42

3.1K 76 7
                                    

Chapter 42
Napuno ng palakpakan sa set at flower giving after ng last scene nina Amara at Fabian. Basang-basa si Fabian na ngayon ay inaabutan ng manager nito ng towel.

"Fabian ayos ka lang?" tanong ng director. Naka-lima kasi silang take sa last scene kung saan nahulog si Fabian sa dagat dahil na din kay Victor.

Tumango lang si Fabian bilang sagot. Tumingin lang si Fabian sa camera at nagpatuloy ang work ni Fabian as an artist.

Masama ang tingin na pinukol ni Victor sa side ni Fabian. Ramdam ng lahat ng staff at co artist ang hidwaan sa dalawa ngunit wala sa mga ito ang nagre-react.

'Gosh, mukhang masyado sineryoso ni Mr Valencia ang character niya. Nakita mo ginawa niya kay Mr Martinez?'

'Oo, nakita ko 'yon. Feeling ko nga sinadya iyon ni Mr Valencia para makaganti.'

Isa lang iyan sa mga usapan ng mga staff sa private group chat nila na lumabas sa media at nag-viral.

Pagod na pagod si Fabian after ng work niya sa set. As in wala na ito na energy 'nong papunta na sila sa sasakyan.

Hindi na nagawa pa ni Fabian i-entertain mga fans na nagkakagulo at tinatawag siya dahil pagod na pagod na siya hanggang sa—

"Fabian!"

Napatigil si Fabian. Na-shock si Jomari 'nong makita niya agad ang asawa ni Fabian. Nasa side ito ng mga fans na tinatawag si Fabian.

Narinig ni Fabian ang boses ng asawa kaya agad niya ito hinanap then nakita niya si Sonia na nakatayo kung nasaan ang mga fans niya. May hawak ito na bulaklak tapos kasama nito si Lance.

"Sonia."

Biglang lumiwanag mukha ni Fabian after makita si Sonia at agad ito nilapitan. Agad naman kumilos ang mga body guard ni Fabian at hinarangan ang mga fans.

Natawa si Sonia 'nong huminto sa harapan niya si Fabian. Inabot niya ang bulaklak at ngumiti.

"Congrats honey," ani ni Sonia na nakangiti ng malapad. Napatigil si Sonia then niyakap si Fabian ng mahigpit.

"Recharge, need ko mag-recharge."

Noong lumabas sina Victor sa set agad nga nila nakita si Sonia kasama si Fabian. 3am iyon ng umaga at pumunta doon si Sonia para i-congrats ang asawa.

Mas lalo nanggalaiti si Victor after makita ang scenario na iyon. Naalala niya iyong mga time na pumupunta sa set si Sonia na may dalang bulaklak sa araw ng tapos ng drama kahit pa galing pa ito overseas. Lagi siya ang priority nito at ngayon nakikita niya na ginagawa iyon ng babae sa ibang lalaki— hindi maintindihan ni Victor ang nararamdaman niya.

Lumapit ang assistant director kina Sonia. Binati ito ng matandang babae. Formal na ngumiti si Sonia at bumati. Ini-open nito agad ang about sa sponsors tapos sa contract ngunit agad iyon pinutol ni Sonia.

"Pasensya na Mrs. Fledrin. Pumunta lang talaga ako dito para sunduin ang husband ko. If sana meron pa need ng mga confirmation and reviews pakikontak na lang manager ko."

Nakikita ni Sonia pagod si Fabian. Hindi siya pumunta doon for attention. Tumawa lang assistant director sinabi na pwede na sila umalis. Nag-sorry ito sa istorbo.

Inaya na ni Sonia sa sasakyan ang asawa sinabi na umuwi na sila.

"Kanina ka pa ba dito sa labas? Ang lamig ng kamay mo," ani ni Fabian after ilapit ang isang kamay ni Sonia sa mga labi niya.

"Mga 1 hour yata pero nasa loob naman ako ng sasakyan last 30 minutes," ani ni Sonia na nakangiti. Pinagbuksan sila ni Lance ng pinto. Nauna pumasok si Sonia then sumunod si Lance.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon