58

3.1K 94 10
                                    

Chapter 58
"Sonia."

May gumising kay Sonia kaya napabalikwas ang babae sa bangon. Nakita niya si Amara at Sophia na nag-aalala nakatingin sa kaniya.

"Dinner na, kumain ka muna. Nagdala kami ng pagkain kainin niyo ni France habang mainit pa," ani ni Amara. Napatigil si Sonia at luminga-linga.

"Nasaan si France?"

Napatayo si Sonia. Nagtataka siya tiningnan nina Sophia sinabi na katabi lang ni Sonia kanina doon si France. Abo't abot ang kaba ni Sonia dahil sa pagkakaalala niya ay tulog si France sa lap niya kanina.

"Oh my god! France!"

Napatakbo si Sonia sa kabilang bahagi ng hallway at ginala-gala ang paningin sa paligid. Abo't abot ang kaba ni Sonia dahil nawala sa isip niya na nagi-sleep walk si France at baka mapaano ito.

"France—"

Napalingon si Sonia at nakita niya si Francis. Gusot ang mukha ni Francis tinanong si Sonia kung ano sa tingin nito ang ginagawa niya.

Naiiyak na napaupo si Sonia sa sahig after makita si France na natutulog sa mga braso ni Francis.

"Ano ba ginagawa ko?" ani ni Sonia na halos sabunutan na ang sarili niya dahil sa frustration.

Bumuga ng hangin si Francis at pinantayan si Sonia. Ibinigay ni Francis si France sa babae na kinatingin ni Sonia.

"Magpe-freak out ang bata kapag nakita niya ako may buhat sa kaniya. Pull yourself together dahil walang gagawa 'nan para sa iyo," ani ni Francis bago tumayo ng ayos. Naiiyak na niyakap ni Sonia si France at nag-sorry.

Nalaman ni Sonia na muntikan na si France mahulog sa hagdan ng fire exit. Buti na lang nandoon si Francis at naninigarilyo. Nakita niya agad si France na mahuhulog.

Sigurado si Francis na nagi-sleepwalk ang anak niya at masyado pa bata si France para magkaroon ng ganoong sakit.

Sa mga sunod na araw. Habang nagbabantay si Sonia at France sa hospital hindi umaalis si Francis sa paligid nila.

Kapag may pagkain ay binibilanan na nina Sonia sina Lance na bilhan din ng pagkain si Francis na sigurado siya ay nasa pinto lang ng fire exit ng hospital.

May ilang media na napunta  doon minsan at talaga kinukulit si Sonia. Tuwing nakikita ng mga ito Francis nagtatakbuhan na mga ito paalis kasi last time na may isang reporter ang ayaw umalis.

Sinuntok lang naman ni Francis ang pader malapit sa mukha ng reporter then pinagbantaan na babasagin nito salamin sa mukha nito kapag bumuka pa ang bibig nito.

Nagpapasalamat na lang si Sonia dahil doon. Tiningnan ni Sonia si France na patingin-tingin sa fire exit.

"France, gusto mo ba i-share iyan kay Francis?"

Napatigil si France then umiwas ng tingin. Sumagot ito ng no then niyakap ang paper bag.

"Ow, okay," ani ni Sonia na natatawa at pinagpatuloy ang pagkain niya.

Ayaw pilitin ni Sonia si France na mapalapit ito sa ama dahil mahirap talaga magpatawad. Isa pa naiintindihan ni Sonia si France kung bakit hindi nito magawa agad lapitan ang ama.

Kalaunan sa loob ng hospital. Kasalukuyang wala pa din malay si Fabian at balot ng mga benda.

Tanging tunog lang din ng aircon at heart monitor ang naririnig sa buong kwarto.

"Francis! That's not what you think!  Nabigla lang si mom!"

Nakita ni Fabian ang sarili na hinahabol ang kapatid na si Francis na parehong nasa siyam na taong gulang.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon