08

4.7K 102 1
                                    

Chapter 08
Lumabas kami ng room ni France. Sinabi ni Fabian na secretly nagpapa-check up si France sa psycharatist at under ito sa treatment.

Gusto ko magtanong kung bakit nagkakaganoon si France ngunit— napahawak ako sa isang braso ko at tahimik na lang bumaba ng hagdan. Sinundan ko si Fabian.

Wala ako sa lugar para magtanong pa. Nanny lang ako ni France at sigurado na kung dapat ko malaman ang reason hindi magdadalawang isip si Fabian sabihin sa akin iyon.

"Magiging ayos lang si France hindi ba?" tanong ko. Umupo si Fabian sa sofa sinabi na maya-maya pagkagising ni France ayos na ito.

"Mostly sa nangyayari nakakalimutan niya."

Sa reaksyon ni Fabian mukhang hindi iyon ang unang pagkakataon. Hindi ko alam kung wala ito pake, kampante or talagang wala lang ito magawa kung hindi maging kalmado.

Tinanong ni Fabian kung pwede na sila mag-proceed ulit sa scene nila.

Napatigil ako at tinanong si Fabian kung maglalagay pa ba ako ng benda. Mukha kasi siya hindi komportable kanina 'nong nagkalapit kami.

"Hindi na kailangan. Subukan natin ulit," ani ni Fabian at naglakad palapit sa akin.

"Florencio, wala na tayo dapat pag-usapan. Ayoko na makita ka pa ulit."

Tumalikod ako katulad ng nasa script at hinila ulit ako ni Fabian.

"Sabi ko diba mag-usap—"

Noong nagkadikit ang katawan namin naputol ang line ni Fabian. Hinawakan niya ako sa balikat at bahagya nilayo.

Nakayuko ito at parang magpa-passed out anytime. Napaatras ako at ibinaba ang script.

"Sir ayos ka lang ba?"

Lumayo si Fabian at naiinis na sinuklay ang buhok. Narinig ko napamura ito at bigla na lang binagsak ang katawan sa sofa.

"Ito ang reason kaya ayoko ng mga ganitong genre."

Wala ako idea sa sinasabi ni Fabian ngunit hindi ako umalis doon at tiningnan lang siya na kasalukuyang nakayuko at sinasabunutan ang sarili.

Tiningnan ko ang script at title nito. Familiar ang movie na ito. Mukhang ito 'yong adaptation ng sikat na drama sa korea at si Fabian ang nakuhang male lead.

Napatigil ako dahil drama iyon and more on romance. Tiningnan ko si Fabian. Madalas na ginaganapan ni Fabian ay mga action movies, mystery and horror movies.

"Pwede ko ba malaman kung anong problema?" tanong ko. Hindi ko siya matutulungan kung wala ako idea sa kung ano problema at nahihirapan ito sa line nito.

"Nabablanko, nagpa-panic kapag nagkakaroon ako ng physical touch sa babae. Naka-ilang take kami sa part na ito."

"Wala pa makuha ang manager ko ng tao na pwede mag-double."

Nasamid ako after marinig iyon. Seryoso ba si Fabian doon.  Tumikhim ako dahilan para mapatingin si Fabian.

"How about start tayo sa holding hands?"

Curious ako paano ito nagkaanak ng ayaw ng physical touch. Imposible naman acting lang din ito since wala ako nakikita na dahilan. Kung totoo 'yon at iyon ang reason kaya hindi ito tumatanggap ng mga drama movies— malaki nga iyon na problema.

Inabot ko ang kamay ko at noong aabutin niya 'yon agad ko nabawi dahil sa idea na—

"Wait? Hindi ka naman bakla diba? Like kaya ayaw mo sa babae kasi—"

"Absolutely— not."

Kinuha nito ang kamay at dahil sa pwersa na out balance ako. Naitungkod ko ang isang braso ko sa sandalan ng sofa at sobrang lapit ng mukha namin na dalawa.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon