36

3K 90 2
                                    

Chapter 36
"Anong nangyayari?" tanong ni Fabian. Nasa likod niya si Vladimir na kasalukuyang natatakot sa mga taong nakahrang sa gate at kinukuhanan siya ng mga litrato.

"Ikaw ang anak ni Sonia Salazar at Victor Valencia hindi ba? Pwede ka ba namin makausap! Isang interview lang!"

Sumalubong ang kilay ni France after marinig iyon. Agad sila dinaluhan ng adviser nila sinabihan ang dalawa na huwag muna lumabas. May ilang estudyante naman ang agaw atensyon at lakas ng loob lumabas sinasabi na kaklase nila si Vladimir.

"France," ani ni Vladimir hawak ang strap ng bag ni France. Tinanong ni France kung may sundo si Vladimir.

"Oo sigurado nasa parking lot na ang driver," ani ni Vladimir after nila pumasok sa room. Ipinatong ni France bag niya sa table at kinuha ang phone niya.

"Tawagan mo ang phone sa mansion niyo. Alam mo naman yata ang number," ani ni France at inabot ang phone niya. Agad iyon kinuha ni Vladimir then tinawagan nga ang telepono sa mansion ng mga Valencia. Nanatiling busy iyon.

Naka-ilang call si Vladimir ngunit nanatili busy ang kabilang line kaya ibinigay niya na iyon kay France.

"Hintayin ko na lang siguro umalis mga reporter," ani ni Vladimir. Sinabi ni France na hindi pwede.

"Mas dadami pa ang reporter sa labas. Nangyari na din sa akin ito one time after lumabas ang issue about sa dad ko at sa colleague niya," ani ni France. May tinawagan siya na number at agad iyon sumagot.

"Sweety, napatawag ka?" tanong ng babae sa kabilang linya.

"Grandma, pwede ba pasundo ako dito sa school. Kasama ko classmate ko. It's just ang dami lang reporter sa labas ng university," ani ni France. Lola na niya tinatawagan niya dahil sigurado na kapag si Sonia tinawagan niya matataranta lang ito at mas lalo magkagulo doon once na makita ang mommy niya ng mga reporter.

"Okay honey, papunta na ako diyan."

Tinanong ni Vladimir kung ano iyon. Tumingin si France sinabi na pinapapunta niya lola niya para tulungan sila lumabas.

"Anong nangyayari? Bakit ako kilala ng mga reporter? Ano kailangan nila sa akin?" tanong ni Vladmir. Bakas sa mukha ni Vladimir pag-aalala.

Sinabi ni France na wala din siya idea pero malakas ang kutob niya na may kinalaman iyon sa pagkuha ng parents niya sa custody ni Vladimir.

May dalawang van ang dumating at mula dito bumaba ang mga tauhan ng mga Martinez . Pinatabi ang mga reporter at bumaba din ang private lawyer ng mga Martinez saan sinabing kakasuhan ang mga reporter ng pamilya.

May isang reporter ang sumigaw at tinanong kung totoo ba na ang kumakalat na balitang second wife ni Fabian Martinez ay si Sonia Salazar. Totoo din ang chismis na kaya naghiwalay si Victor at Sonia few years ago ay dahil sa sekreto na relasyon ng dalawang sikat na artista.

Nanatili sa loob ng sasakyan ang ginang at hinayaan ang mga tauhan na pumasok sa gate para sunduin ang classmate ni France at si France.

"France!"

Napatigil si France 'nong napaupo si Vladimir sa sahig at tinakpan ang ulo 'nong pumasok sa room ang isa sa mga tauhan ng lola niya.

Nakita ni France na may hawak na payong ang lalaki. Agad na tumalikod si France at nilapitan si Vladimir sinabi na hindi siya sasaktan ng mga tauhan ng mga lola niya.

"Uuwi na tayo," ani ni France na hawak sa braso si Vladimir na nanginginig. Inutusan ni France ang head bodyguard ng lola niya na alisin ang payong at sinabing unahin ilabas si Vladimir.

"Make sure na walang mga reporter makakalapit kay Vladimir," ani ni France. Nakatingala si Vladimir sa malaking lalaki at doon nakita niya bigla ang tita Themarie niya.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon