Chapter 1

360K 5.1K 282
                                    

Namutawi ang malakas na tunog na nabunggong sasakyan sa buong paligid. 

Unti unting nadudurog yung puso ko habang papalapit ako sa emergency room. Nanlambot ang tuhod ko sa ingay ng iyak at hinagpis ng magulang ng babaeng mahal na mahal ko. Hindi ko man alam ang buong nangyari, isa lang ang dapat sisihin dito, pagbabayarin ko siya. Sa ginawa niya kay Rhia, at sa dapat sana ay magiging anak namin.


[Grace Pov]

"I'm Grace Paula Sanchez" pagpapakilala ko sa mga bago kong katrabaho.

"Nice to meet you, Grace! Wag kang mahiyang iapproach kami ha!" Sabi naman nila, Tumango lang ako at ngumiti sa kanila. Bago umupo sa assign table ko.

Maganda ang company na ito. Talagang pag nagtrabaho ka dito, kahit maintenance ka eh talagang feeling class ka sa sobrang ganda. Karamihan sa pader nila ay glasswall. Kaya walang kawala ang tatamad tamad. Sa isang room Lima kami, Tatlong babae, isang lalaki, at isang Binabae. Nasa gitna naman namin yung pinakahead ng department namin.

Bali yung likod na pader nung head at gilid na part nung tatlo ay sementado. Samantalang yung sa amin na part ni Joana ay glasswall, kaya bungad na bungad kami.

Tahimik akong nagbabasa ng ilang mga documents, kailangan kong malaman ang lahat ng tungkol sa pamamalakad dito at sa magiging trabaho ko. I need to adjust bigtime. hindi naman porket, close kami ng may-ari ay magiging kampante na ako. 

bahagya akong napaangat ng tingin ng marinig ko ang bulungan ng ilan sa aking mga katrabaho. Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila ay ngumiti sila sa akin kaya naman ngumiti din ako pabalik, hanggang sa may inginuso sila sa akin mula sa labas. Nagtaka pa ako nung una hanggang sa makuha ko ang gusto nilang sabihin. 

"Kervy!" sigaw ko sabay kaway. Nginitian niya naman ako at kumaway din, tsaka siya lumakad papuntang office niya.

Halos lahat ng pupunta sa office ni Kervy ay dadaan muna sa amin. Yung elevator papunta doon ay kaharap ng table ko. Pero may 3 rooms pa after nung sa amin, doon naman makikita yung mga head at manager, tsaka yung pinakamagagaling daw na emplayo. "daw" I'm not sure and I don't even care.

Nang12 na lunch break ay inaya ako ng grupo nila Joana sa sumama at sumabay sa kanilang kumain. Sa isang fastfood chain kami bumagsak. Ang sabi pa nila sa akin ay kailangan ko ng masanay na kumain sa mga ganon, araw araw lalo pag malayo pa ang araw ng sweldo. ,

"Grabe ka, Grace! Ikaw pa lang ang nakakatawag ng pangalan lang sa Ceo natin, halos lahat kami, Boss, Sir , Mr. Ceo" si Joana.  

 Tipid ko silang nginitian. I don't want to brag."Childhood friend kasi kami. Tsaka hindi naman sa pagmamayabang pero bestfriend ko kasi siya eh" sabi ko pa. 

Halos maibuga ni Joana yung nginunguya niya sa kanyang kaharap na si James, isa sa aming mga katrabaho. 

 "Jonathan ano ba? magdahan dahan ka naman" inis na sabi ni James.

"Correction Jamesy Boy, Joana! not Jonathan!" masungit na pagtatama nito kaya naman natawa na lang din ako.   

"Ano? Bestfriend mo ang Ceo ng companyang pinagtratrabahuhan mo!?" Balik sa akin ni Joana, sa tono ng pananalita niya at tingin niya sa akin ay hindi talaga siya makapaniwala.  

Tumango lang ako bilang sagot.

"Eh bakit hindi ka na lang nagrequest ng higher position? Kayang kaya mo yun kasi bestfriend ka kamo eh" sabi naman ni Lyka.

"Ayoko naman na makuha yung mga bagay na hindi ko pinaghihirapan. Tsaka magiging unfair sa iba" dugtong ko pa. 

Sabay sabay silang tumango bilang pagsangayon sa aking sinabi.

"Pero may tanong lang kami sayo Girl ha. Alam mo kasi araw araw iba ibang babae ang lumalabas at pumapasok sa opisina niyang si Mr. Hot Ceo, tsaka masyado siyang mysterious. May girlfriend na ba siya?" tanong ulit ni Joana.

Umiling ako, abala ako sa pagkain na iyon na lang ang naisagot ko sa kanila. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya bago niya makahulugang tiningnan ang iba pa naming kasama. 

"Talaga? kung ganoon, baka ikaw ang gusto Grace. Sa tingin pa lang niya sayo kanina habang nagbabasa ka, iba na" Parang kinikilig na sabi pa ni Bea.

Napainom tuloy ako ng juice dahil sa narinig bago ko sila tinawanan. "Impossible. Kasi bestfriend lang talaga kami" paniniguro ko.      

"Sus! diyan naman naguumpisa yan eh. Bestfriend, friends, naku naku!" giit ni Joanna kaya naman nagkibit balikat na lamang ako sa kanila. nakahinga ako ng maluwag ng maiba na ang topic ng pinaguusapan namin.    

Saktong pagbalik namin sa office ay nagring ang telepono. Si Joana ang dali daling tumayo para sagutin iyon. 

"Ah ok. Sige, bye!" Nakangising sagot niya sa kausap.     

Matapos ibaba ang tawag ay nagtaas siya ng kilay sa akin. Tinaasan ko din siya ng kilay pabalik bago siya nakakalokong ngumiti sa akin. 

"Pinapatawag ka daw sa taas, tumawag yung secretary ng bestfriend mo" kinikilig na sabi niya sa akin.

Mabilis akong tumango, hindi naman na ako nagulat pa. Inaasahan ko naman na bwibwisitin talaga niya ako sa oras na magumpisa na akong magtrabaho dito. Nagpaalam kaagad ako sa head namin at mabilis na tinungo ang elevator paakyat sa office ni Kervy. 

Pagkalabas ko ng elevator ay naabutan ko pa ang kanyang secretary na may kausap sa phone. Sandali siyang nagpaalam sa kausap para harapin ako. 

"Sige, Miss pasok ka na kanina ka pa niya hinihintay" sabi nito sa akin kaya naman dumiretso ako papunta sa office ni Kervy. 

Hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pinto ay nabato na ako sa aking kinatatayuan ng may marinig ako. Bahagya akong sumilip at don ay nakumpirma kong tama nga ako. 

My bestfriend is sitting on his swivel chair with a unknown girl sitting on his lap and they we're freaking Kissing!









(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon