23

3.7K 102 2
                                    

Chapter 23
AS expected marami ang dumating sa party. Mga kilalang actor at actress— may ilan din mga producers at directors.

Sa tagal ko sa industriya karamihan sa mga ito kilala ko at marami sa mga ito nakasama ko sa drama.

"Mom, gusto ko ng macaron? Can i get some?" tanong ni France. Nasa isang table kami at umalis sandali su Fabian.

"Okay, samahan kita."

Tumayo ako para samahan si France. Marami naman bata doon sa buffett table pero ayoko papuntahin doon si France mag-isa dahil baka bigla ito mawala.

Hawak ang kamay ni France na pumunta kami sa table at kinuha ko siya ng mga makakain.

"Sissyy, Soniaa~"

Pakanta na tawag ni Sophia. Napalingon ako hawak ang plate at nakita ko nga si Sonia na natutuwang lumapit sa akin.

"Hey, kanina pa kita hinahanap. Ngayon ka lang dumating? Sabi sa iyo sumama ka na sa amin," ani ko. Sa iisang mansion kami galing pero nauna kami dahil sinabi ni Sophia na hihintayin niya pa sundo niya.

"Duhh ayoko maglakad sa red carpet mag-isa ano," ani ni Sophia. Napatingin ako kay France na nasa labi ang isang daliri at nakatitig sa hawak ko. Natawa ako dahil sa idea na mukhang gusto na talaga kumain ni France at naiistorbo namin siya.

"Sa table muna tayo. Nagugutom na si France."

Hinawakan ko ang kamay ni France at naglakad kami palapit sa table. Nagkukuwento si Sophia about sa new dress niya nang may tatlong babae ang nagtatawanan  at isa sa mga ito natulak ang kaibigan. Nakita ko na babangga ang babae na iyon kay France na nakatayo sa gilid ko at kumakain ng macaron.

"Hey!"

Napataas ang boses ko at nahila si France palapit sa akin 'nong muntikan na ng mga ito mabangga ang bata.

"Pwede ba mag-ingat kayo. Tumingin kayo sa dinadaanan niyo."

Napatigil ang mga ito tapos napatingin sa akin tapos France.

"Kayo ang pahara-hara at bakit kayo nagdadala ng bata dito. Formal party ito hindi family outing."

Kumunot ang noo ko. Sinabi ko na para sa mga bata ang area na iyon.

"Dapat nag-iingat kayo since crowded dito ay may chance na makabangga kayo ng bata."

Mamaya may nakaupo sa sahig na bata natapakan nila. Sinabi ko na hindi ginawa mata nila para gawin disenyo. May nakalagay naman na warning sign.

Nagtatakbuhan ang ilang bata sa paligid at naglalaro. Ayoko na makipagtalo at makita ni France na nakikipag-away ako kaya nilampasan ko na sila hawak si France.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap! Sino ka ba? Hindi mo ba ako kilala?"

Hinablot ng babae ang braso ko. Nilingon ko siya at tiningnan ng masama.

"Ako ang rising star ng Rmm! Yuna!"

Tinanggal pa nito ang suot na mask. Napataas ako ng kilay. Importante ba na kilala ko siya.

Hinila ko ang braso ko sinabi na nagugutom na ang anak ko.

"Wala ako time makipagkilala sa iyo."

Narinig ko tumawa si Sophia na mukhang nage-enjoy panoorin kami. Medyo nakakaagaw na kami ng atensyon doon.

"Anong nangyari?"

Napalingon iyong nagpakilalang Yuna. May matandang lumapit at agad dito lumingkis ang babae.

Natakpan ko ang mata ni France after makita na dinikit-dikit ng babae na iyon ang dibdib niya.

"Producer~ iyong babae na 'yan inaaway ako."

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon