09

4.3K 111 2
                                    

Chapter 09
Dinampot ko ang newspaper na nasa pinto lang ng mansion at pumasok ulit sa loob. Sinara ko ang pinto at tumungo sa dining table para ilagay iyon sa lamesa katabi ng cup of coffee ni Fabian.

Tuwing umaga kasi habang naguumagahan ay nakikita ko nagbabasa si Fabian ng newspaper kaya naman ako na kumukuha 'non sa labas at inilalagay iyon sa table.

Hindi naman ako mahilig sa mga news at gossips kaya naman hindi ko inabala silipin iyon ngunit— nahagip ng mga mata ko ang litato ng husband at bestfriend ko. Nasa front page iyon. Nanlamig ako after mabasa ang about sa engagement ni Victor at Themarie.

Hindi ko pa napipirmahan ang divorce paper at wala pa isang buwan 'nong pinalayas nila ako sa mansion.

Biglang nawalan ng lakas ang tuhod ko at bago pa ako bumagsak may humawak sa braso ko. Napalingon ako at nakita ko si Fabian. Agad niya na nabawi ang kamay niya at kinuha ang hawak ko na newspaper.

"A-alam mo ang about dito?" nanginginig na tanong ko. Biglang sumikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga dahil doon.

Ang bilis— bakit pa ba ako nagulat? Araw-araw ko nakikita si Themarie sa mansion at nararamdaman ko na may something sa kanila ni Victor. Masyado na ba ako nadala sa pagde-deny ko?

"Umupo ka muna at huminahon ka," rinig ko na sambit ni Fabian at pinaghila niya ako ng upuan.

Sunod-sunod tumulo ang luha ko. Ang sakit— paano nila ito nagawa sa akin? Paano nagawa sa akin ito ni Themarie. Akala ko ba magkaibigan kami? Bakit si Victor.

Bumuga ng hangin si Fabian at umupo sa tabi ko. Naaalala ko na same agency sila ni Themarie at isa ito sa cast ng new movie ni Fabian. Extra ito ngunit may part pa din ito sa movie kaya imposible na hindi alam ni Fabian about doon.

"Hindi ko alam ang about sa engagement pero— aware ako na may something sa husband mo at kay Miss Montesor. Nakita ko sila once na nagmi-make out sa sasakyan at kaya hindi ko sinabi sa iyo dahil nasa healing process ka pa din at magiging malaking shock iyon sayo."

Parang masisiraan ako ng ulo after 'non. Hindi 'man lang nila hinintay mapirmahan ko ang divorce paper. Napahikbi na lang ako at sinabunutan ko ang sarili ko. Wala 'man lang ako magawa.

"Mommy?"

Mas lalo ako naiyak 'nong yakapin ako ni France dahil bigla ko naaalala ang anak ko. Napatanong na lang ako kung anong gagawin ko.

"Lahat ng bagay kinuha na nila sa akin," ani ko habang umiiyak at yakap ng mahigpit si France. Gusto ko magwala at ilabas lahat ng galit ko ngunit may magagawa ba 'yon para maibalik sa akin kahit ang anak ko?

Napababa ako sa upuan at napaluhod. Akala ko okay na ako. Akala ko wala na ang sakit at tuluyan na ako namanhid. Hindi pala. Hindi ko pa kaya tanggapin lahat.

"Daddy please help," rinig ko sambit ni France habang yakap ako. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nakita ko na lang sarili ko na nakatingala at nakatingin kay Fabian na inaabot ang kamay sa akin. Nasa gitna namin si France.

"Marry me, Sonia."

Parang nagpantig ang tenga ko after marinig ang sinabi ni Fabian.

"A— ano?"

Lumuhod si Fabian at pinantayan ako. Bahagya nito pinako ang tingin sa akin at ngumiti.

"Sabi ko pakasalan mo ako."

In some reason tumigil yata ang pag-function ng isip ko after marinig iyon at unang salita na nabanggit ko after 'non ay kung nababaliw na si Fabian.

"Siguro dahil papayag ako gamitin mo hanggang sa gusto mo at pakasalan ako."

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon