21

3.6K 94 2
                                    

Chapter 21
Sunod na pinuntahan namin ni Fabian ay ang amusement park. Walang gaano tao ng oras na iyon doon dahil tanghali na. Bumili ng ticket si Fabian papasok sa loob. Bumungad sa amin agad ang ilang mga rides at mascot.

Agad kami nakaagaw ng pansin hindi dahil sa celebrity si Fabian or dahil sa mukha ko kung hindi pareho kami naka-disguise.

"Mukha tayo kidnapper," ani ko after bahagya hilahin ang sleeve ni Fabian at inilapit niya ang tenga niya sa akin.

Natawa lang si Fabian sinabi na kaya niya ako bigyan kahit ilan na anak.

"Hindi natin kailangan kumuha ng ibang bata," ani ni Fabian. Agad ako namula at hinampas siya sa braso. Hindi naman iyon ibig kong sabihin.

Hinawakan ko ang braso ni Fabian at inaya siya sa isang stall kung saan may nagtitinda na ice cream.

"May cash ka?" tanong ko at nilingon si Fabian habang nakatayo kami sa harap ng stall at may mga bata sa unahan namin.

Kinuha ni Fabian ang wallet niya sa bulsa niya then basta na lang binigay sa akin.

"Cash lang kailangan ko hindi wallet mo," ani ko. Sinabi ni Fabian na ako na magtago para kung may gusto ako bilhin hindi ako hihingi.

Pero dahil sabi niya iyon ako na nga nagtago. Kumuha lang ako ng pera doon na 100 pesos tapos nagbayad kay manong. Bumili ako ng isang ice cream.

"Bakit naman wala ako?" tanong ni Fabian na mukhang nagtatampo. Natawa ako at nilingon siya.

"Ayaw mo ng cold hindi ba? Huwag mo ipilit. May alam ako malapit dito na coffee shop. Daan tayo doon. Magugustuhan mo coffee nila doon for sure," ani ko. Bahagya napatigil si Fabian. Mukhang nagulat ito dahil alam ko. Oo alam ko— sinabi ko na napansin ko lang na kapag cold iniinom mi Fabian sumisimsim lang ito ng kaunti.

Nabasa ko din sa magazine about sa kaniya na hate nito kahit anong klaseng cold.

Kaya kapag nali-late ito ng uwi mini-make sure ko na mainit kakainin nito. Isa sa reason kaya walang gaano gana kumain si Fabian dahil hindi iyon mainit. Parang bata lang. Natawa na lang ako sa idea na iyo.

Noong mabigyan ako ng ice cream hinihintay ko na lang ang sukli tapos may nakita ako na batang babae hindi sa kalayuan. Nakatingin ito sa mga batang kumakain ng ice cream.

Tiningnan ko ang hawak ko na ice cream then naglakad palapit sa bata na iyon. Nagulat ito at tatakbo ito palayo nang hawakan ko ito sa balikat at inabot ang ice cream na hawak ko.

Napatigil ang bata at lumingon. Bahagya ako ngumiti sinabi na malinis iyon.

"Sa iyo na lang."

Humarap sa akin ang bata. Nag pabalik-balik ang tingin nito sa akin at sa ice cream.

Binuksan ko iyon at inabot sa batang babae. Sinabi ko na kabibili ko lang 'non. Dahan-dahan kinuha iyon ng bata at nag-thank you.

"Bakit ka mag-isa? Nasaan mama mo? Naliligaw ka ba?" tanong ko. Agad na umiling ang bata then may tinuro siya sa kabilang bahagi ng kalsada.

May babae doon na nakaupo at may yakap na ulo ulo ng mascot. Tumakbo ang bata doon at sinundan ko siya. Para kasing familiar iyong babae.

Lumapit ako at nakita ko binigay ng batang babae ang ice cream.

"Anak saan mo ito kinuha? Wala naman ako binigay sa iyo ni ice cream."

Nagulat ako dahil nakumpirma ko na si Tania nga ito. May suot ito na mascot ng manok at sa likod nito ang isang shop.

Pawisan ito at mukhang pagod na pagod. May mga flyers din ang nakapatong sa bench na pinapatungan ng bag niya.

Nilingon ako ng bata at tinuro. Sinabi na galing iyon sa akin. Napatingin sa akin si Tania at napatayo. Nag-sorry ito at inaabot sa akin ang ice cream.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon