15

4.4K 104 1
                                    

Chapter 15
NAKAUPO si Fabian Martinez sa isang high chair. Napapalibutan ang lalaki nang hairstylist, makeup artist at ang stylist nito na kasalukuyang may ilang outfit na pinakikita kay Fabian.

Nakapako ang tingin ng lalaki sa hawak na script at sinasaulo ang bawat line. Nag]agay ng coffee ang manager sa table ni Fabian.

"May kaunting physical touch mamaya. Magiging ayos ka lang ba?" tanong ng manager. Ilang beses na sinabi ni Fabian na magiging ayos lang siya.

"Ayos 'nong last na nagkaroon ka ng physical touch sa female lead kulang na lang mag-passed out ka during taping. Alam mo ba usapan sa site bakla ka. For god's sake," ani ng manager. Hinawakan ng lalaki ang cup at sumimsim doon para bang hindi ito interesado sa sinabi ng manager.

Maya-maya dumating si Themarie which is ang role ay bestfriend ng female lead. Lumapit ito sa babae na nakaupo medyo malayo kay Fabian.

May isang upuan lang pagitan nila at inaayusan ito ng ilan sa mga staff. 

"Hah, alam mo nakukulangan ng staff ang site dahil sa iyo? Hindi ka 'man lang ba makapag-hire ng stylist mo at inaabala mo pa buonv crew para ayusan ka?"

Umupo si Themarie sa isa sa mga upuan sa table na 'yon at tiningnan ang babae na agad nagbago ang expression after marinig sinabi ni Themarie. Ilan sa mga nag-aayos sa female lead ay napairap na lang dahil sang-ayon sila kay Themarie.

Hindi nagawa ng babae makapagsalita pa. Napatingin na lang ang manager ni Fabian.

Ang kasalukuyang female lead ng kasalukuyang project ng alaga niya ay may pangalang Amara Suarez. Wala pa ito 1 year sa industriya ngunit mabilis nito nakuha ang ilang movie at role na female lead dahil sa ganda, talent at bilis nito mag-adapt.

Tumikhim ang manager ni Fabian dahilan para mapatingin sina Themarie. Napatigil ang babae dahil nakita niya sina Fabian.

"Excuse me miss Themarie pero nakakaistorbo ka. Mamaya na scene nina Miss Amara at sir Fabian. Kung wala ka naman sasabihin umalis ka na."

Inangat ni Fabian ang tingin. Agad na namula ang pisngi ni Themarie dahil ilang staff ang napatingin sa direksyon nila.

"Trabaho ng staff ng site na asikasuhin ang mga artist nila. Wala ka karapatan makisawsaw sa trabaho nila. Staff ka ba?" tanong ni Fabian. Napatayo ang babae at agad na umalis. Nailing si Fabian at pinako ulit ang tingin sa binabasa nito na script.

"Ma-maraming salamat," ani ng babae na nakatingin ngayon kina Fabian.

"Wala ka dapat ipagpasalamat. Hindi ko ginawa iyon para sa iyo. Masyado lang maingay ang babae na iyon. Nakakairita," flat na sambit ni Fabian. Natawa ng mahina ang babae at hindi na muli nagsalita pa.

"Florencio! Nasaktan ka ba!"

Nakahinga ngayon si Fabian sa lupa. Tumakbo palapit ang female lead at inangat ang ulo ni Fabian. Nadikit ang balat ng babae sa batok ni Fabian. Napasinghap si Fabian dahil doon at nawala ito sa act.

"Cut!"

Napabangon si Fabian. Tumayo ang director at lumapit kay Fabian na nakaupo sa lupa. Hawak ng lalaki ang batok.

"Amara! Ano na naman ba ginawa mo!"

Napataas ng kamay si Fabian para pigilan ang director na mukhang si Amara ang pag-iinitan. Halata sa mukha nito na disappointed ito dahil sa patuloy paulit-ulit na pag-cut ng scene. Si Fabian ang nagkakamali pero dahil sa influence ng lalaki hindi magawa ng director na bulyawan si Fabian.

"Nakalimutan ko ang line ko," palusot ni Fabian. Sinabihan ng director ang mga staff ng 2 minutes break.

Nakaupo si Amara at Fabian sa lupa. Nakatingin lang si Amara kay Fabian.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon