53

3.8K 76 14
                                    

Chapter 53
Hinawi ni Fabian ang mga sanga na nadadaanan nila sa gayon ay hindi matamaaan ang asawa.

"I'm fine," ani ni Sonia at nilingon ang asawa na nasa likuran niya.

"Masyado madami sanga dito masusugatan ka," ani ni Fabian na pinapagpagan ang coat niya.

"Lovebird mukhang puro pader lang talaga nandito," ani ni Jomari na nakatayo sa harapan ng pader at tumitingin sa paligid.

Lumapit na si Sonia kasunod si Fabian. Inikot nila ang mga pader hanggang sa makarating sila malapit sa gate.

"Nasaan na si Madrigal? Hindi naman niya siguro nakita si father Vincent hindi ba?"

Napatigil sina Sonia. Narinig nila usapan ng mga officer na nakatayo malapit sa gate.

"Pinatawag siya sa office kanina sigurado wala na iyon dito."

Nagkatinginan sina Sonia at Jomari.  Sigurado sila na may tinatago nga sina Vincent sa lugar na iyon.

Bumalik sila sa sasakyan at tinawagan ni Fabian ang ina niya para sunduin sina France at dalhin muna sa mansion nila.

"Hindi namin alam ni Sonia ano oras kami makakauwi," ani Fabian habang nasa loob ng sasakyan at katabi si Sonia.

Balak nila mag-stay doon hanggang mamayang gabi tapos subukan nila pumasok sa loob. Sinabi ni Fabian na masyado iyon delikado ngunit nagpupumilit si Sonia malaman kung ano ang nasa loob.

So? Naghintay sila doon hanggang sa lumalim ang gabi. Nakasandal si Sonia sa balikat ni Fabian na sandaling umidlip.

Nanatili naman gising si Fabian at Jomari na hindi inaalis ang tingin sa gate. Nakita nila na umalis ang isa sa mga guard.

Noong nakita ni Fabian ang oras ay ginising na ni Sonia na agad naman nagising at kinusot ang mga mata.

"Umalis ang isa sa mga officer. Tara na," ani ni Fabian. Tinanong ni Jomari kung may alam si Fabian paano sila makakapasok doon na hindi napapansin ng mga officer.

"May alam ako na daan paano makakapasok sa loob. Kailangan natin umikot tapos pumasok sa gubat," ani ni Sonia. Sa isip ni Sonia masyado doon madilim at kailangan nila maglakad papasok.

"Teka, seryoso talaga kayo? Wala ba ahas doon?" tanong ni Jomari. Napangwi si Jomari sa idea na 'nong pumunta sila doon tirik na tirik ang araw nai-imagine niya na may ahas na lang susulpot kung saan dahil sa makakapal na talahib at mga sanga.

"Kung ayaw mo sumama, maiwan ka na lang dito manager," ani ni Fabian na naka-pokerface.

"Sabi ko nga sasama na ako. Ayoko maiwan dito feeling ko ang dami nakatingin," ani ni Jomari na hinaplos-haplos ang mga braso. Sinimulan na ni Fabian i-start ang sasakyan niya.

"Akala ko ako lang nakaramdam," ani ni Sonia. Napaigtad si Jomari sinabihan si Sonia na huwag manakot ng ganoon. Gusto ni Sonia tumawa dahil sa reaksyon ng manager niya.

Kalaunan nasa isang bar si Mavis kasama sina Eugene at nag-iinuman nang makatanggap siya ng text kay Fabian at iyong link ng location kung nasaan sina Fabian.

"Oy tigilan niyo muna pag-inom," ani ni Mavis at inagaw ang bote ng alak na hawak ni Hirayu.

"Ano na naman Mavis," ani ni Hirayu na nakataas ang kilay.

"I think may ginagawa na naman kalokohan si Fabian. Kung ayaw mo mawalan ng main artist sa drama mo buksan niyo iyong link na isi-send ko sa inyo," ani ni Mavis. Napataas ng kilay si Hirayu.

"Anong ginawa na naman ni Martinez?"

Nagkibit-balikat si Mavis at pinakita kina Eugene ang text.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon