38

3K 110 11
                                    

Chapter 38
Maaga nagising si Fabian at nakita niya na wala ang asawa niya sa tabi niya. Inaantok na bumangon si Fabian at naglakad palabas ng room niya.

Nakita niya bukas ang pinto na nasa tabi lang ng room ni France. Naglakad ang lalaki patungo doon then nakita niya si Sonia na nakaupo sa carpet at inaayos ang mga gift para kay Vladimir.

"Wife? May kulang pa ba sa room?" tanong ni Fabian at tumabi sa babae. Napatingin si Sonia.

"It's just hindi ako makatulog sa sobrang excitement dahil sa susunod na araw makakasama ko na ulit si Vladimir," ani ni Sonia. Nakangiti nito inayos ang ribbon before ipinatong sa mga gift na nasa harapan nila.

"Curious pa din ako paano nagkaroon ng guts si Victor na pakawalan ka. He's a plain bullshit for real," ani ni Fabian. Bakas sa boses nito ang pagkairita. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil sa katangahan na iyon ni Victor nagkaroon siya ng chance kay Sonia or maiirita dahil sa tuwing naiisip niya na niloko nito si Sonia after ng lahat.

"Kung hindi nangyari ang aksidente hindi ko malalaman na ganoon klase si Victor at may ahas ako na kaibigan."

Napatigil si Fabian then bahagya nilingon si Sonia. Hinawakan ni Sonia ang kalahati ng pisngi.

"Wala ako kinalakihan na pamilya at uhaw na uhaw ako sa pagmamahal at atensyon. Minahal ko si Victor dahil siya lang palagi nasa tabi ko. Nagtiis ako sa pamilya ni Victor dahil sa idea na isa na din ako Valencia at hindi na din ako mag-isa. Nag-artista ako ginawa ko ang best ko para kina Victor at sa mga tao na naniniwala sa akin dahil sila nagpupuno ng mga bagay na hindi ko nakuha 'nong hindi pa ako artista at hindi ko pa nakikilala si Victor."

Inilagay ni Sonia ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga then nilingon si Fabian. Ngumiti ang babae. Isang matamis na ngiti.

"But noong makilala kita doon ko narealize at naitanong ko sa sarili ko how can i settle the guy like Victor. In some reason nagpapasalamat na lang ako na ginawa iyon ni Victor dahil nakilala kita."

"You give everything to me and you didn't give me anything that make me less. You give me a home and family that i can say mine."

Hinawakan ni Fabian ang pisngi ni Sonia after makita na tumulo ang luha ni Sonia.

"I just give you what you deserve, Sonia. "

Dumating iyong araw na susunduin namin ni Fabian si Vladimir. Bukas na kaarawan ng anak ko kaya naman pumunta kami sa araw na iyon para sunduin si Vladimir.

Sinama ni Fabian ang lawyer. 'Nong makarating kami sa subdivision at ss harap ng mansion ng mga Valencia bumaba na ako ng sasakyan. Nasasabik na ako makita at mayakap ang anak ko.

May mga katulong na binuksan ang pinto. Bumungad sa amin ang living room at agad nawala ang ngiti ko after makita sina Victor.

"Vladimir," ani ni Victor and bahagya tinulak si Vladimir para lumapit sa amin. Lumambot ang expression ko at tinangka lapitan ang anak ko ngunit— bahagya ito umatras.

Napatigil ako. Hawak ni Vladimir ang sariling braso habang nakatingin sa kabilang direksyon.

"Ayoko sumama. Mas gusto ko i-celebrate ang birthday ko kasama sina dad," ani ni Vladimir. Paunti-unti nawala ang ngiti ko.

"Vladimir, isang araw lang sa mansion."

Lumapit ako at tinangka hawakan si Vladimir ngunit umilag ito. Sinabi na ayaw niya sumama.

"Vlad—"

"Sinabi ko na ayoko sumama!" sigaw ni Vladimir na ngayon ay sinalubong ang tingin ko. Puno ng frustration ang expression ni Vladimir.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon