06

4.9K 139 3
                                    

Chapter 6
HINDI ko alam kung anong oras na 'nong nagising ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa tabi ni France at tiningnan ang batang lalaki na mahimbing na natutulog.

Tingingnan ko ang table at nakita doon ang alarm clock na may penguin na design. Alas kwatro na ng umaga. Naghihikab ako na binaba ang mga paa sa sahig at tumayo.

Sa gabi na 'yon hindi ako nagising sa pagi-sleepwalk ni France. Mukhang effective iyong paglalakad-lakad namin tuwing gabi bago matulog.

Inayos ko muna ng higa ang bata at aalis ako nang may maliit na kamay ng humawak sa daliri ko. Paglingon ko nakita ko si France na gising na.

"Mommy," inaantok na sambit ni France. Napatakip ako ng bibig dahil sa sobrang cute ni France.

Ayaw ni France na umalis ako kaya sinama ko na ito sa kusina. Buhat ko ang bata habang nagpi-prepare ako ng breakfast.

"Manager, lower your voice. Tulog na mga tao dito."

Napatigil ako 'nong makarinig ako ng pagbukas ng pinto at mga boses sa living room.

Nagpababa si France at tumawag ng daddy. Hinayaan ko na ito umalis dahil alam ko ma dumating na si Fabian. Katulad ng sinabi ni Fabian kahapon ay late ito uuwi at maaga na kami matulog ni France.

Mukhang may iba pa na kasama si Fabian kaya hindi na ako nagtangka pa lumabas para salubungin ang boss ko.

Pinagpatuloy ko ang pagluluto ng bacon. Maya-maya may narinig ako mahinang katok.

Napalingon ako at nakita ko si Fabian. May nakalapag na paper bag sa lamesa.

"Sir Fabian," ani ko at nahihiya pinunas ang kamay ko sa suot ko na apron.

"Pasensya na sir Fabian. Nagluluto kasi ako tapos hindi ko alam na may darating na bisita at—"

"Ha?"

Napatigil ako dahil halatang wala si Fabian idea sa sinasabi ko. Mas lalo ako nahiya. Tumawa lang ito sinabi na mukhang na misunderstand ko siya.

"Ipagpatuloy mo pagluluto mo. Huwag mo alalahanin manager ko. Sinabi ko na ang about sa iyo actually gusto ka niya makita kaya nandito siya. Pumunta ako dito para i-inform at mag-sorru dahil hindi ko nahingi permiso mo. It's just lagi talaga siya nito at ini-inform ko siya beforehand dahil baka ma-shock siya kapag nakita na may kasama akong babae dito at may tinatawag na mommy si France," explain ni Fabian. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko at magiging reaksiyon. Tumango-tango lang ako.

"Anyway, may pinamigay na damit sponsor agency ko. Nag-model ako sa kanila at pinamili nila ako ng damit. Here, i think babagay sa iyo mga 'yan," ani ni Fabian na kinalaki ng mata ko. Inaabot niya sa akin mga paper bag.

"A—Akin po ito?"

Kinuha ko mga 'yon at sinilip ang laman. Mga dress iyon at ilang sikat na designs. Tumawa ang lalaki.

"Nakita mo naman dress 'yan? Mukha ba sa akin 'yan or kay France?"

Agad ako namula sa tanong ni Fabian. Ano ba naisip ko at nagtanong pa ako ulit.

"Aakyat na ako ah. Shower lang ako. After mo diyan kausapin mo manager ko. Mabait iyon at natutuwa nga siya 'nong marinig na nandito ka. If ma-offend ka niya or something— wag ka magdadalawang isip na layasan siya and isumbong sa akin," ani ni Fabian after umayos ng tayo. Kinindatan ako nito bago naglakad palabas ng kusina. Sinundan ko siya ng tingin.

"Ah!"

Lumingon si Fabian sa akin at nag-request ng coffee. Sinabi nito na kahit late na ito ibigay sa kaniya since magsha-shower pa siya.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon