33

3.2K 68 8
                                    

Chapter 33
"Nasaan si Vladimir?"

Nakatayo ngayon si France sa harap ng isang stockroom at nanlalaki ang mata ng tatlong kaklase niya.

Hindi pumasok si France 'nong umaga dahil tinanghali siya ng gising. Masyado siya napuyat kakaisip kagabi kung anong ireregalo niya kay Vladimir.

Pumasok siya 'nong tanghali dahil nag-aalala siya na may mga mam-bully kay Vladimir at tama siya.

Malakas na sinipa ni France ang pinto na nasa gilid ng tatlong batang lalaki na napatalon sa gulat.

"Nasaan si Vladimir? Sabihin niyo na habang kalmado pa ako at nagtatanong ako ng maayos," ani ni France na ngayon ay nakangiti ng matamis.

Agad ba natakot ang tatlong bata at tumakbo habang umiiyak. Sumigaw ang mga ito ng teacher.

Napatigil si France after may bumagsak sa kabilang pintuan. Umayos ng tayo si France at hinawakan ang doorknob. Hindi mabuksan iyon. Hinila-hila iyon ni France hanggang sa magbukas iyon at nakita niya si—

"Vladimir?"

Agad na pumasok si France at nakita niya si Vladimir na nakadapa sa sahig.

Nanlamig si France after makita ang mga galos ni Vladimir at panghihina.

"Anong— Anong ginawa nila sa iyo! Bakit ang dami mo na sugat!"

Sinabi ni France na tatawag siya ng teacher ngunit pinigilan siya ni Vladimir at sinabing hindi pwede.

"Ang parents ko," bulong ni Vladimir. Nanggalaiting niyakap ni France ang batang lalaki at sinabi na gagamutin niya ang mga sugat ni Vladimir.

Ipinaliwanag ni Vladimir na nadapa lang siya kanina kaya nagkaroon siya ng sugat at na-lock siya sa loob ng stockroom.

'Lie... Lie... Lie'

Iyon ang parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ni France habang pinakikinggan ang mga sinasabi ni Vladimir at kung anong nangyari.

Bakit madumi uniform ni Vladimir, basa ar may mga bago na naman ito na pasa.

Ibinigay ni France ang pares ng uniform  galing sa bag niya at binigay kag Vladimir sinabihan ito magbihis.

Agad naman sumunod si Vladimir at noong nasa cubicle ito nagpaalam si France.

"Nakalimutan ko 'yong lunch box ko sa clinic. Dito ka na lang muna. Bantayan mo bag ko," ani ni France na nasa labas ng cubicle. Agad naman sumagot ng sige si Vladimir.

Nakangiti na unalis si France sa men's room sa loob ng University at naglakad palayo.

Pumunta siya sa classroom nila. Wala ang mga estudyante sigurado na nasa field ang mga ito for p.e class nila.

Hinawakan ni France ang likod ng mga upuan at huminto siya sa harap ng isang row. Napako ang tingin niya sa tatlong bag na nandoon.

Kalaunan nakabihis na si Vladimir at nasa labas ng cubicle. Nasa likod niya ang sariling bag at yakap naman ng lalaki ang bag ni France.

Nakaupo ang lalaki at nakasubsob sa bag nang bumukas ang pinto ng restroom. Napaangat ng tingin si Vladimir.

"Para kang puppy. Tumayo ka na diyan. Balik na tayo sa classroom," ani ni France. Tumayo agad si Vladimir at parang bata na humawka sa sleeve ni France na tumalikod na at naglakad na sila palabas ng restroom.

"Ang laki-laki mong tao bakit hindi mo kaya ipagtanggol ang sarili mo," medyo naiinis na sambit ni France. Sa pagkakaalam ni France ay halos magkaedad lang sila ni Vladimir mas matanda lang siya sa buwan at sa year na iyon ay 9 years old na siya.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon