32

3.4K 82 3
                                    

Chapter 32
Naghiwalay kami ni Fabian sa pamimili ng grocery. Hawak ko ang pushcart habang nakatingin sa phone at inisa-isa hanapin ang nga need ko na stocks sa bahay.

Mga meat lang naman at vegetable tapos seafoods ang need ko bilihin since si Fabian na daw mag-iikot sa loob ng grocery store para mamili ng stocks like can foods.

Bibili na din ako ng tocino, imbutido at iba para dagdag stocks at favorite mga iyon ni France.

"Sonia? Is that you?"

Napatigil ako at lumingon. Inalis ng babae iyong suot na sun glasses at facemask. Si Maria— kasama ko dati sa agency.

"How are yo—"

Napatitig siya sa mukha ko then nagbago ang expression sinabi na tama ang bali-balita niya.

"Nalaman ko na nakipag-divorce nga sa iyo si Mr Valencia," ani ni Maria. Hindi lingid sa kaalaman ko na pinakalat nina Victor na nababaliw na ako after masira ang mukha ko kaya niya ako hiniwalayan.

Anyway, hindi naman na bigdeal iyon dahil nakalatag na lahat ng need ko at carpet. Once na makapasok na ako sa industriya at makabalik— sisiguraduhin ko na lahat ng taong nagmaliit at sumira sa akin. Magsisisi.

Ngumiti lang ako sinabi na kasal na ako at pinakita ang kamay ko kung nasaan ang wedding ring namin ni Fabian.

Private ang kasal na nangyari, ilang tao lang ang invited at mapagkakatiwalaan. Walang nakakaalam sino 'man bukod sa agency at ilang tao na nakakasama namin sa company this past few days.

"Woah, sino iyong guy? Kinasal ka ulit? Hindi mo 'man lang ako inimbita? Nakakatampo," ani ni Maria at nag-act na nasasaktan. Bigla ko naaalala kung paano ito nagrason at binabaan ako ng phone after malaman na pinalayas ako ni Fabian.

Gusto ko tumawa dahil sa paga-act nito na parang walang nangyari.

"Wife, walang nakalagay kung anong klaseng brand iyong tuna na bibilhin."

Dumating si Fabian na may dalang apat na klase ng tuna na nasa lata. Nakasuot ng glass si Fabian, mask at cap.

Agad na ngumiti si Maria at tinanong kung ito ang husband ko. Natutuwa si Maria sinabi na bagay kami.

Hindi naging maganda dating 'non sa akin. Ang dahilan bakit hindi pinagkakaguluhan si Fabian in public kapag naka-disguise ito ay dahil sa galing nito sa paglalagay ng make up at disguise.

Nagmukha kasi matabang tao si Fabian at malaking tiyan dahil sa suot nito na fake body, naglagay din ito ng make up para maging maitim ito at fake eyebrow.

Nailing na lang ako dahil sa pagiging mapanghusga ng mga ito.

"Iyong 555 kunin mo. Tapos ka na ba?" tanong ko. Sinabi ni Fabian na hindi pa. Tinanong ako kung need ko ng help.

"Hindi pero malapit na ako matapos. Wait kita sa cashier mamaya," ani ko. Ngumiti lang si Fabian at nagpaalam. Hindi nito tinapunan ng tingin ang babae na kasama ko.

Nakita ko na napatanga si Maria doon. Para kasing hindi siya nakita ni Fabian. Agad din nagbago iyon 'nong mapansin nito na nakatingin ako sa kaniya

"Mahiyain husband ko. Pasensya na," ani ko na nakangiti. Napapaypay si Maria sa sarili sinabi na parang hindi nanonood ng tv ang husband ko.

Mukhang iba ine-expect ni Maria na magiging reaksyon ng husband ko kapag nakita siya. Gusto ko matawa sa idea na baka ito pa mag-passed out kapag formal nagpakilala sa kaniya si Fabian.

May tumawag na lalaki kay Maria. May kasunod ito na manager na siyang may hawak ng pushcart.

"Babe, wala ka na ba ipabibili?"

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon