59

1.4K 37 0
                                    

Chapter 59
"Look i'm okay. Ayoko kumain."

After magising ni Fabian sa aksidente bigla na lang ito nanlamig sa akin at kapag kasama niya ako gusto niya ako palagi paalisin.

Ganito siya sa mga lumipas na araw 'nong una iniintindi ko siya dahil baka iritable lang ito dahil nasa hospital lang ito buong araw pero nagtagal— feeling ko nanadya na siya at kapag kakausapin niya ako hindi niya ako tinitingnan sa mata.

"Gusto mo ba lumabas? Kukuha ako ng wheel chair. May magandang garden sa baba," ani ko na may kalmado na boses kahit ang totoo naiinis na ako. Agad na sumagot ng no si Fabian.

"Gusto ko matulog," bulong ni Fabian at bahagya umikot paharap sa kabilang side. Nahawakan ko ng mahigpit iyong hawak ko na tray.

"Ayaw mo na ba sa akin?" tanong ko. Nakita ko na bigla nanigas katawan ni Fabian.

Sa inis ko malakas ko na hinagis iyong tray sa sahig dahilan para mapaharap ito sa akin dahil may laman din iyon na soup natapon ang iba 'non sa kamay ko. Masakit at mahapdi pero hindi iyon maiko-compare sa sakit na bumabalot ngayon sa puso ko at pumupunit 'non.

Napaupo si Fabian at napatingin sa akin. Nakita ko panlalaki ng mata nito after makita ang kamay ko. Agad niya kinuha iyon at napamura.

"What the heck are you thinking! Napaso ka na!" sigaw ni Fabian at napatingin sa mga mata ko. Nakita ko napatigil siya siguro dahil nakita niya na umiiyak na ako.

"Atleast sabihin mo naman sa akin kung may nagawa ako na masama o nagsawa ka na sa akin," bulong ko. Patuloy lang ang paglandas ng mga luha ko. Gusto ko magalit at sigawan si Fabian dahil sa biglang panlalamig nito sa akin pero hindi ko magawa. Bakit? Kasi nakikita ko ngayon sa mga mata ni Fabian na mahal pa din ako nito. Ito pa din iyong Fabian na hindi ako natitiis at mahal na mahal ako pero ang hindi ko maintindihan bakit ginaganito ako ni Fabian.

"Anong gagawin ko para hindi mo ako iwan? Anong gagawin ko para hindi mo ako itulak palayo?" umiiyak na sambit ko. Kailangan ko din ba magmakaawa kay Fabian— pumasok sa isip ko si Victor pero before pa ako makapagsalita ulit ay sumubsob si Fabian sa likod ng mga palad ko.

Umiyak ito as in umiyak. Sunod-sunod na nag-sorry ito sa akin.

"Mahal na mahal kita Sonia sa sobrang pagmamahal ko sa iyo kung hilingin mo na mamatay ako ulit gagawin ko na."

Napatigil ako after marinig iyon. Umiiyak nito sinabi na hindi niya kaya na mawala ako.

"Fabian, ano sinasabi mo?" tanong ko at pinunasan pisngi ko. Hihilahin ko ang kamay ko ng mas higpitan niya iyon at nanatili nakasubsob doon.

"Ako iyong bata. Ako iyong bata na muntikan na mabangga ng parents mo at ako iyong nag-cause ng aksidente. Ako iyong pumatay sa kanila," ani ni Fabian. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa after marinig iyon.

"Hindi kita matingnan hindi dahil may nagawa ka masama o nagsawa ako sa iyo. Hindi kita matingnan kasi nagi-guilty ako. Kung iiwan mo ako after nito please consider it again and just tell me to die," ani ni Fabian. Hindi ako makagalaw— halu-halong mga emosyon ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko magawa iyon i-express.

Doon paisa-isa pumasok sa isip ko iyong mga scenario about sa batang lalaki at iyong mukha nito. Iyong pagmamakaawa nito sa mga doctor na iligtas ako after ako magkaroon ng seizure dahil sa aksidente.

Napaupo ako sa sahig at napaangat ng tingin sa akin si Fabian. Umiiyak ito na inangat ang tingin sa akin tapos nag-sorry. Nagmakaawa ito na huwag ako umalis at mahal na mahal niya ako.

Why? Why? Paano ko magagawa magalit at iwan ang tao na ito after he set completely turned my world upside and down.

Iyong kaisa-isang lalaki na umiiyak at nagmamakaawa na huwag ko siya iwan. He promise me a world but he give me his whole universe. How i should tell him to die if i know myself na  magi-stop ang buong mundo ko kapag nawala siya.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon