tiningnan ang wristwatch ko.

Saktong pagkasabi ko 'non dumating sina mommy Gianna at daddy Francisco. Nakangiti na tumayo ako at inaya si Fabian na halatang nagulat after makita parents niya.

"Mommy," tawag ko. Napatingin sa akin ang mommy ni Fabian na agad ako nginitian. Lumapit ako at nakipagbeso sa kaniya at bumati kay daddy.

"Anong ginagawa niyo dito?"

Kita ko na mas sumama pa ang Timpla ng mukha ni Mrs Valencia after makita si mom.

"What? Masama na ba dumalaw ngayon sa funeral ng in law ng asawa ng bestfriend ko?" ani ni mom. Napatigil ang mommy ni Victor at si mrs Lilac.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon