13

4.2K 122 4
                                    

Chapter 13
Hindi ko na napansin ang oras dahil sa energy ni France at Fabian na parang hindi mga napapagod. Wala naman sila ginawa maghapon kung hindi bumili ng mga accessories, bags at shoes ko.

Noong pare-pareho na kami nakaramdam ng gutom pumunta kami sa isang restaurant. Agad kami nakakuha ng table dahil nagpa-reserved na nga doon si Fabian 2 hours ago.

Malapit kami sa glasswall tapos kitang-kita ko doon ang ibaba ng shop. Nasa third floor kami at base sa pagkakarinig ko vip area ang floor na 'yon at may napakaganda na view.

Masyado napalalim ang pag-iisip ko at narinig ko na nago-order si Fabian. Iyong part na walang beans lang narinig ko. Napatingin ako kay Fabian.

"Gusto mo ba ng wine?" tanong ni Fabian sa akin. Agad ako na umiling. Nag-order na lang si Fabian ng juice.

Ilan sa mga babae na nandoon ay nakatitig kay Fabian na parang nasa isang fashion show. Pretenteng nakaupo ang lalak, naka-cross arm at cross leg habang tinatanaw ang labas. Sino ba hindi mapapatitig sa lalaki.

May asul itong kulay ng mga mata, matangos na ilong, makapal na kilay, perfect jawline, flawless na balat at mukhang malambot na buhok. Maganda din pagkakakurba ng katawan nito as expected  sa isang Fabian Martinez.

"Mas maganda ba mukha ko kaysa scenario dito sa loob ng restaurant?" out of the blue na tanong ni Fabian. Napatingin si Fabian sa direksyon ko. Wala sa sarili ako napa-oo then agad ko nabawi 'nong mag-sink in sa akin tanong ni Fabian. Nahihiya ako tumingin sa glass wall.

"Worried ako na baka paglabas natin ng restaurant may mga media na nasa labas. Inalis mo kasi iyong disguise mo," palusot ko. Sinabi ni Fabian na may emergency exit naman sa lugar na 'yon. Pwede kami dumaan doon.

Tiningnan ko si Fabian at tinanong kung seryoso ito doon. Tumawa lang si Fabian at sinabi na hindi naman sila pwede ipilit dumaan sa entrance kung meron nga mga reporter.

"Baby, tama na malamig. Baka ubuhin ka," saway ko kay France after makita na nangangalahati na ice cream nito.

Masyado malaki ang lalagyan 'non para sa bata. Naiiyak ako tiningnan ni France na nasa tabi ko.

"Ice cream," ani ni France. Gosh, paano ko mare-resist ganito klaseng cuteness. Agad ba tinakpan ni Fabian ang mukha ng anak niya.

"Huwag mo na pahirapan mommy mo. Akala ko ba behave ka lang," ani ni Fabian. Magkatabi ngayon ang dalawa at nakita ko inaalis ni France kamay ni Fabian sa mukha niya.

"But gusto ko ng ice cream. I want ice cream daddy," pamimilit ni France. Agad ko na pinaliwanag hindi maganda cold kay France.

"Ayoko magkasakit ka France. Sumunod ka na lang kay mommy okay?" ani ko. Napanguso si France then binaba na nito ang spoon. Napangiti ako after makita na sumunod si France.

"Pagkauwi natin gagawan kita ng cup cake," ani ko. Agad na lumiwanag ang mukha ni France at tinaas ang dalawang kamay.

"Cup cake!"

Inabot ko ang pisngi ni France at pinunasan ang gilid ng labi nito. Napatigil ako 'nong makarinig ako ng ilang ingay sa entrance ng restaurant.

"What do you mean? Friend ko may ari nitong shop. Lagi naman ako pumupunta dito hindi ba? Bakit bawal ngayon?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko after makita ang familiar na mga bulto sa hindi kalayuan.

Si Victor 'yon at Themarie. Naririnig ko pinagpipilitan ni Victor na sa vip area nila gusto dahil marami mga tao sa first and second floor. Gusto nila kumain in peace.

"Heh, inaalala nila ang media? Pumunta sila dito ng hindi naka-disguise?"

Napatingin ako kay Fabian na nakatingin ngayon sa dalawang tao na nandoon. Napatingin ako sa ibaba ng restaurant at nakita ko na may ilang reporter na ang nandoon.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon