54

2.9K 88 8
                                    

Chapter 54
"Fabian!"

Inatake ni Fabian si Vincent. Before pa makapagpaputok ng baril iyong isang pulis ay agad ito sinipa ni Jomari na siyang nag-aral din ng self defense.

Naglabas ng tubo ang batang lalaki sa rehas at nakita iyon ni Sonia. Agad iyon kinuha ng babae.

"Malakas na hinampas ni Sonia ng tubo ang braso ng isang pulis nang papaputukan nito si Fabian na nakikipagsuntukan kay Vincent.

Napatumba ni Vincent si Fabian. Nanlaki ang mata ni Sonia after makita iyon. Sinipa pa ni Vincent sa mukha si Fabian.

"Lumayo ka sa asawa ko! You demon!"

Nanlaki ang mga mata nina Fabian at Jomari after walang pagdadalawang isip  na hinampas ni Sonia ng tubo sa ulo si Vincent.

Hinawakan ng babae mula sa airvent ang paa ni Vincent at hinila iyon.

Na-outbalance si Vincent at humampas ang ulo nito sa lumang fountain na nasa gilid ng airvent.

Napalunok sina Jomari like bigla yata sila nagkaroon ng trauma sa mga babae pati iyong dalawang pulis na ngayon ay nakadapa sa sahig natulala.

Isa sa mga ito tatakbo ngunit agad ito napaupo sa lupa at napaatras nang may taong biglang tumutok sa leeg niya ng arnis.

"Mukhang na-late na kami sa kasiyahan," ani ni Mavis after makita na wala ng malay ang isa sa mga Valencia at naghihilakbot ang dalawang pulis na nakatingin sa kanila.

Kalaunan sa mansion ng mga Martinez. Nakaupo si France sa hita ng lola niya at may ipinakikita ito na picture book.

"Ibig sabihin hindi uuwi ngayon sina mommy?" tanong ni France sa lola niya.

"Sorry sweety, hindi ko din alam. Sinabi lang ng dad mo na dalhin ko kayo dito dahil baka ma-late nga sila ng uwi at wala kayo kasama sa mansion," ani ng matanda at ibinaba ang family picture nila na ipinakikita niya sa dalawang bata kanina.

"Gusto mo pa ng pancake?" tanong ng lolo nina Vladimir at France bago binaba ang plate ng pancake sa harapan ni Vladimir na walang ginawa kung hindi kumain.

"Honey, tama na pagbibigay ng foods kay Vladimir baka sakitan siya ng tiyan. Almost midnight na," saway ng matandang babae sa asawa niya.

Katatapos lang kasi ng dinner nila tapos binibigyan na naman ng pagkain ng asawa ang mga apo nila.

Nakarinig sila ng ugong ng sasakyan. Agad na napatayo sina Vladimir at France.

"Sina mommy!" ani nina France na malinaw ang mukha at lumapit sa pinto.

Si France na ang nagbukas at tatawagin nito ang mga magulang nang— paunti-unti mawala ang ngiti niya after makita na hindi iyon parents nila.

Natulala iyong lalaki kay France na nasa harapan niya at nasa likuran nito si Vladimir.

Hindi kita ng mga bata ang mukha ng lalaki na nasa labas ng pintuan at sa pag-aakalang masama iyon na tao dahil sa outfit nito ay sabay na napasigaw ang dalawang bata.

"France! Vlad!"

Bago pa makatakbo si France nahawakan siya ng lalaki at tinawag ito.

"France!"

Napatigil si France at lumingon. Nakita niya ang mukha ng ama ngunit iba ang dating at amoy nito.

"Pakawalan mo si France!"

Napamura ang lalaki nang may bumato sa mukha niya ng book. Hindi nakaiwas doon ang lalaki dahil masyado siya natulala 'nong makita niya sa harap ang batang si France.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon