04

5.1K 127 2
                                    

Chapter 04
3rd Person's POV
"Bukas bibigyan kita ng advance payment. Bumili ka ng mga susuutin mo na damit at ilang kailangan mo," ani ni Fabian. May inabot ang lalaki na ilang damit.

"Mga damit ko ito na hindi ko naman nasuot at nakatambak lang sa closet sa ngayon ito na muna suutin mo para may pamalit ka," ani ni Fabian. Nagulat si Sonia. Gusto niya tumanggi ngunit— tiningnan niya ang suot na damit. Punit-punit iyon at sobrang dumi.

Nahihiyang kinuha iyon ni Sonia at nagpasalamat. Tiningnan niyang mabuti iyon at hinawakan ng mahigpit.

"Sure na ako may dinner sa ibaba. Pagkatapos mo mag-shower bumaba ka na din para kumain," ani ni Fabian at tumalikod. Naglakad ang lalaki palapit sa pinto ng room ni Sonia.

"Wala ka bang ibang itatanong sa akin? Katulad ng background ko as a nanny and work experience ko," tanong ni Sonia. Even kasi sa name niya hindi ito nagtanong— nagpakilala siya kanina.

"Honestly, hindi na kailangan. Kilala kita," ani ni Fabian. Nagulat si Sonia— lumingon bahagya si Fabian.

"Hindi ko lang alam ang nangyari sa iyo pero sa park pa lang alam ko ng ikaw si Sonia Valencia kaya hindi ako nagdalawang isip na isama ka dito," sagot ni Fabian. Nawalan ng kulay ang mukha ni Sonia. Akala niya hindi siya makikilala ni Fabian dahil sa tiyura niya.

Wait— paano siya nakilala sa pagkakaalala niya ni isang beses hindi nagkatagpo ang landas nilang dalawa.

"Maaari ko ba malaman— paano? I mean nakikita kita pero paano mo nalaman pangalan ko," ani ni Sonia. Natawa si Fabian at sinabing sikat na model si Sonia.

"Wala sa entertainment industry ang hindi nakakakilala sa iyo kahit pa noong mga time na trainee ka pa lang," ani ni Fabian. Humarap ang lalaki at hinawakan ang baba niya.

"Ikaw din iyong kauna-unahang tao na tinurn down ang offer ng manager ko para magkasama tayong dalawa sa isa sa mga movie ko," ani ni Fabian. Napatigil si Sonia at kumunot ang noo. Tinanong kung kailan iyon.

"Maraming offer sa akin. Mga new contract ngunit tanda ko na wala akong nabasa na name mo," ani ni Sonia. Kung nasa entertainment industry siya at si Fabian ang partner niya imposible na i-turn down niya iyon. Sobrang laki ng opportunities na iyon para sa kaniya.

Siya iyong tipong hindi pinalalampas ang malalaking opportunities lalo na pagdating sa career niya.

"Huwag mo ng alamin matagal na din iyon hindi ko na gaanong tanda," ani ni Fabian na nakangiti. Tangi lang sinabi sa kaniya ni Fabian— kilala siya ni Fabian at ang asawa nito.

Napatigil si Sonia. Naiyukom ang kamao matapos marinig ang pangalan ng asawa.

"Ano— sorry," ani ni Fabian. Napatigil si Sonia at napaangat ng tingin.

"May nasabi akong masama," ani ni Fabian. Sinabi ni Sonia na walang kasalanan si Fabian.

"Is that masyado lang sensitive ang topic na iyan para sa akin," ani ni Sonia at umiwas ng tingin.

Pagbaba ni Sonia ng hagdan napatigil si Fabian na nasa loob ng kusina at may niluluto. T-shirt lang ang suot ni Sonia at boxer. Nakabalot ng benda ang buong mukha at inipitan ang mahabang buhok.

Naramdaman ni Sonia ang tingin ni Fabian. Itinago ni Sonia ang kaliwang braso sa likod.

"Is that hurt?" tanong ni Fabian. Pinagpatuloy niya ang pagluluto. Hindi nagsalita si Sonia.

"2 years ago pa ito kaya fully healed na," ani ni Sonia. Sinabi ni Fabian na umupo na si Sonia dahil luto na iyon.

"Sir Martinez, ako na lang maghahanda," ani ni Sonia at agad na lumapit. Nag-panic si Sonia dahil walang sino 'man ang gumagawa 'non para sa kaniya like ipaghanda siya ng pagkain.

Nagkabanggaan ang dalawa. Agad na nag-sorry si Sonia at yumuko. Nabitawan ni Fabian ang hawak na kutsara.

"Sonia relax, hindi ako makapaniwalang maglalagay lang ako ng plato sa table at sa harap mo ay nagpa-panic ka na," ani ni Fabian. Mula sa sasakyan, pag-uusap nila about sa injury niya at pagpapakilala nila sa isa't isa ay nanatili si Sonia na kalmado.

Hindi siya makapaniwalang nag-panic ito kaagad dahil lang sa naglagay siya ng plato sa table.

"Hi— hindi lang ako sanay na may gagawa 'non para sa akin. It's just— I'm sorry," ani ni Sonia na nanginginig. Nakatingin lang si Fabian kay Sonia. Ang kilala niyang Sonia 5 years ago ay full of confidence sa lahat ng bagay. Malakas ang loob at malaki ang tiwala sa sarili na kaya nitong gawin na lahat.

Napa-pokerface si Fabian. Anong nangyari dito matapos mawala ito ng 3 years at after ng aksidente.

"Umupo ka na doon. Hindi ka pwede mag-prepare ng dinner ng nanginginig ang kamay mo. Relax ka lang," ani ni Fabian. Napatingin si Sonia.

Umiwas ng tingin si Fabian at kinuha pa ang ilang niluto niya sa sink.

"Wala ka naman allergy o hindi ka naman maarte sa pagkain hindi ba? Limit lang ang alam kong lutuin," pag-iiba ni Fabian. Nakita niya si Sonia sa peripheral vision niya na umupo sa upuan at mukhang pilit na kinakalma ang sarili.

"Hi— hindi ako maarte sa pagkain," bulong ni Sonia," ani ni Sonia. Kahit ano naman kinakain niya.

"Any allergies?" tanong ni Fabian. Naglagay pa siya ng ilang putahe sa table.

"Be-beans," bulong ni Sonia. Tiningnan ni Fabian ang mga niluto niya. May dalawa siyang plato na inalis sa harapan ni Sonia.

"Kumain ka na," ani ni Fabian. Nakapaglagay na din naman siya ng plato at kubyertos sa table.

Umupo na din si Fabian— pumuwesto ito sa harapan ni Sonia at kumuha ng plato.

"Sir, may tanong ako," ani ni Sonia. Kumuha si Fabian ng mga kakainin niya.

"Sir?" ulit ni Sonia.

"I'm listening," sagot ni Fabian. Nahihiyang tinanong ni Sonia kung natural ba na sumasabay si Fabian sa pagkain sa mga maid nila.

"Nauunang kumain palagi ang mga maid dito dahil late na ako palagi umuuwi galing work."

Bukod sa celebrity si Fabian isa din itong full time CEO ng isa sa pinakamalaking car company sa buong kontinente. Hindi na nakakagulat na lagi itong busy.

"Ipapagawa ko bukas sa assistant ko ang contract mo bilang personal nanny ni France. Pwede ka na mag-start bukas."

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon