41

3.3K 83 4
                                    

Chapter 41
"Gusto ko ng baby from you. 100% sure na gusto ko. No, i love the idea to have baby exactly like you."

Ipinaliwanag ni Fabian na babalik na ako sa pag-aartista and may unfinished business pa ako na dapat gawin.

"We can make naman after ng first drama mo. Ikaw lang inaalala ko. Don't think over too much. I love you," ani ni Fabian. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko nagmukha na naman ako engot sa pago-overthink.

Natawa si Fabian sinabihan ako na huwag iiyak. Dalawa na magagalit sa kaniya kapag nakita ako na umiiyak. Pinasadahan niya ng palad ang pisngi ko.

Kinuha niya iyong animal hat tapos sinuot niya sa akin tapos sinuot niya din iyong kaniya. Pinagalaw-galaw niya tenga ng hat dahilan para matawa ako.

Bigla pumasok sa isip ko ang parents ko. Specially dad ko. Ganoon kasi ginagawa ni dad tuwing umiiyak ako. May lumang animal hat siya na sinusuot tapos ginagawa niya iyon para patahanin ako.

"Ngayon death anniversary nila," bulong ko. Napatigil si Fabian at tinanong ako kung sino. Naalala ko na wala pala ako nabanggit about sa family ko.

"Dad at mom ko. Naalala ko na may animal hat na binili si dad for me then kapag umiiyak ako he always use it para patahanin ako," ani ko. Natatawa lang ako sa idea na birthday ni Vladimir same month and date iyong araw na kinuha sa akin ang parents ko 'nong 8 years old ako.

Napatigil kami pareho 'nong marinig na namin umugong ang sasakyan mabilis ako na tumayo para salubungin sina France.

Hinawakan  ko si Fabian at hinila-hila ito palapit sa pinto. Nandito na ang mga bata.

Nagtaka si Vladimir 'nong paunahin siya ni France. Bubuksan na kasi nito ang pinto nang mapatigil ito tapos lingunin si Vladimir sinabing buksan iyon.

Sumunod naman ang lalaki at pagbukas nga 'non ay sabay-sabay na bumati ng happy birthday sina Fabian at Sonia.

Hindi nakagalaw si Vladimir after makita ang disenyo ng living room. Maraming pagkain, gifts tapos may cake na hawak si Sonia.

"Vlad? Hindi ka ba masaya?" tanong ni Sonia. Bigla kasi nagblanko ang expression ni Vladimir then— bigla ito tumakbo palabas.

"Vlad!"

Sumunod si France. Iniabot ni Sonia ang cake kay Sophia na nagsimula na din mag-alala. Lumabas na din si Sonia at Fabian sa mansion para habulin ang dalawang bata.

Lumabas ng gate si Vladimir at hinahabol ito ni France na patuloy sa pagtawag ng pangalan niya.

"Vladimir Valencia! You idiot! Stop!"

Napahinto si Vladimir after tawagin ni France ang buong pangalan niya then lumingon. Nakita niya si France na hawak ang tuhod, hinahabol ang hininga then napaluhod.

"France!"

Tumakbo pabalik si Vladimir at noong makalapit siya ay agad na hinila ni France ang kwelyo ni Vladimir at ngayon pareho na sila nakaupo sa sahig. Hindi makapagsalita si France dahil sa pagod at pagkakapos sa hininga niya.

"Why— why ka bigla tumakbo!"

Patuloy pa din paghabol ni France ng hininga. Hinawakan ni Vladimir ang mga kamay ni France na nasa kwelyo niya ngunit ayaw iyon bitawan ng batang lalaki at sinabi na hindi niya iyon bibitawan hangga't hindi nagsasalita si Vladimir.

"I... I'm scared."

Napatigil si France. Ibinaba ni Vladimir  ang mga kamay at yumuko. Naiiyak si Vladimir sinabi na paano kung panaginip lang iyon.

"Kung hindi panaginip paano kung bukas ibalik ulit ako ni mom. Natatakot ako na mag-accept ng kahit na ano tapos mawawala din. Natatakot ako na ngayon araw lang ito tapos bukas— bukas—"

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon