22

3.6K 87 2
                                    

Chapter 22
"Dad? Nasaan si mommy?"

Natawa ako dahil iyon ang unang tanong ni France 'nong makalapit ito sa sasakyan at si Fabian ang sumalubong sa kanila.

Nakita ko na dissapointed si France at dahil doon bahagya ito pinukpok ni Fabian sa ulo. Mahina lang naman iyon pero nagalit sa kaniya si France.

"Ako ang nandito tapos mommy mo hinahanap mo. Parang hindi ka pa natutuwa na sinundo kita," ani ni Fabian. Anyway nasa gilid lang naman sila ng sasakyan at nagtatalo.

"You so slow naman daddy. Mas love ko si mommy kaysa sa iyo."

Napatakip ng lang ako ng bibig 'nong sumigaw si France after ito isampa ni Fabian sa balikat niya at buksan ang backseat. Pinasok ni Fabian ang anak doon. Napahiga si France sa upuan.

"I hate you daddy! Susumbong kita kay mommy!"

Pumasok sa driver seat si Fabian at sinabi sa anak na galingan nito magsumbong dahil nandito nga daw ako.

Napaupo si Fabian nakikita ko siya mula sa rare view mirror. Agad ito tumayo at sinilip ako mula sa likod ng upuan.

"Mommy! Dito ka. Tabi tayo," request ni France. Aalisin ko ang seatbelt ko nang ini-start na ni Fabian ang sasakyan at sumagot ng no.

"And no gadgets hanggang bukas France," ani ni Fabian at pinaandar ang kotse.

"Fabian, ano ginawa ni France? Don't tell me nagseselos ka dahil mas love ako ng anak mo," ani ko. Napa-pokerface si Fabian sinabi na oo. Iniisip ba nito na inaagaw ko anak niya pero—

"How dare him. Mas mahal kita kaysa sa kaniya," ani ni Fabian. Napaubo ako dahil doon. What the heck. Nagseselos si  Fabian sa anak niya?

"No! Mas love ko si mommy! Siya lang mommy ko," ani ni France at niyakap ako sa leeg.

"No, mas love ko mommy mo kasi wife ko siya," ani ni Fabian. Naningkit ang mata ni France.

"But you have so many wife. I saw on tv. Marami ka love at ako si mommy lang!"

Doon na ako tumawa. Siguro nakakapanood din si France ng mga drama ni Fabian. Tapos nakikita niya ito nagpapakasal sa maraming babae.

"Hindi ko alam sino doon tatawagin ko mommy," ani ni France. Nahawakan ko sa braso si France noong muntikan na kami tumalsik na dalaw sa unahan after bigla pumreno si Fabian.

"Fabian! For god's sake! Nakatayo anak mo," ani ko at nilingon si Fabian na ngayon ay masama ang tingin kay France.

"Don't you dare. Si Sonia lang ang mommy mo at tatawagin mo na mommy. Sa mga drama lang iyon fpr god's sake," ani ni Fabian. Mukhang gusto na ni Fabian pilipitin ang leeg ng anak niya.

"I know, daddy. Inaasar lang kita!"

Ngumiti pa ng malapad si France then dumaan sa pagitan ng mga upuan namin ni Fabian at umupo sa lap ko.

"Go dad! Paandarin mo na ulit ang car," ani ni France at hinampas-hampas ang balikat ng ama.

Napa-pokerface si Fabian at tinanong si France kung kanino ito nagmana.

"Sigurado ako na hindi sa iyo daddy. Hindi ako nagki-kiss ng maraming girls," ani ni France after paandarin ni Fabian ang sasakyan. Napatikhim ako at sobrang pigil ko na tumawa. Nagsumbong na sa akin si Fabian kaya naman niyakap ko si France at sinabihan na tigilan na pang-aasar sa ama niya

"But daddy started it.  Hindi niya sinabi na nandito ka sa loob ng car, " ani ni France at nag-cross arm.

"May malapit ba na orphanage dito. Tanggap pa naman si France hindi ba? Wala pa siyang 9 years old. Gawa na lang tayo ng bagong anak. Paampon na natin si France."

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon